Chapter 16

312 8 1
                                    





Playlist: Lego House by Ed Sheeran.



Tahimik lang kaming dalawa pareho hanggang sa makarating sa condo ko. Kapag kasi naabutan na kami ng curfew ay hindi na kami makakapasok sa dormitory. May mga nagi-ikot narin na guwardiya at hindi namin pwedeng subukang pumuslit kung mahal pa namin ang mga buhay namin.

Tila nawala ang kalasingan ko habang pinapanood si Agamemnon na nagsasalin ng mainit na tubig sa instant coffee na nasa tasa. Iniabot niya iyon sa akin pagkatapos.

"Careful. It's hot." He said, seriously. Mukha talaga itong galit. I feel guilty na tuloy.

Hindi ko pinansin ang kapeng inilalahad niya sa akin. I looked up to see him.

"G-Galit ka ba?"

Hindi siya nagsalita. I gulped. "E-Emon?"

Napapikit ito ng mariin. He also pinched the bridge of his nose as if he's just composing himself. Nang makita niyang wala akong balak na tanggapin ang kape ay inilapag niya nalang iyon sa lamesa at aalis na sana ng kusina ngunit nahaklit ko agad ang palapulsuhan niya para pigilan siya.

I could feel my heart beating so fast. Natatakot ako na baka galit nga siya sa'kin ngayon. I just wanted to know what did I do wrong? Ano bang ikinagagalit niya?

"Please, tell me. Ano bang ikinagagalit mo?" Tinatagan ko na ang aking loob pero sa totoo lang ay gusto ko nang mautal sa pagsasalita.

Humarap siya sa akin kaya unti-unting dumulas ang pagkakahawak ko sa palapulsuhan niya. I shivered when I saw his dark hooded eyes. Nakatitig ang mga iyon ng diretso sa akin na tila ba inaarok ang buong pagkatao ko.

"Who wouldn't be mad, Felicity?" Malalim ang boses niyang sinabi. I could feel him suppressing his anger. I've never seen him this mad. Ngayon lang talaga.

"B-But I was just—"

"Just what?!" He spat, angrily. "Damn it, Feli! Kung hindi ako nagpunta roon ay baka nabastos ka na ng kung sino-sino! Can't you see how those assholes look at you? Para ka na nilang hinuhubaran sa paningin nila!"

Napaawang ang mga labi ko dahil sa gulat. Pagak anong natawa. "Agamemnon, it's a bar! Natural lang na—" Hindi na naman niya ako pinatapos.

"Natural lang na ano? Pagpiyestahan ka nila ng ganoon? If Jared didn't call me earlier I bet you're already being pleasured by someone—" I slapped him hard.

Ang sakit. Ang sakit-sakit ng puso ko. All the years we've been through, ito ang tingin niya sa'kin? Kaladkarin? Mabilis bumigay sa init ng katawan? Tang ina!

"Tang ina, Agamemnon! Best friend kita 'di ba? Then how could you think ill of me?!" Tears fell from my eyes. Nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ng mga mata niya pero wala akong pakialam sa ngayon. "Hindi ako kagaya ng iniisip mo! I'm not a goddamn kaladkarin! Gan'yan ba talaga ang tingin mo sa'kin, ha?!" I shouted.

He tried to reach for my hands but I shove it away. "N-No. Bukas na tayo mag-usap. Parehas tayong galit. Baka magkasakitan lang tayo ng salita." I coldly said before going inside my room. Iniwan ko siya roon sa living room.

Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit o kahit man lang tanggalin ang make-up sa mukha ko na panigurado akong nagkalat na dahil sa luha ko.

I lay on my bed and clutched my chest. Bakit gano'n? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Gusto ko lang naman maging masaya pero bakit parang ang hirap-hirap abutin ng bagay na 'yon?

All my life, I've been a good pretender. Akala nila masaya ako at maganda ang buhay ko pero nagkakamali sila. Not all people who seemed happy are truly happy. Minsan, mas lamang lang ang galing nilang magpanggap kaysa ipakita ang totoo nilang nararamdaman.

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon