Chapter 29

518 13 5
                                    


"H-Ha?" Gulantang kong sambit. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon sa kan'yang mukha. He's still looking at me with cold and blank expression.

"May...anak ka na?" Suminghap siya. He turned around and looked at Conan again. I don't know what to say. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa dahil napagkamalan niya akong kasal na.

"Uh..." Umilap ang tingin ko sa kan'ya. Paano ko sasabihin sa kanyang anak naming dalawa si Conan?

I was about to add another information but a few knocks interrupted our heated session.

"Ah, t-tignan ko lang kung sino 'yon!" Nagmamadali akong umalis sa kwarto dahil kinakabahan talaga ako. When I opened the door, I was surprised to see Kiel with a big smile on his face while holding an umbrella.

"K-Kiel!" I tried to smile at him pero nauwi lamang iyon sa pagkakangiwi. His line of sight avoided my eyes. Dumiretso iyon sa likuran ko at agad na nangunot ang noo niya sa pagtataka.

Oh, God. I'm so dead!

"Sino siya, Grayce?" Takang tanong ni Kiel at ibinaling muli sa'kin ang kan'yang atensyon.

"So, he's your husband?" Malamig ang boses na sinabi ni Agamemnon. Napapikit ako ng mariin dahil doon. Paano ko ba 'to ie-explain? I'm so torn between!

Naramdaman ko ang presensya ni Agamemnon sa tabi ko at mas lalo akong nagulat sa sunod niyang ginawa. My breathing hitched when he pulled me by the waist closer to his side.

"Sorry, man but she's getting you two annulled. We'll get married after this heavy rain stopped," Mariin ang bawat salitang bigkas niya. Natutop ko ang bibig at hindi makapaniwala sa narinig. Nababaliw na ba siya?!

"Ha?" Gulong-gulo na ani Kiel habang palipat-lipat ang tingin sa'ming dalawa ni Agamemnon. "Sorry, pare pero wala akong pakialam sa'yo. Si Grayce ang ipinunta ko rito at hindi ang nakiki-sabit lang." Ngumisi si Kiel at hinila ako palayo kay Agamemnon.

What the hell is happening?

Inakbayan ako ni Kiel at nakipagtagisan ng tingin kay Agamemnon na ngayon ay sobrang sama ng tingin sa huli. Bago pa lumala ang sitwasyon ay inawat ko na sila. Baka mauwi pa sila sa suntukan kung hindi ko sila pipigilan na dalawa!

"Ano ba kayo?! Natutulog ang anak ko!" Gigil kong anas habang masama ang tingin sa kanilang dalawa. "Kung mag-aaway kayo pwede bang sa labas nalang? H'wag dito sa pamamahay ko!"

"I'm going to stay here." Matigas na saad ni Agamemnon habang masama parin ang tingin kay Kiel.

"Oh? Edi sige, panoorin mo kaming dalawa ni Grayce buong magdamag." ani Kiel at nilingon ako. "Ito nga pala, Grayce, nakahanap na ako ng trabaho kaya magce-celebrate tayo."

Nang hindi na ako nakatiis ay hinila ko na si Kiel patungong kusina. Naiwan naman sa sala si Agamemnon na hindi parin kami tinatantanan ng masamang tingin. Kung makatingin kay Kiel akala mo ay handa nang manapak ng todo! Baka siya pa ang sapakin ko at ang kapal ng mukhang manggulo!

Nang makarating sa kusina ay agad kong piningot ang tenga ni Kiel. Napa-aray naman ito at agad na hinimas ang tenga nang mabitawan ko.

"Bakit mo naman ginagalit ang isang 'yon, ha?" Pinameywangan ko siya at akmang hahampasin siya ngunit mabilis siyang nakaiwas sa akin. Napairap na lamang ako. Ang hilig talagang mang-inis nitong si Kiel!

"Bakit?" Natatawang aniya. "Sino ba 'yon ha? Boyfriend mo ba 'yon, Grayce? Mukhang mayaman, ah!" Mas dumikit siya sa akin at bumulong.

"Siya ba ang ama ni Conan? Malaki ang pagkakahawig nila, e." He whispered. Natigilan ako at bahagyang napayuko.

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon