Chapter 4

414 8 0
                                    


Months passes by and we became a trio. Hell, yeah we're a goddamn trio. Kulang nalang ay mapagkamalan kaming triplets dahil sobrang malapit namin sa isa't-isa.

I couldn't believe the fact that I made friends and it's the two of them. They're so fun to be with. Madalas narin akong tumatakas sa bahay para lang makipag-bonding sa kanila which is hindi ko naman ginagawa noon pa man.

They made me get out of my own shell. Because this is the real me. The real Felicity Grayce. A happy-go-lucky girl and a little bit of a partygoer. Well, not really inside a club. Wala pa ako sa tamang edad kaya hindi kami maaaring papapasukin doon.

"Intramurals na raw next week! Naghahanap na sila ng pwedeng representative ng Grade 10!" Narinig kong sinabi ng isa sa aking mga kaklase.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro habang nakaupo sa aking upuan. Dein isn't around yet. Hindi na iyon nakakapagtaka dahil sabay naman yata silang dumarating sa eskwelahan ni Emon.

Yes, I started calling him Emon because Agamemnon is way just too long to pronounce. Ayoko naman ng Fort dahil ewan ko ba kung bakit. I just find Fort so common and to make it a little bit unique, I called him Emon.

"Talaga, Clarissa? Gusto kong mag-represent!"

"Pero hindi tayo ang pipili, Penny. Ang adviser daw mismo ang pipili ng magiging representative. Sa tingin mo mapipili ang isa sa atin?" They sounded so excited about intramurals.

Nanatili lang akong nakaupo at nagbabasa ngunit matiim din namang nakikiramdam sa aking paligid. This is how I live my life even before.

Multi-tasking is one of my hobbies. Pakiramdam ko kasi ay may mas marami akong magagawa at magiging productive kapag nag-multi-tasking ako. Well, it just really depends on my energy and mood.

There'll be times that I'll feel so gloomy and doesn't have the energy to do anything. I just wanted to sit or maybe lay down my bed and space out. There comes my overthinking.

Kaya mahirap talaga kung mag-isa ka lang at wala ka pang magawa para may pagka-abalahan. You'll get sucked up into loneliness and emptiness.

Iyong pakiramdam na kaya mong ngumiti, tumawa at umiyak pero wala kang maramdaman. Your chest feels empty like there's a gaping hole in there needed to be fulfilled.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pag-upo ni Dein sa katabi kong upuan. She seemed so gloomy. Kung sa normal na araw kasi ay masaya niya akong babatiin ng magandang umaga at kukulitin pero iba ngayon.

"You okay?" I asked, worried. She just took a quick glance at me and nodded her head.

"Yeah..." She said. "By the way, I've heard na malapit na raw ang intrams?" She forced herself to smile. Nanatili ang matiim kong titig sa kan'ya. She doesn't looked well more like she's just trying to hide it.

"Yeah. Naghahanap na nga rin daw sila ng representative para sa Grade 10."

Tumango-tango siya at excited na ngumiti. "Sana ikaw ang mapili!" Tila niya. My eyes widened because of what she'd said.

"Dein!" Suway ko sa kan'ya. "Ano ka ba? Someone might hear you!" Kinakabahan kong sinabi.

It's not like I'm afraid but I really am!  I'm an ambivert. Pero mas lamang pa rin ang introvert side ko kaya imposibleng kakayanin kong sumali sa isang pageant kahit pa nga dito lang sa school iyon gaganapin. Natatakot na kaagad ako!

"What?" She chuckled. "It's not as if you'll get bitten if you join."

Napairap ako. "Dein, can you see? Nanlalamig na kaagad ako sa takot ngayon palang!" I said, feeling horrible.

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon