Chapter 36

451 12 4
                                    

Time will pass and you'll grow a lot as a person. Things will get better and then it'll get worse again but it'll get a lot better.

The only thing we gotta do is to keep going no matter how hard the circumstances are. Kahit wala na tayong ibang maramdaman kundi sakit— keep going. Because better days are coming.

It's been five days since Agamemnon left in the Philippines for his business matters. We settled through texting and calling each other when he has a free time.

"Mama, when will Papa come back home?"

Kasalukuyang kumakain ng ice cream si Conan habang nagwawalis ako sa sala. Wala na kasi akong ibang magawa dahil tapos na ako sa mga gawain kanina pang umaga.

"He'll be back on Sunday, 'nak. Are you excited to see Papa, hmm?" Ngumiti ako sa kan'ya at dinust-pan ang mga kalat na winawalis ko.

He clapped both of his hands while smiling widely at me.

"Yes, Mama! I miss Papa na po..." Ngumuso siya at muling nagpatuloy sa pagkain ng ice cream. Puro ice cream na tuloy ang gilid ng bibig niya dahil sa sobrang kalat niyang kumain. Napailing-iling na lamang ako dahil doon.

"Don't worry, baby. Papa will be home soon, okay? Hasten your eating and we'll take a bath na." I said and turned to the bin to throw the trash away.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng aking kamay nang maramdaman ko ang bahagyang pag-vibrate ng telepono ko mula sa bulsa ng suot kong jogging pants. Nagpunas muna ako gamit ang tuyong tuwalya bago ko iyon hinugot sa bulsa ko at binasa ang mensahe.

It was from an unknown number.

Unknown number:

Hi, Felice! This is Yana. I've got your number from Agamemnon thru Adonis. I'm in Isla De Verde right now, can we meet? I missed you and Conan.

Kung ganoon ay nasa Isla De Verde na nga talaga ang babaeng 'yon. Noong nagtungo kasi kami ng anak ko roon para bisitahin si Tatay ay sarado ang bahay nila kaya naisip kong baka nasa Maynila sila o kaya naman ay nasa West Island. Kasama niya si Tito Vito e.

Nagtipa ako ng sagot para sa mensahe niya at muling itinago ang telepono sa aking bulsa. I went back to where Conan was. Napatawa nalang ako nang makitang puro na ice cream ang damit niya dahil natunaw na iyon.

"Baby, we're going somewhere. Let's clean you up." I said and took away the ice cream from his grip. Ngumuso siya at aangal pa sana ngunit binuhat ko na at naglakad patungo sa banyo.

This huge house felt empty without Agamemnon around but since I have my son, I'm still happy. Conan has become my sunshine ever since. He's my light when I'm walking in the dark alone. He gave me hope to continue living when all I could ever think about is how to end my life at all.

Halos hindi mapuknat-puknat ang ngiti sa aking labi habang pinaliliguan si Conan. Ang hilig niya kasing paglaruan 'yong mga bula sa bathtub na para lang sa kan'ya kaya maliit lamang iyon. Medyo natagalan pa tuloy kami bago makaalis ng bahay.

Since I don't have a car, we just rode a jeepney till we arrive on the pier. Nagbayad lang ako saglit at nagpasalamat kay Manong driver bago bumaba na habang buhat-buhat si Conan na halos ayaw bitawan ang leeg ko.

"Mama, where are we going po? Kay Lolo po ba?"

"No, baby. We're going to meet your Tita Yana." I smiled. Nang makarating sa dalampasigan ay iginala ko ang paningin para maghanap ng bangka na pwedeng masakyan.

Nakita ko ang isang matandang lalaki na may kasamang batang babae na sa tantya ko ay nasa edad limang taong gulang pa lamang. Umaalon ang natural na kulay pula nitong buhok. She somehow reminds me of Oceane's hair.

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon