CHAPTER FOUR
Napaka-ganda ng kalangitan. Ang ganda-ganda sa lugar na ito. Tanging mga makukulay na bulaklak at isang malaking puno. Nasaan ba ako? Ang ganda ng place!
May nakita akong dalawang bata- teka ako 'yung babaeng bata at isang hindi pamilyar na lalaki na 'to.
Bakit parang ang sweet nila?
"I'll promise I'll be your side, forever..." Sabi ng batang lalaki.
Ngumiti ako. May bulaklak sa aking tainga na mas gumanda... Ibang-iba itsura ko noong bata ako kaysa ngayon a. Hindi pangit kundi parang dyosa.
"Promise?"
"Promise, I love you Klea." Ngumiti sya.
"I love you the most." Sabi ng bata.
Agad akong napamulat sa panaginip.
Pawis ka pawis ang noo ko. Hinawakan ko din naman ang aking puso, ang bilis ng takbo nito.
'Di ako makasalita. Bakit ganoon, parang t-totoo naman yata 'yon. Napailing ako. Hindi maari.
Pwede ba siguro iyon, may childhood love ako noon? HAHAHAHA. Para lang naman to sa mga nababasa kong nobela 'yon. Ang cliché naman! Kaya malamang 'di maari na totoo 'yun. Pero bigla akong nakaramdam na parang deja vu.
Umiling na lamang ako saka natulog muli sa higaan. Madaling araw pa naman.
Agad akong nagising sa sinag ng araw. Napamulat ang dalawa kong mata at bumuntong hininga dahil umaga na naman. Habang kumakain ako ay nanonood na rin ako ng balita sa TV namin na maliit.
Kinuha ko na ang uniform ko at sinuot 'yon. Kinuha ko na rin ang salamin ko saka sinuot. Totoong malabo na talaga ang aking mga mata.
"Nay, alis ka po ako." pagpapaalam ko sa nanay ko. Nagwawalis kasi sya ngayon. Tumango naman si nanay at hinalikan ako sa pisnge.
Katulad ng kahapon. Naglalakad ulit ako dahil sobrang lapit lang ng school. Ibang-iba sila sa akin. Napansin ko agad ang mga kotseng nakaparada o 'di kaya humihinto. Minsan nakakaramdan ako ng inggit pero nasanay na rin.
Pinapasok ako ng guard sa malaking gate. Maaga pa naman ngayon at 'di ako panigurado na late. Maya-maya ay may naramdaman akong may umakbay sa aking balikat.
"Klea good news, may new transfer student ulit sa classroom natin." Si Clea.
Paano kaya nalalaman ni Clea 'yon? Napatango na lamang ako habang lumalakad sa labas ng school. Ang dami rin ng mga puno dito sa school. Kaya nahihirapan linisin ng janitors ang labas ng school.
"Okay..." I finally said it, looks like I'm not interested. 'Di naman ako cold, hindi lang talaga interesado.
"Hmmm.. fine!" Pout niya na sabi sa akin.
Habang naglalakad kami, marami ang napapatingin sa banda namin. Ibang-iba kasi si Clea kaysa sa akin. Ang ganda-ganda niya para maging kaibigan ko samantalang ako ay ang pangit-pangit masyado.
Ano kaya ang feeling ng maging maganda? Masaya? Well hindi ko alam dahil 'di ko naman na-experience yan.
"Blah, blah, blah, blah..." Para sa akin 'yun ang kwento ni Clea sa'kin.
Humarap sya kaya napatigil ako sa paglalakad. Nasa second floor na kami ng hallway. Bigla kasi sya sumilip sa baba.
Walang iba kundi si Enzo. Naglalakad sya ng parang walang emosyon. Pero halos lahat ng mga babae ay nakatingin sa kanya. Kasama niya rin yung babaeng girlfriend niya sa lower section. Bagay na bagay sila!
"Nagseselos ako bestie..."
Bumalik ang tingin ko kay Clea.
"Rule number one. Don't ever have a crush on you're classmate or you'll get hurt." Sabi ko.
Hinawakan niya pa ang kanyang puso para ipakita sa akin na nasasaktan talaga sya. Napailing na lamang ako.
"Shet na malagkit, sorry na... Pogi kasi at ang talino pa sa mathematics e."
Ako naman kasi, nagkaroon ako ng taas ng tingin dyan kay Enzo pero hindi ako nagkaroon ng crush dyan. As in NEVER. Eww.. kasi ayaw ko magkaroon ng crush e, halata naman na player si Enzo. Dami niyang pinaiyak na mga kaklase ko.
Why?
E, kasi naririnig ko ko nireject sila ng mga kaklase ko. Nakita ko rin na may bagong babae si Enzo na grade nine student. Ayaw ko rin naman sabihin kay Clea baka sabihin niya pa na sinisiraan ko sya. Napaka-player ni Enzo Gallagher! Damn, ganyan ba kapag mayaman?
"Mapapa-say na lamang talaga ako nang sana all, jowa ni Enzo Gallagher." She said with a day dream in her eyes.
"Tch... E player nga." Sabi ko sabay hininaan ko boses ko.
"Ha?" Sabi niya.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad sa hallway ng second floor. "Nevermind," Sabay umiwas ako nang tingin.
Pumasok na din ako ng classroom kasama si Clea. Napansin ko din na nadagdagan ng isang upuan sa tabi ko. Isang vacant seat, siguro dito uupo 'yung exchange student. Napansin ko rin na andito ka si Atasha, ang sama ng tingin niya sa akin. Kasama ang kaibigan niyang si Gie. Wow! Galit yern?
Tuwing Monday lang ang flag ceremony namin. Kaya eto ako nakaupo sa aking pwesto. Hindi ko talaga maisip na maraming ang naiinis o hindi kaya nagagalit sa akin. Maybe dahil sa inggit? E, hindi ko nga alam kung anong kainggit-inggit sa akin, a, siguro ang utak ko. O hindi kaya ang pagiging masipag ko. Iyon lang naman ang tangi kong naiisip.
Maya-maya ay dumating ang isang teacher saka may kasama siyang isang lalaki....
T-t-teka...
Is he a freaking gay? Bakit? Kasi nakasuot siya ng pink na lipstick at may pink na headband sa kanyang buhok. At parang napaka-cool niya tingnan! Wala siyang pake kung may pambabae syang suot.
Pero infairness ha, ang pogi-pogi ni classmate kaso nga lang ay bakla siya. Hays... Sayang si kuya.
"Hello I'm Kyo Gallagher... And yes... I know what you thinking..." Pati boses niya ang lambot..
He is so natural and somehow cool.
"And yes I know you suddenly look at Enzo.." Totoo nga naman, napatingin ang lahat sa pwesto ni Enzo pagkatapos niya ipakilala ang sarili.
"I'm Enzo's pretty cousin, duuuuh!"
Kalokang bakla na 'to.
Ay bigla ko naalala sa tabi ko uupo si Kyo dahil sa tabi ko ay may free vacant na upuan.
So magiging seatmate ko si Kyo Gallagher?!
BINABASA MO ANG
You're The Only Exception
Teen FictionMeet the protagonist, Klea Aquino. A girl who have many dreams in life, a girl that's academically smart. But, one thing is that she's a loser in her school.. The worst that she's not planning to be in love to the school owner's son, Enzo Gallagher...