CHAPTER TWENTY-FIVE
Maraming bumati sa'kin sa backstage kasama sina sir Alawi. I won! Mahirap manalo, lalo na kung magagaling ang mga kalaban kanina. They tried their best, but I tried harder. I saw Atasha and her friends, surprises are written in their faces.
Medyo na shock pa rin talaga ako sa mga nangyayari, hindi mapaliwanag ng puso ko ang lahat. Ganito pala ang feeling kapag maganda, maraming bumabati sa'yo.
Inilibot ko ang paningin, 'yung mga kaklase ko na ayaw sa'kin. Nakatulala lang sila, nakatingin sa'kin. Kitang-kita ko sila sa upuan nila, ang iba kong mga kaklase ay umalis na pati.
"Congratulations, bestie, sabi ko na nga ba you slay it!" Sigaw ni Kyo.
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Did I really slay it? Parang hindi naman..
"Thank you, Kyo..." Marahan kong wika sa kanya.
Si Enzo naman ay busy sa kanyang cell phone, nakakunot pa ang kanyang noo. Gusto ko naman sana silipin kung ano iyon, kaso baka sabihin niya pa na stalker ako. Habang ang ibang mga contestants ay binabati ako 'nakatingin pala sa'kin sina nanay at tatay.
"Ang galing niyo pala kanina, anak." Sabi ni nanay sa'kin.
"Halika magpicture tayong tatlo ng papa mo.." Sabi niya.
I nodded.
Nagpose kami ng ilang ulit saka niyakap nila ako, agad ko rin naman silang niyakap pabalik. Kita ko sa kanila ang masaya, masaya para sa'kin. Inayos ko naman ang mukha ko, saka tinawag kaming dalawa ni Enzo ng staff sa school.
"Miss Aquino at mister Gallagher, ready na ba kayo pumunta sa XIX Restaurant?" Wika ng lalaki, naka suot lang ito ng simpleng t-shirt at short.
Nagkatingin kaming dalawa. Tumango naman ako sa lalaki.
"Hold on, magpapaalam muna ako kay Clea." Cold na sabi ni Enzo.
Umalis si Enzo sa tabi ko, nakita kong lumapit siya sa gawi ni Clea. Nang una nagkatingan pa kaming dalawa ni Clea, pero hindi nagtagal ay umiwas na siya ng tingin. Hanggang ngayon 'di ko pa rin alam kung nakipag-break ba siya sa lalaki o hindi.
Nakita kong tumango-tango si Clea at ngumiti kay Enzo, niyakap nila ang isa't-isa. Huminga naman ako ng malalim, bumalik ulit si Enzo sa tabi ko.
"Yes we're ready, right, Klea?" Tanong sa'kin ni Enzo.
I nod.
"Yeah."
The man lead us the way to the car. Before we went to the car, I saw nanay and tatay's worrying face. Hindi na ako nagtaka, kasi lalabas ako kasama ang lalaki sa gitna ng gabi. Nagsimulang umandar ang sasakyan. Gabi na rin ngayon, at sa tingin ko ay makakarating kami sa XIX restaurant mga ten o'clock.
"Congratulations miss Aquino and of course, mister Gallagher." Biglang nagsalita ang driver, may accent pa ang kanyang english.
Katabi ko si Enzo sa car, tahimik lang kaming nakatingin sa labas ng bintana. Nakikita ko sa repleksyon ang sarili ko. Hindi ko lubos maisip na ang ganda-ganda ko ngayon. Kahit ako mismo nagulat talaga ako na manalo, pero siguro sa sikap kaya nanalo ako at sa dasal.
"Bagay kayong dalawa ng alaga ko miss Aquino.." Nanlaki ang mata ko.
Ngayon nagkaroon ako ng interesado sa driver na ito. Tumingin ako sa driver, mahina naman siyang tumawa sa'kin.
"E, alaga niyo po si Enzo?" May halong amusement na tanong ko sa driver. Ngumiti naman siya.
"Simula ng bata pa si Enzo, ako palagi ang driver netong bata na ito. Ang tigas ng ulo noon pero ngayon kasing lamig na ng yelo si Enzo dahil nawawala si miss-"
"Shut up, Bert." Walang kaemosyon-emosyon sabi ni Enzo.
Agad naman na tumawa 'yung driver. Naging tahimik na naman ulit ang biyahe namin. Napatingin ako sa labas kung saan mga ilaw lamang ang narito sa mga buildings. Lumipas ang mga sampung minuto, huminto ang sasakyan.
Bigla akong naging malungkot para kay Enzo, hanggang ngayon... Paano kaya matatanggap ni Enzo ang lahat kapag nalaman niyang nandadaya si Clea sa likuran na 'to. Paano kapag mas lalong naging malamig siya sa pakikitungo. Siguro ang ipa-fall in love ni Clea si Enzo ay isa sa malaking pagkakamali na nagawa namin ni Kyo. Gusto kong sisihin si Clea, dahil sa ginagawa niya ngayon. At hawak pa ni Atasha ang proof, ang mortal kong kaaway.
Kusa naman bumukas ang pintuan ng kotse. Pumasok na kaming dalawa sa loob ng sosyaling restaurant.
***
Da-dalawa lang kami ni Enzo sa malaking restaurant na ito. Ngayon lang din ako nakapunta ulit sa ganitong klaseng restaurant, napapa-lunok ako sa sobrang mahal ng presyo. Kada isang order ay aabot sa dalawang-libo. Pero dahil nanalo naman ako, nag order ako ng tatlong pagkain na aabot sa anim na libo.
"So... Date.." Panimula kong wika. Kanina pa kasi kaming tahimik dalawa.
Naka-order na rin si Enzo, at isa lang anh inorder niya. Hahaha, kinapalan ko na ang mukha ko saka deserve ko naman kumain ng masarap ngayon. And I'm so hungry because of the pageant.
"Uhmm yeah.." Wika ni Enzo.
Habang nakatingin ako sa kanyang mukha, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako at the same time, kinakabahan. Ohh, goshh, bakit ba'ko nagkagusto sa kanya? I know the guy like him.
I sigh. He's totally out of my league.
Makapal ang kanyang kilay, maliit na mga mata, at maganda ang katawan. Nakikita kong gumagalaw ang adams apple niya kapag umiinom ng tubig.. Huminga ako ng malalim, it's a beautiful sight. I want to see this sight, forever. Ngumiti naman ako sa naisip ko. Halos nasa kanya na ang lahat, pero... Alam kong may kulang pa sa kanya and it's fvcking her, Zianna Augustus.
I envy that girl.
I sigh again. Hindi ko aakalain na sobrang tahimik ng date namin, agad naman na may naisip ako na topic kaya ngumiti ako ng patago.
"This is my first time in my life, of having a date." Nakangiti kong sabi sa kanya. Tumaas naman ang isang kilay niya. Lord, pati ang kilay niya perfect din.
"Hmmm really, Klea?" Tanong niya sa'kin.
I finally break the silence between us. Huminga ako ng malalim, kaya ko to Klea Aquino, 'wag sana ako matakot sa isang katulad niya! Nakakatakot at the same time nasisiyahan sa kanya gwapo niya kasi talaga.
BINABASA MO ANG
You're The Only Exception
Ficção AdolescenteMeet the protagonist, Klea Aquino. A girl who have many dreams in life, a girl that's academically smart. But, one thing is that she's a loser in her school.. The worst that she's not planning to be in love to the school owner's son, Enzo Gallagher...