"Aalis na 'ko!" Padabog akong tumayo sa couch pero agad naman niyang iniharang ang mahahabang binti para hindi ako makadaan. Bwiset talaga!
He shook his head while a mischievous grin is playing on his lips. Nagngingitngit naman ako sa iritasyon habang masama ang pagkakatitig ko sa kan'ya.
"Masaya ka na ba?" Malamig kong sinabi sa kan'ya. He looked so happy while trying to corner me out here! Wala namang nakakatuwa roon!
Naglaho ang mumunting ngiti sa kan'yang mga labi at napalitan ng malamig na ekspresyon. Now, he's playing victim, huh?
"Who told you?" Ipinaling niya ang ulo sa kaliwa habang pinagmamasdan ako. He brought his pointing finger on his lower lip and caressed it. Napaiwas agad ako ng tingin doon.
"Bakit hindi ba? You've finally achieved your dreams!"
"Fuck that dreams if I couldn't have you in the end!" Sigaw niya dahilan para mapapitlag ako sa sobrang gulat.
What did he just say?
Pagak akong tumawa. Malakas ang tibok ng puso ko pero hindi ko iyon hahayaang umiral muli sa ikalawang pagkakataon. Not all the times, we have to let our hearts control us. Kaya tayo napapahamak, e. Hindi natin kayang balansehin ang pagpapagana ng utak at puso.
We're letting our emotions blind us from the truth. Bakit? Dahil sa putanginang pagmamahal na 'yan! Nabubulag tayo dahil sa pagmamahal na nakalimutan na natin na kaya nating mabuhay nang kahit tayo lang at walang iba!
Why can't we just love ourselves instead? We can be happy just by being with ourselves. Sometimes, if you're going to love someone don't give your all to them. Give thirty percent and the remaining seventy will be yours para sa huli ay kakayanin mo pang bumangon mula sa pagkakalugmok.
"A-Ano kamo?" I scoffed. "You've gone crazy!"
Tumayo siya at hahakbang sana patungo sa'kin ngunit agad ko siyang pinigilan. Masama ang tinging ipinukol ko sa kan'ya.
"Don't try to get near me!" I said, coping up with my breath. "Listen, I'm not here to reminisce with the past. Nandito ako kasi gusto kong h'wag niyong ituloy ang pagpapagiba sa Barrio Israel!"
"Paano kung hindi ako pumayag?" Panunuya niya. Nakapamulsa na ito ngayon habang nakatayo sa harapan ko ilang metro ang layo.
"Edi guguluhin kita hanggang sa pumayag ka!" anas ko pero agad din akong natigilan nang may mapagtanto sa aking sinabi. What the hell, Felicity?!
His deep yet low chuckle roared in the four corners of the living room. Nag-init ang magkabilaan kong pisngi dahil doon. Nakakainis! Ano pa ba kasing pumapasok sa utak ko at nasabi ko ang bagay na 'yon?!
"Hmm, sounds interesting..." He licked his lips dahilan para mas lalong kumintab ang pagkakapula niyon. Napaawang ang bibig ko habang hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha ng unggoy na 'to.
"N-Nagkamali lang ako!" I averted my eyes from him. "Basta! Hindi ako papayag na ipagiba niyo ang Barrio Israel para lang sa subdivision na pinaplano niyo!"
I can't let him take away the place I've finally learned to love. The place I once called home. Kahit hindi ko man kasama si Tatay doon ay masaya naman akong kasama ang aking anak. We're happy all together. Bakit kailangan niya pang muling makipag-krus sa'kin ng landas? Ngayon pa talaga kung kailan naibaon ko na sa pinakalikod ng isipan ko ang lahat?
"Hindi pa ako pumapayag." He said. "If you want me to stop the construction, then, I suggest that you should stay here and convince me all you want till I give in, right?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Sinong niloko mo? Ayoko! Uuwi ako ngayon din!" Nagmartsa na ako patungo sa pintuan at lalabas na sana ngunit muli siyang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Tell Me How (Isla De Verde Series #3)
RomanceCan they find their way back to each other or they will totally lose the love that once bloomed from their pasts? Fortalejo Cousins 3 of 3. This is the last series of Isla De Verde. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.