Chapter 22

450 9 5
                                    




Kung sa umpisa lang pala laging masaya sana lagi nalang akong nasa umpisa. Pero paano ko magagawa 'yon? It's not as if I have the power to turn back time. Tapos na ang lahat. Nangyari na.

My first time living in West Island was the hardest dahil medyo nangangapa pa ako. Inabot ako ng gabi sa paghahanap ng matutuluyan na mura lang ang renta. I got almost raped too. Mabuti na lamang ay may nakakita sa'kin.

"Ayos ka lang?" Halata ang pag-aalala sa kan'yang boses. Nanginginig ako sa pinaghalong takot at kaba. Akala ko talaga kanina ay magagahasa na ako ng tuluyan ng mga lasing na tambay na nadaanan ko sa paghahanap ng apartment na pwedeng rentahan sana kahit maliit lang.

Pagtango lang ang nagawa ko dahil nanginginig parin ako. I can't get over of what happened just now. Malaki ang pasasalamat ko sa pagliligtas niya sa akin.

"Ako nga pala si Kiel at nakatira lang ako sa Barrio Israel." Ngumiti siya sa'kin dahilan para makita ko ang mapuputi niyang ngipin na pwede na yatang pang-commercial sa telebisyon.

I tried to compose myself before smiling back at him. Baka kasi isipin niya na ang sungit ko kapag hindi ko siya nginitian pabalik. Medyo gumaan narin ang pakiramdam ko pero hindi parin nawawala ang takot ko dahil sa nangyari kanina.

"I-I'm Grayce... Thank you for saving me earlier, ha?" I wiped away my tears and tried to stand up. Mabuti na lamang at may pagka-gentleman siya at tinulungan na akong tumayo.

I grabbed my bag from the ground and held it tightly. Madilim na ang paligid pero dahil sa lamp post hindi kalayuan at sa tulong ng liwanag ng buwan ay medyo lumiwanag parin ang paligid.

"Hmm, Grayce. Bago ka ba rito? Mukha ka kasing turista, e." He laughed. Ngumiti lang ako.

"Oo, e... May alam ka bang apartment na pwedeng matuluyan? Kailangan na kailangan ko kasi talaga e."

Napapitik ito ng daliri sa ere. "Oo! Halika't dadalhin kita kay Tiya Mariel." Paanyaya niya. Nag-aalangan pa ako sa umpisa pero mukhang mabait naman ito at mapagkakatiwalaan kaya pumayag na ako.

Dinala niya ako sa isang squatter area kaya medyo masikip ang daan at may kaputikan din. Huminto kami sa harap ng isang bahay at kinatok niya iyon ng marahan.

"Tiya Mariel! Tiya Mariel!"

Hindi nagtagal ay bumukas narin ang pintuan at bumungad sa akin ang isang babae na mukhang nasa mid-forties na ang katandaan. May mga curler pa ito sa buhok at naninigarilyo. Agad akong humakbang palayo para hindi ko malanghap ang usok niyon. It's bad for my baby's health.

"Gabing-gabi nambubulabog ka! Ano na naman nang sadya mo, Kiel?" Bumusangot ang matandang babae at nagbuga ng usok mula sa kanyang sigarilyo. Napangiwi ako.

Kiel scratched his nape. "E, kasi naman Tiya nangangailangan si Grayce ng matutuluyan e."

The old woman removed her cigar from her lips. "Grayce?" Doon lang siya napatingin sa direksyon ko. I faintly smiled at her.

"Oo, Tiya. Kaya nilapitan kita kasi 'di ba naghahanap ka ng boarder para sa apartment mong bulok?" Ngumisi pa si Kiel.

"Anong bulok?! Ikaw talagang bata ka!" Binatukan niya ang pamangkin. Tumawa lang naman si Kiel.

I straightened my body when the old woman looked at me again.

"Halika, dadalhin kita roon sa apartment at nang makita mo kung ano ang ayos niyon." aniya at niyakag ako patungo sa apartment. Hindi iyon kalayuan sa bahay ni Tiya Mariel. 11-B daw ang eksaktong address nitong apartment.

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon