Chapter 35

443 12 1
                                    


"Felicity, can't I just wait here?" Namumutla ang itsura ni Mama nang makadaong ang nirentahan naming bangka sa dalampasigan ng Isla De Verde.

I linked my arms on hers. "Ma, naman...ayaw mo bang makita ang apo mo? Tsaka nandoon din si Tatay!" Nagngising aso ako dahilan para bumusangot ang mukha niya.

"Let's gooo!" Hiyaw ni Val at nagtatatakbo sa maputing buhangin ng Isla De Verde.

"You have no choice, Ma. Sasama ka sa'min." I chuckled and pulled her as we walked by the shore towards our house. Nakasunod lang naman sa'min si Via at mukhang kabado rin ang huli.

I can't blame her though. After all the years, she got blinded from the truth. Tumatak sa isipan niyang si Leonardo ang tunay niyang ama pero hindi pala talaga iyon ang totoo. She's not my half sister anymore. Buong-buo ang pagiging magkapatid namin.

I knocked on the door of our house. Hindi iyon bumukas kaya muli akong kumatok at narinig ko ang boses ni Tatay mula sa loob.

"Sandali lamang!"

Hindi nagtagal ay bumukas iyon at tumambad sa'kin ang Tatay habang buhat-buhat ang anak kong si Conan na mukhang bagong gising lang yata. Agad na ibinuka ni Conan ang mga braso niya sa direksyon ko kaya kinuha ko siya at ako na ang kumarga sa kan'ya.

"Mama, I miss you po. You didn't came home yesterday." He pouted his lips. Napangiti ako at hinalikan siya sa noo.

"I miss you, too, baby. I'm sorry, hmm? May inasikaso lang kasi si Mama." I softly said and caressed his chubby cheeks.

Nakarinig ako ng tikhim kaya agad akong nag-angat ng tingin. It was Tatay who cleared his throat while looking back and forth from me to Mama.

Napalingon ako sa direksyon ni Mama at nakitang sa ibang bagay ito nakatuon. I turned back my attention to my father and his ears are all red. Hmm, mukhang malansa ang dalawang 'to, ah?

"H-Hindi mo naman sinabing may bisita pala tayo ngayon, Felice." Pilit na nagseryoso si Tatay at inilahad ang pintuan. He opened the door widely and went on the side to make way for us.

"Pasensya na at maliit lang ang bahay namin. Pasok kayo..." Nauna akong pumasok habang karga ang anak ko at nilingon ang mga kapatid ko at ganoon din si Mama.

"Pasok na kayo. H'wag kayong mahiya." Malumanay kong saad at inilapag sa upuang kahoy si Conan.

"Mama, who are they?" Bulong ni Conan habang nakatingin sa direksyon nina Mama, Via at Valeen.

Napangiti ako. "They're part of our family, Conan. You see that woman?" I pointed to my mother. "She's your Lola Frencheska! And those two girls she's with? They're your Tita Val and Tita Via."

My son's eyes immediately lit up. I couldn't help but to feel so happy as he run towards my mother's direction. Bibong-bibo ang anak ko na pilit nagpabuhat sa aking ina. She was even hesitating at first but when she looked at me as if asking for a permission, I just nodded my head as a response.

Para akong maiiyak habang pinagmamasdan ang sarili kong ina na buhat-buhat ang anak ko at pinupunasan ang pawis niyon sa noo. She looked at Conan with tenderness and love. Wala na talaga akong mahihiling pa.

"Felicity!" Napalingon ako sa direksyon ng aking ama. Hindi maipinta ang itsura nito. He's standing on the kitchen sink.

Tumayo ako at lumapit sa kan'ya. Namumula parin ang tenga ng aking ama kaya nag-alala na ako. Ano kayang nangyari sa kan'ya?

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon