CHAPTER EIGHT

60 31 2
                                    

CHAPTER EIGHT

Wala ng mas sasakit pa sa mga taong mga patuloy na nanakit sa akin. My pain. Pilit na pinunasan ko pa rin ang mga luhang patuloy na lumuluha sa aking mga mata. Ang sakit-sakit na kasi e. Patuloy na kumikirot ang aking dibdib kasabay ng sampal na ibinigay sa akin ni Atasha.

"Kaya ko 'to..." Bulong ko.

Bakit ko pa kasi sinunod 'yong babae na 'yon? Aish, ewan ko rin. Maybe, she's right. Isa din akong uto-uto. Agad na kumirot na naman ang puso ko saka mas napaiyak ako.

Pilit kong binubura sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Agad na lumabas ako ng cubicle. Kitang-kita ko sa aking mga mata ang pamumula sa aking mga mata. Lumapit ako sa salamin saka binuksan ang gripo. Nag-hilamos na rin ako ng mukha. Saka inayos ko na rin ang aking salamin.

Bumuntong hininga ako.

Kaya ko pa ba?

***

"O, Klea ba't gabi ka na umuwi?" Tanong ng nag-alala kong mama.

Kitang-kita ko ang pagod sa kanyang mga mata. Umiling ako sa kanya saka ngumiti inilapag ko ang bag ko sa kahoy naming lamesa.

"May projects po kasi, ma." Pagsisinungaling ko.

Masakit talaga kapag inaway ako ng mga bullies ko. Minsan napapaisip na'ko, bakit kaya nila 'yun ginagawa? Bakit sila nanakit ng mga tao? Anong ginawa namin sa kanila? Pero siguro ito talaga ang para sa akin. Wala na ako magagawa pa.

"O siya, kumain ka na Klea." Nakangiting wika ni mama.

Si papa ay wala pa ngayon. Guard kasi siya sa isang bangko samantalang si mama ay nag-lalaba sa mga kapitbahay namin na may kaya. Ang mga kapatid ko naman, wala sila dahil may trabaho sila, ang iba naman sa kanila ay may sariling pamilya. Ako na lang talaga ang naiwan. Hays.

"Anak..." Si mama.

Umangat ang tingin ko sa kanya. Si mama ko, siya ang lakas ko sa lahat. Mahal na mahal ko ang mama ko kahit ano man ang mangyari, hinding-hindi ko siya kayang ipagpalit kahit sinuman.

"May problema ba sa school, Klea?" Tanong niya sa akin. Agad naman nanlaki ang mga mata ko. Agad na nanigas ako sa aking katawan. Hindi agad ako nakaimik dahil kinakabahan ako sa kanyang tanong na 'yun.

"P-po? Pano mo nalaman ma?"

"Syempre anak kaya kita." Kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

"Kasi po, sa school. Medyo mahirap ngayon." Pagsisinungaling ko sa kanya.

Tumango siya sa akin.

"Ah, kaya pala... Anong gusto mong ituro ko anak baka alam ko iyan." Ngiti niya sa akin Bigla akong natigilan. Seeing her smile like this makes my heart warm. I really love my mother, she is my sun. Saka isa siya sa dahilan kung bakit ako ang highest honor sa klase namin.

"Thank you mama." Ngiti ko.

Kumain na lang ako saka natulog ng maaga. I didnt study today because I already study it before.

NAPAMULAT ANG aking mga mata sa alarm ng cell phone ko. Napahikab ako at kinuha ang aking cell phone. Napanguso ako saka naalala na may pasok pa pala kami ngayon. Agad na kinuha ko ang towel sa dumiretso sa CR. Sa totoo lang mas maganda pa ang CR ng school namin kaysa sa amin. But still, nagpapasalamat pa rin ako sa kung anong mayroon sa akin ngayon.

Ginawa ko na lahat ng daily routine ko bago sa school. Minsan ako ang nag-lalaba ng uniform ko, minsan si mama. Kita kong iniwan ni mama ang pera na baon ko. Wala siya ngayon kasi may trabaho pa siya. Kinuha ko ang pera sa lamesa.

