CHAPTER THIRTY-THREE

23 8 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

"Nakakapagod pala talaga ang college life!" Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi. Nakakastress nga naman talaga ang pag-aaral lalo na at college na 'to.

Nandito kami ngayon sa pwesto namin. Buti na lang talaga at naka-aircondition ang school hindi mainit. Ang ini-init kasi sa labas lalo na at malapit na magtanghali. Grabe parang malapit na gusto ko ng mag snow sa Pilipinas.

"Sinabi mo pa." Sabi ko.

Pinaypayan ko pa ang aking sarili dahil sa sobrang init. Unti-unti ko na rin naman na naramdaman ang lamig dahil sa air-condition.

Itinuro ni Atasha ang hintuturo niya.

"Parang gusto ko na lang maging politician at magnakaw na lamang ng pera. Gosh, I can't believe na mas stressful pala 'to!" Sarkastikong sabi niya.

Medyo napatawa ako. Totoo naman talaga, ang mga politiko naman na 'yan na halos mga artista na sa 'Pinas ay nag nanakaw (not all) Mga sikat na tao dito at mga mayayaman na tumatakbo pa silang mga senador, congressman, mayor, at kung anong matataas na mga position.

Hinawakan ko naman ang balikat ni Atasha. Gusto kong i-cheer up si Atasha.

"Kaya natin 'to, Atasha." Pampalakas loob para sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin, nagulat naman ako ng niyakap niya ako ng mahigpit naamoy ko naman ang mamahalin niyang pabango. Hindi ko aakalain na may pagkaclingy pala 'to si Atasha. Mabait naman na pala si Atasha, hindi na rin madalas umikot ang eyeball niya. Parang hindi na siya kontrabida ngayon.

"Sana nga..''

"Good morning class. Today I will assign you to activities. I will choose your group.'' Sabi ng professor namin.

Umayos na'ko ng upo.

"Enrile, Riego and Sy."

"Gallagher, Dela Cruz and Augustus."

Agad akong natigilan ng marinig ko ang apelyido ko. He's kidding right? Pero narinig ko ang apelyido ko 'kasama si Enzo Gallagher! No.. it's not even good. I'm just trying to avoid this man. I know he's not good on myself, he'll just destruct myself.

"Flores, Go and Lee."

Pumalakpak ang lalaking professor namin.

"Now go to your groups. Now." Wala na'ko nagawa kundi pumunta sa grupo ko.

Sa'king pwesto sila lumapit. Una naman nagsalita si Dela Cruz.

"Ano gagawin natin dito?" Sabi niya.

"Ako na bahala sa printing." Dagdag pa ni Dela Cruz sa'min.

Nakita ko naman na napatango-tango si Enzo. Tiningnan niya ang notebook ko na may sulat ko. Namula naman ako, pangit din kaya handwriting ko? I shake my head. Bakit ba kapag kaharap ko si Enzo, parang na se-self conscious ako sa kanya?

"Kaming dalawa na lang ni Zianna mag re-research at ikaw ang magtataype." Napatingala ako sa sinabi ni Enzo ngayon.

"No problem." Sabi namin ni Dela Cruz.

Agad na natigilan ako. Medyo kinakabahan ako, ibig sabihin ay magkikita kaming dalawa? At mag-uusap dalawa. Gusto ko na sanang tumakbo na naman pero there's no time running besides I'm already here. Napakurap-kurap ako kung totoo ba ang sinabi ni Enzo.

"A-are you sure Enzo?" Paninigurado kong tanong sa kanya.

Tila naman parang hindi ulit ako makahinga ng kausapin ko siya. Naninikip na naman ang dibdib ko.

You're The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon