Chapter 5

391 10 2
                                    



"It's not that bad. Mabuti na lamang at hindi namaga ang sakong ng paa mo at namumula lang." ani Nurse Jenny.

"Makakapaglakad ba siya?" Mami Bien intervened.

"Sir—"

Maarteng ipinaypay ni Mami Bien ang mga kamay sa kan'yang mukha at ipinakita sa Nurse ang itsura niyang nakasimangot. Napangiwi ang huli at tumango na tila ba nakakaintindi.

"Miss..." Nurse Jenny trailed off, waiting for Mami Bien's response.

"Imbierna. Bien for short, Nurse Joy!" Mami Bien rolled his eyes.

"Sir— I mean Miss Imbierna, it's Nurse Jenny not Joy." Nurse Jenny looked at me. "Don't worry. You'll be able to walk your foot. Just apply some warm compress para mawala ang pamumula ng paa mo."

Tumango ako at ngumiti. "Thank you, Nurse Jenny."

"Don't mention it. I'm just doing my job." Ngumiti rin siya pabalik at in-excuse ang sarili para makalabas ng clinic.

"Ha! Ang babaitang 'yon! Tawagin ba naman akong Sir?!" Mami Bien is fanning his cheeks so hard as if he's feeling annoyed by Nurse Jenny. "Sa ganda kong 'to?! Mas maganda pa nga ako sa kan'ya!"

Natawa na lamang ako sa reklamo niya. Bumukas din ang pinto at iniluwa niyon si Agamemnon kasama si Dein. May dala itong orange juice with straw at dalawang Fita.

"Oh siya, maiwan ko muna kayo. I'll just check the props na gagamitin sa Thursday." ani Mami Bien at lumabas na ng clinic. Naiwan naman kaming tatlo sa loob.

I'm sitting on the stretcher while Dein pulled a chair to sit beside me. Si Agamemnon naman ay nagtungo sa kabilang gilid ko at inilahad sa akin ang hawak na orange juice at ang dalawang Fita.

"Here, you should eat." He said. I accepted the snacks that he's offering to me. Pagkain 'to kaya hindi dapat tinatanggihan 'no!

"Thank you." I replied, smiling a bit. Naputol lamang ang titigan namin nang marinig ang tikhim ni Dein. Nag-iinit ang mga pisnging nilingon ko siya at inalok ng kinakain kong Fita.

"G-Gusto mo?" She just shook her head while suppressing a teasing smile. Mas lalong dumoble ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

"Hindi na, binili talaga ni Fort 'yan para sa'yo..." She teased. Mariin akong napapikit at kulang nalang ay batukan ko si Dein sa sobrang pang-aasar sa akin.

"Is your ankle fine?" My attention went back to Agamemnon. I nodded my head and sipped on my juice.

"Yes, according to Nurse Jenny, it's just reddening and not swollen. Mabuti na rin ito para hindi maging kumplikado pagdating ng intrams."

Tumango siya at binasa ang kan'yang pang-ibabang labi. "That's good. Next time you should take care of yourself, okay?" He said. "Paano nalang pala kung wala ako roon? Who would carry you down here?" I could sense the concern in his voice making my heart beat faster again.


"Ehem, tama na muna ang lambingan. Nilalanggam na ako rito!" Pagputol ni Dein, nakangising-aso pa. Natawa na lamang ako at napasimangot naman si Agamemnon.


It was an exhausting yet great day for me. Kapag kasama ko ang dalawa ay nawawala ang mga iniisip kong problema. Not only that, if I'm at school, I could divert my attention from our house.

Alam mo iyong pakiramdam na eskwelahan ang ginagawa mong tulay para matakasan ang problema sa bahay niyo? Sa pamilya? Because that's what I'm doing ever since. Kaya hinding-hindi ako nagsisisi na laging pumapasok sa eskwelahan at bilang lang sa daliri ang absent ko.

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon