I was busy typing on the keyboard when my phone vibrated just beside it. Napapikit ako at bahagyang tinanggal ang suot na salamin. Nagsisimula nang lumabo ang mata ko dahil lagi akong tutok sa computer para gumawa ng article.
Mas napapadalas pa nga iyon nitong mga nakaraang araw dahil sunod-sunod ang trabahong ibinigay sa'kin ni Ma'am Yvette. In fact, none of us can be seen loitering around and keeps on chilling. Lahat kami ay abala dahil maraming balita ang pwede naming i-feature na mas makaka-gain ng views mula sa taong-bayan.
I swiped my phone open and read the message.
Pokemon:
We're going back. How are you doing?
Napairap ako. It's been two weeks since he left with my son. At ang gago ay hindi man lang talaga nagpakita sa loob ng dalawang linggo! Miss na miss ko na tuloy ang anak ko. Akala ko talaga may balak siyang itakas si Conan kaya pinapatay ko na agad siya sa isip ko bago ako matulog at kapag gumigising sa umaga na wala parin ang anak ko.
Agad akong nagtipa ng ire-reply sa kan'ya at sinend iyon.
Ako:
Ibalik mo na ang anak ko!
I put it down and continued doing my work. Ang artikulong ginagawa ko ngayon ay tungkol sa bagong kumpanya ng mga house furnitures na ipinatayo sa Isla Portugal. May branch narin nito dito sa West Island at hindi na ako magtataka kung pati sa Isla De Verde ay magpapatayo ang kung sinumang may-ari nito.
Muling nag-vibrate ang telepono ko ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. I know it's just Agamemnon. Wala naman ibang ginagawa iyon kung hindi patuloy akong bulabugin at naiirita na talaga ako!
When the clock strikes eleven o'clock in the evening, I stopped my work and secure my things and turned off the computer. Merong mga staff writer na nago-overtime para wala nang tambak sa mga gagawin nila kaya hinayaan ko nalang sila at nagpaalam nang uuwi.
Sukbit ang bag sa aking balikat ay nag-inat ako nang makalabas ng istasyon. Bahagya pa akong humikab dahil sa sobrang pagod. Wala pa kasi akong pahinga dahil kaninang tanghali hanggang alas-singko ng gabi ay nagtatrabaho naman ako bilang waitress sa isang restaurant.
Maglalakad na sana ako paalis ng istasyon at mag-a-arkila ng tricycle nang bigla na lamang may humigit ng kamay ko at isinandal ako sa pader. I was about to scream when he covered my mouth and looked straight into my eyes.
"Miss me?" He said, huskily.
Nanlaki ang mga mata ko at nagkakawag kaya agad naman niya akong pinakawalan at nginitian ako. I glared at him and pinched his gut making him groan in pain.
"Fuck!"
"H'wag mo 'kong mamura-mura riyan, Fortalejo! Nasaan ang anak ko at balak mo pa akong holdap-an?!"
Napatigil siya at maang na tumingin sa'kin. He can't believe what did he just heard. Kalaunan ay nagpakawala siya ng isang malakas na tawa. Mas lalong sumama ang timpla ko dahil doon. Ang kapal talaga ng mukha!
"W-What?" He said, trying so hard not to laugh. "I, uh... I wasn't trying to rob anything from you— Oh, there's one...your heart." aniya sabay kindat.
Napangiwi ako at sinapak siya sa balikat. Ako lang din naman ang napa-aray sa huli dahil ang tigas niyon. Mukhang puno ng muscles! Grabe, parang noon taba lang ang meron siya, ah? Nagbago na ba ang ihip ng hangin?
"Tigas 'no?" Ngumisi siya at inakbayan ako. Agad ko iyong pinalis at dinuro siya.
"Remove your arms from my shoulder!" I hissed. "Nasaan ang baby ko?"
BINABASA MO ANG
Tell Me How (Isla De Verde Series #3)
Storie d'amoreCan they find their way back to each other or they will totally lose the love that once bloomed from their pasts? Fortalejo Cousins 3 of 3. This is the last series of Isla De Verde. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.