Dumiretso na ako sa labas. Naramdaman ko agad ang simoy ng hangin dito. Ang ganda-ganda ng hangin. Masyadong fresh.

Habang naglalakad ako. Pinapasok na ako ng kakilala kong guard na si Kuya Ben. Nakasaksak ang dalawang headset ko sa tainga ko.

Mask up my pain...

Hold back my tears...

I'm going insane...

Nobody know...

Paborito ko talaga itong kanta na 'to. Nang nadiskubre ko itong kanta, palagi ko na 'to pinapatugtog.

"KLEA!"

Muntik na matanggal ang kaluluwa ko sa humawak sa aking balikat. Pagtingin ko ay nakita ko si Kyo. Nakangiti siya sa akin, katulad pa rin ng dati ang kanyang mukha, katawan at pananamit ng style. Ngiting-ngiti siya sa akin, pansin ko 'di niya kasama ang bestfriend ko.

"Bakit?" Saka tinanggal ko 'yung nakasaksak kong headset sa akin.

"Wow, attitude yern?" Natatawa niya na tanong.

Agad na umamo ang aking mukha. "Sorry," sabi ko.

Hindi ako makasalita ngayon. Bakit ba parang ang lamig ng pakikitungo ko minsan sa mga kaibigan ko? Ewan ko. I just feeling that they have a feeling of pity. Feeling ko na hindi ko sila ka-level. 'Di ko sila deserve.

"Hmm.. anyway... Tara sabay na tayo sa classroom." Sabi niya sa akin.

I nod. Naglalakad na kami at umakyat sa hagdan. Biglang bumagal ang mundo ko nang nadaanan ko si Atasha, Ghie at 'yung minions niya. They're have a victorious smirk on their face.

Pilit na ngumiti ako sa mga kwento ni Kyo sa akin. Hindi ko alam pero nasasaktan pa rin ako. I'm hurt, maybe I deserve this.

Naglalakad pa rin kami ni Kyo. Halos ang mga estudyante ay napapatingin- sa kanya. Sino pa nga ba? E, siya lang naman ang pinsan ng anak ng hearthrob na may-ari ng school na 'to. Medyo natatawa na lang ako. Pero naiisip ko naman kung gaano ako kaswerte sa dalawa kong kaibigan.

"You're occupied, Klea, is there something wrong?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kyo.

Umiling ako sa kanya.

"Hindi wala, ayos lang ako." Saka bumuntong hininga.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Umupo na ako sa pwesto ko, habang tinitingnan ang mga kaklase ko. Obviously it's their normal day for them, but for me it is not. Wala e, ang totoo kasi hindi ako okay. But... I need to study harder, kaya hindi na ako magraramdman. Nasaan na kaya si Clea bakit ang tagal niya? Well siguro napuyat na naman 'yon kakapanood ng K-drama. Bumuntong hininga ako.

One thing for sure, I'll survive here at Gallagher School!

***

Para sa'kin ito na ang busy na buong araw ko. Nandito kasi ako sa office ni ma'am kasama ko si Enzo, parehas kami nag-aaral sa Math. Sa susunod na linggo na kasi gaganapin ang mangyayari ang Math Bee.

Nasa harapan ko si Enzo ngayon.

As usual naka- serious face siya, parang may hindi siyang naiintindihan ayos sa mukha na ipinapakita ni Enzo. Inayos ko ang salamin at sinilip ang binabasa niya. May hawak din siyang ballpen saka papel.

Hindi na lang ako nag-salita pa. Habang nag-aaral ako sa sarili ko. Bumuntong hininga ako. Noong una nahihirapan ako sa mga tanong at problem solving, buti na lang ay marunong at magaling si Enzo. Siya kasi ang nag-turo sa'kin ng iba, nakakahiya nga.

Ok, fine I'll focus on mine.

Napatango na lamang ako sa naisip ko.

***

You're The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon