CHAPTER TEN

53 29 5
                                    

CHAPTER TEN

Andito ako ngayon tahimik na nasa office kasama ko si Enzo.

Talagang seryosong-seryoso kami sa pag-aaral. Malaki din ang expectations ng adviser namin sa Math. Hindi ko maiwasan mapatingin kay Enzo.

Grabe, kung kahapon ay nakakatakot sya, mas grabe ngayon, ngunit di ko man maisip, napaka-gwapo ni Enzo. Bumuntong hininga ako sa aking naisip.

Mas mabuti pa ng magpokus ako sa inaaral ko. Inayos ko ang aking salamin. Mas mabuti pa na sauluhin ko lahat ng mga equations. Dagdag points na rin 'to para sa Math subject namin.

Habang nagbabasa ako ngayon. Di ko maisip kung paano sasagutan.

3n+2=17

Parang natuyo ang utak ko. 'Di ko alam kung paano 'to? Naghanap ako sa libro kung ano ang dapat na sagot para maaral ko pero wala. Napaisip na lamang ako kung ano ang gagawin ko.

"Ma'am Heather, pa'no po 'tong number fifteen?" Magalang kong tanong.

Lumingon si Ma'am Heather sa'ken. Busy kasi siya sa kanyang cellphone sa harapan namin. Lumapit ang ulo niya habang ako ay tinuturo ko ang tanong.

"Well--" Enzo cut her off.

"I can teach her, Ma'am." sabi sa akin ni Enzo.

Hindi ko namalayan na nakabuka na pala ang bibig ko. Kanina kasi ay nakatingin siya sa libro niya then ngayon sa'ken na. Bigla lumambot ang tuhod ko.

"That's great mister Gallagher," sabi ni Ma'am Heather.

Ewan ko ba dito kay Ma'am bakit nya pinabayaan na si Enzo ang sasagot at magexplain sa akin.

"I'll answer it and explain to you." Dagdag pa niya.

Wala naman akong nagawa kundi tumango sa kanya. Kinuha niya ang libro na binabasa ko saka isinimulang isulat ang question sa papel. Sinagot niya ng may kaunting kunot ng noo.

"Here.." sabi niya pa.

He starts to explain the answer, I must admit, he's so good at explaining it. At talagang na-gets ko agad ang sinabi niya. Parang mas magaling pa siya magturo sa teacher namin, charot.

"Ah, thank you." Iyon na lamang ang nasabi ko sakanya.

Nagkaroon kami ng eye-to-eye contact pero agad na naputol rin 'yon. Hindi na ako magtanong muli saka gumawa na rin lang ako ng sagot sa mga questions.

"Remember sa Friday na ang Math Quiz Bee, kaya galingan niyo mag-aral. Kung may mga sagot kayo na gusto niyo tanungin andito lang ako." Nakangiting wika ni ma'am Heather.

"Opo.." sabi ko.

"....." Si Enzo.

Nagpatuloy lang ako sa pagre-review. Medyo na-awkwardan lang ako ngayon pero sanay na'ko sa awkward situations.

***

"Kamusta pag-aaral mo bestie?" Bungad ni Kyo pagdating sa pwesto ng upuan ko.

Napailing na lang ako sa kanya. Ang hirap kaya mag-aral lalo na kapag Math!

"Ayos lang naman, 'di mo naman sinabi na matalino si Enzo." Sabi ko sa kanya.

Enzo. Agad na lumapit sa akin si Clea, kitang-kita ko ang ningning sa kanyang mga mata. Napabuntong na lamang ako dahil kahit na nasaktan siya eto go pa rin ng go. Pati 'yang plano niya na yan. Talagang parang 'di siya susuko. Wala e, nainlove sa isang Gallagher. Tsk. Hindi na siya nadala sa lalaking 'yon. Tss.

"Ay oo teh, matalino 'yang pinsan ko. Noong bata pa kami palagi kong nakikita na hawak niya mga Math na libro." Balewala niyang sabi.

"IMY! Really si Enzo ganyan?" Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.

Tumango-tango si Kyo sa kanya. Nanlaki naman ang mata ko nang may isulat siya sa kanyang notebook. Kumunot noo ko at tinignan kung ano anh isinusulat niya.

Facts About Enzo Gallagher~

Napailing na lamang ako.

"Really Clea, tuloy mo 'yang gagawin mo? Hindi kaya baka mapahiya ka diyan?" Nag-aalala kong tanong.

Totoo naman talaga na nag-aalala ako para sa kaibigan ko. Hindi ko nais maramdaman niya na masasaktan siya. She's my friend! I don't want her to be hurt! Bukod pa doon isa na rin siya sa mga naging parang kapatid ko. Kapag nakita ko siyang umiyak dahil kay Enzo, humanda siya sa'kin!

"Yeah!"

"Actually, support ako diyan sa'yo." Sabi ni Kyo sa kay Clea. Ngumiti naman si Clea ng maluha-luha sa kanya.

"Really?" Parang naiiyak na si Clea.

Clea is like one of the soft, sweet and gentle kind of girl. She's one of that kind. Ewan ko na lang talaga kung bakit ginagawa niya 'to. Agad na naisip ko. Ah, kasi mahal niya 'yong lalaki na 'yon. Agad na napatango na lamang ako. Bukod doon siya ang female lead sa lovestory nilang dalawa. Why? Because of the books I've been read. I think she's the one for him. She's a perfect kind.

"Yes I support din." Sabi ko.

So ayon wala akong nagawa kundi suportahan ang matalik kong kaibigan. Gusto ko rin naman magkaroon siya ng confidence para sa lalaki na 'yon. Gusto kong malaman niya na may pag-asa siya kay Enzo. Para naman maging masaya siya.

"Ta-talaga?" Sabi niya.

"Yes." Sabi ko, umiwas ako ng tingin sa kanyang mga mata. Hindi ko lubos maisip kung ano ba 'tong ginagawa ko.

Like I been said before, I bet she's the real female lead at this story. At wala ng mas sasaya pa kapag nakita ko si Clea na nakangiti palagi. A one real smile, she's been my best buddy since last year. Siya lang ang babaeng nakaunawa sa'kin. Binigyan niya ako ng trust noon kaya bibigyan ko rin siya ngayon.

"Wait I have an idea!" Sabi agad ni Kyo.

Napatingin ako kay Kyo. Para siyang nakangisi ng nakakaloko, ano kayang nasa isip ng baklang 'to? Hmmnn. Di ko alam. May ibinulong siya kay Clea sunod naman sa akin. Hangang sa naalala ko ang gagawin ni Clea, bakit? Napaka-cliché ng gagawin niya.

"Kaya mo ba?" Ngising tanong ni Kyo kay Clea.

Clea my bestfriend, she's the most fragile heart. I can see what will happen.

Ngumiti siya sa amin.

"Game! Kaya ko 'yan." Sabi niya.

"Good girl." Ngisi ni Kyo.

Hindi ako sure sa gagawin ni Clea pero siguro sana mag-work. Sana naman magkaroon siya ng chance para kay Enzo Gallagher. Haysss... Kinikilig ako para sa kanila, sa true langs.

You're The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon