When summer came, we've decided to help Oceane to work. I really admire how hardworking she is. Kapag na-set niya na kasi ang utak niya sa isang bagay ay sisiguruhin niyang mangyayari iyon.
She has a long patience and also a self-discipline. Maayos talaga siyang napalaki ni Tita Olivia at Tito Felicio. I'm so proud to be her close friend.
"Here's your order, Sir." Iniabot ko ang order ng lalaking nasa sulok. Halos kaedaran ko lamang ito at may itsura rin ngunit si Agamemnon lang talaga ang gusto ko e. Gano'n ako ka-loyal sa unggoy na 'yon.
He smiled at me. "Thank you," He said. Tumango lamang ako at aalis na sana ngunit muli siyang nagsalita kaya napatigil ako. Ayoko namang basta nalang umalis dahil ang bastos naman kung gagawin ko 'yon.
"May kailangan pa kayo, Sir?" I smiled politely at him. Kailangan ko na talagang umalis dahil ang dami pang costumer ang hindi naaasikaso.
"Why? Nagmamadali ka naman yata?" aniya habang nakangiti ng malawak. "Join me?"
Umiling ako. "No, Sir. I still have a lot of things to—"
"She's not here to flirt. Right, babe?" Nagulat ako ng mula sa kung saan ay lumitaw si Agamemnon at inakbayan pa ako. I saw how the costumer's lips parted in awe.
Mukhang may napagtanto ito kaya natawa at tumango-tango. "Oh, you already have a boyfriend? I thought you're still single. Anyway, thank you." aniya at kinuha ang take out na order at in-excuse ang sarili bago lumabas ng restaurant.
Napabuga ako ng marahas na hininga at tinanggal ang braso ni Agamemnon sa balikat ko. I turned around to face him. Nakangisi pa ang unggoy sa'kin.
"Problema mo?" Ngumuso siya. I rolled my eyes at him.
"Bakit mo pa pinatulan? Customer pa rin 'yon!" I hissed, walking away from him. Mabilis naman siyang nakahabol sa akin.
"What? Hahayaan ko nalang na landiin ka ng gagong iyon?" I could sense the irritation in his voice dahilan para mapakunot ang aking noo. Napaka-moody talaga ng isang 'to. Ang manhid-manhid naman!
"Pakialam mo naman? Buti nga iyon para magkaroon narin ako ng boyfriend e." Pagbibiro ko pero para yata sa kan'ya ay seryoso ang sinabi ko dahilan para sumeryoso ang itsura niya. His eyes grew darker making me gulped in nervousness.
Did I say something wrong this time? Wala naman 'di ba? I was just stating the truth! Kasi alam ko namang hinding-hindi niya ako mamahalin bilang babae. He only loves me as a friend not anything more than that.
"Tss... Mag-aral ka muna. Bata ka pa." Masungit niyang sinabi at nakapamulsang iniwan akong naka-awang ang mga labi. He continued serving the customers while I remained frozen on my track. Ang daming problema ng isang 'yon!
Napairap nalang ako at muling nagpatuloy sa pagtatrabaho.
I enjoyed working with all of them. Kasama ko kasi sila Oceane, Alon, Adonis at Agamemnon. I just hope Yana is with us but she's nowhere. Hindi na siya babalik pa pero naniniwala naman akong ginagabayan niya kami kung nasaan man siya ngayon.
Siguro ay bibisita nalang ako sa puntod niya kapag nakauwi akong muli sa Isla De Verde. Sa summer din na 'yon ay nagtungo kami sa El Nido, Palawan para magkaroon ng summer escapade.
Walang mapagsidlan ang tuwa ko dahil buong magdamag lang naman na nakatuon ang atensyon ko kay Agamemnon. I don't know why but I'm so drawn to him. Gusto kong lagi siyang pinagmamasdan kahit minsan e masakit na.
It hurts me big time thinking how hard it is for me to reach his heart. Kailan kaya, Agamemnon? Matututunan mo pa kaya akong mahalin? Si Dein pa rin kasi e. Gano'n ba talaga kalalim ang pagmamahal mo sa kan'ya? Wala na ba talaga akong pag-asa sa puso mo? Wala na ba talaga kahit kaunti lang?
BINABASA MO ANG
Tell Me How (Isla De Verde Series #3)
RomanceCan they find their way back to each other or they will totally lose the love that once bloomed from their pasts? Fortalejo Cousins 3 of 3. This is the last series of Isla De Verde. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.