I was busy fixing his tie when I'm all aware that he's busy staring at me from the very start. Naiilang na nga ako pero pinilit ko lang ang aking sarili na mapanatili ang seryosong itsura.
"Done," I said and immediately distance myself from him.
"Thanks, Love." He softly said. Naglakad ako patungo sa center table para kunin ang suitcase niya. Nakahanda narin ang maleta niya para sa pag-alis niya ngayong araw.
"Nandito na yata lahat ng mga kailangan mo, Emon. Wala ka na bang nakalimutang dalhin?" I checked each one of his things just to make sure that he haven't forgotten anything before he leave.
"Meron pa 'kong nakakalimutan..." Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. There's a glint of naughtiness in his eyes.
"Ano 'yon nang makuha ko na at ipasok d'yan sa maleta mo—"
"Ikaw, Love. Papayag ka bang pumasok sa maleta ko?" He let out a chuckle afterwards. Sinamaan ko siya ng tingin at agad na pinaghahampas sa kan'yang braso.
"Ang gago mo talaga! Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko sa kan'ya. Ang unggoy na 'to talaga! Seryoso akong nagtatanong tapos biglang babanat ng gano'n? Hindi ako natutuwa— kinikilig lang!
Gosh, I wanted to slap myself! Anong nakakakilig doon? Ang harot!
Tatawa-tawa namang lumapit sa'kin ang huli at inabot ang aking baywang. He huggede from behind and buried his head on the side of my neck. Hindi ko mapigilang hindi mahigit ang aking hininga sa tuwing dumadampi sa balat ko ang kan'yang mainit na paghinga.
"I feel like I just want to stay here with you now..." He murmured like a child being deprived of his toys. Napairap ako at kakalasin na sana ang mga braso niyang nakayakap sa'kin nang mas lalo lamang itong humigpit na tila ba ayaw akong pakawalan.
"Mali-late ka na sa flight mo, Agamemnon!" Inis kong sambit pero sa loob-loob ko ay napakalakas ng tibok ng puso ko.
Sabi ko sa sarili ko may mga mas importanteng bagay pa akong dapat na gawin bago ko siya bigyan ng kasagutan pero kung magpapatuloy ang ganitong pagtrato niya sa'kin ay bigla nalang akong bumigay! That's not what I want.
I want us to be far better than we were before. Gusto kong kahit na marami na ang nagbago ay hindi parin mawawala ang mga pangarap na nais naming matupad mula pa sa umpisa.
Tsaka isa pa, gusto ko sanang tapusin ang pag-aaral ko. Maybe, I'll enroll myself this coming school year at kasabay na rin niyon ang kay Conan. Pero bago iyon lahat ay gusto kong bisitahin si Mama at ang mga kapatid ko.
I want to fix everything from my past. Hindi ko man magagawang baguhin ang mga bagay na nakalakihan ko pero kaya ko namang gawing mas mapabuti iyon. I just want to say sorry to my mother. After all, she still kept me when I have no roof to sleep on.
"Ito na nga, e." Ngumuso siya at natulos ako sa aking kinatatayuan ng nakawan niya ako ng mabilis na halik sa pisngi. I instantly felt the heat on my cheeks. Panigurado akong namumula na 'yon sa ngayon!
"I'm going to miss you, baby..." He gasped. "I gotta go. Tell Conan I already left, hmm?" aniya at kinuha na ang maleta niya. He walked towards the door of his house kaya sumunod ako sa kan'ya at hinatid siya sa gate.
Aside from being an architect, Agamemnon also handles their family company. Alam kong hindi madali ang ginagawa niya dahil sa pagiging architect palang ay mahirap na ang gawaing iyon tapos dagdagan pa nang pagiging isang CEO ng kumpanya?
He has a business trip in Japan that's good for one week kaya naman isang linggo rin siyang mawawala rito sa bahay. I'll be left alone with Conan.
BINABASA MO ANG
Tell Me How (Isla De Verde Series #3)
RomantikCan they find their way back to each other or they will totally lose the love that once bloomed from their pasts? Fortalejo Cousins 3 of 3. This is the last series of Isla De Verde. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.