Healing doesn't mean the damage no longer existed. It only means that damage no longer controls your life. But what if the person who broke your heart in the past comes back and now he's giving you mixed signals?
Napakaraming tanong ang pumapasok sa isipan ko na hindi ko naman mabigyan ng mga kasagutan. Pagdating talaga sa lalaking 'yon ay natatanga ako. Parang natatangay ang lohika ng isipan ko. That's how he affects the hell out of me.
"Baka pasukan na ng langaw 'yang bibig mo," Napabalik ako sa wisyo nang marinig ang mapang-asar na boses ni Kiel. He's currently visiting Conan that's why he's inside our house.
Matagal-tagal narin magmula noong huling pasok niya rito dahil abala siya masyado sa paghahanap ng trabaho at sa kanyang nobya. I could see that Kiel is finally happy being with someone that he loves. Sana balang araw maging gan'yan din ako kasaya. Nakakainggit lang. I missed the feeling of being that happy where you no longer feel like there's nothing missing inside of you.
Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagtutupi ng mga damit na kakakuha ko lamang kanina mula sa sampayan.
"May problema ka ba?" He looked at me as if he's piercing through my soul.
I heaved a deep sigh and shook my head. Kiel has nothing to do with my problem. Ayoko nang pag-alalahanin pa siya dahil marami na siyang pinoproblema. He's been a good company to me. Sobrang laki na ng utang na loob ko sa kan'ya.
"Ayos lang ako, Kiel. Pagod lang siguro," I said. That's sort of true. Halos wala narin kasi akong pahinga these past few days dahil madalas ang overtime ko sa pagtatrabaho.
Malapit na kasing maubos ang stock namin dito sa bahay. Wala na akong savings kaya as much as possible ay pinag-iigihan ko na ang pagtatrabaho para makakuha ako ng tip kahit papaano.
Inakbayan ako ni Kiel at bahagyang ginulo ang buhok ko. Halata ang pag-aalala sa mga mata niya.
"Grayce, magpahinga ka rin. Paano nalang ang anak mo kapag nagkasakit ka?"
Napatungo ako. Alam ko naman 'yon. Ayoko rin na malagay sa alanganin si Conan kapag nagkasakit nga ako pero kasi ang gulo-gulo na ng isipan ko magmula ng mag-krus muli ang landas naming dalawa ni Agamemnon.
The thought of him never leaving my mind even at night making me lie awake for I don't know how long. Nafu-frustrate na ako dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. He's absolutely taking control over my system again and I don't want it to happen for the second time around!
I hate this! I hate this feeling as if my walls are melting down. Hindi ako kailanman nakalimot. Malaki lamang ang galit ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa yata kayang magpatawad. I never thought that I'll do this kind of thing...na tiisin ang pagpapatawad sa isang tao.
May pasok pa ako mamaya sa restaurant bilang waitress kaya nang pumatak ang alas onse ng umaga ay nag-ayos na ako. Hanggang alas-singko ng hapon ang shift ko sa restaurant. Mabuti na lamang at hindi regular ang pagpapatawag sa'kin sa istasyon ngayon depende nalang talaga kung may article na ipapagawa sa'kin.
It was like a Gazette. Ma'am Yvette is a kind woman. She always consider my status in life. Isa rin siya sa mga taong naging dahilan kaya nakakaya ko pang umahon mula sa pagkakalugmok ko noon. She never failed to understand and care for me not as an EIC but as a friend.
"Bye, Mama!" Kumaway sa'kin ang maliliit na kamay ni Conan. I kissed him on his forehead before leaving our house. Ibinilin ko na kasi siyang muli kay Tiya Mariel.
Nang makalabas sa squatter area ay natigilan pa ako dahil nandoon na naman ang truck at may bulldozer na ngayon!
"The hell..." I muttered, anger building up inside my system again. Kumukulo na naman ang dugo ko sa iritasyon at galit lalo pa't namataan ko ang walanghiyang lalaki na 'yon na nagbibigay yata ng instruction sa nagmamaniubra ng bulldozer!
BINABASA MO ANG
Tell Me How (Isla De Verde Series #3)
RomansaCan they find their way back to each other or they will totally lose the love that once bloomed from their pasts? Fortalejo Cousins 3 of 3. This is the last series of Isla De Verde. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.