CHAPTER TWENTY-SEVEN

45 15 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

Ang bilis ng mga pangyayari ngayong gabi, kung kanina lang ay nandito si Enzo sa tabi ko.

Ngayon naman ay parang bula na nawala siya.

Gusto ko pigilan ang pagsasalita ni Atasha pero huli na ang lahat, pahikbi-hikbi akong umiiyak dito sa XIX restaurant.

"Ma'am... eto po tissue, 'wag na po kayong umiyak, ang ganda-ganda mo pa naman." Sabi ng isang waiter, na nagserve kanina. Medyo natawa naman ako sa kanyang sinabi.

Kinuha ko ang tissue saka pinunas sa pisnge ko at sa mga luhang umaagos kanina pa, sinundan ni Atasha si Enzo kanina kaya pati siya ay wala na rin. I-tetext ko sana si Clea kaso nga lang wala akong load o data. Huminga ako ng malalin ay pilit inaalala ang mga salitang binigay sa'kin ni Enzo.

'You're not the same as any other girls, Klea, but I'm wrong. I'm disappointed at you, and I'm mad at your friend' Paulit-ulit na tumatak sa sarili ko ang mga salitang sinabi ni Enzo, what he's trying to say about me? Did I disappoint him? Nanghina ang katawan ko at umupo sa pwesto ko. Uminom din ako ng tubig. ay lumapit na isang lalaki, naka-suot ng uniporme.

"Miss Aquino, ihatid ko na po kayo sa inyong bahay. Or do you want to finish your dinner?" Napaisip ako.

Ang malas-malas ko talaga. This is my first date, yet nasira pa. Si Enzo pa ang kasama ko sana kaso nga lang ay galit na siya sa'min dalawa. Sayang, bakit ba ang malas minsan ng buhay ko? But masaya naman ako kasi nanalo ako sa contsest.

Napangiti na lang ako ng mapait, tiningnan ko ang dalawang pagkain na hindi ko pa nagagalaw. Deserve ko naman kumain ng masarap, kaya kinuha ko ang kutsara at ngumiti sa lalaking naka-uniform.

"I want to finish my dinner by, my self." Sabi ko.

"Okay po miss Aquino." Umalis siya sa table at pumunta sa labas ng restaurant. Nagsimula na akong kumain ng mga pagkain, kahit ngayon lang ay makalimutan ko ng saglit ang mga nangyari ngayon gabi. Gusto ko lang kalimutan kahit ngayong saglit.

Tinapos ko na ang pagkain na kinakain ko mag-isa. Pati ang strawberry lemonade ay hindi ko pinalagpas. Busog na busog na'ko ngayon, malaki na rin ang tyan ko. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin talaga ako, kung totoo ba ang feelings ko para kay Enzo. Do I like him very much, kaya umiyak at naging devastated ako ngayon kahit hindi naman halata. Pero ayoko muna isipin 'to ngayon, feeling ko ay sumasakit pa ang aking ulo kapag naiisip ko 'yon.

Gusto ko lang naman ng tahimik na high school, ayoko ng gulo pero bakit nagkaroon ng ganito. Totoo ba talaga ang high school days ang pinakamasayang years sa buhay natin? I don't get it. Lagi na lang nagkakaroon ng maraming problema, mga nang bubully sa'ki, at si Enzo, ano pa ba ang susunod? Hays.

Tumayo na'ko. Nakasuot pa naman ako ng floral na color blue, 'di pa rin natatanggal ang make-up ko kanina pero siguro nasira na rin dahil sa mga basa kong luha. Dumiretso ako sa comfort room para tingnan ang sarili. 'Di nga ako nagkakamali, I look devasatated. Hindi ko na lang tinuon sa sarili ko at pumunta sa cubicle.

Pagkatapos naman ay lumabas na'ko sa XIX comfort zone, nakita ko ang pinakabagong kotse na naroon. At isang hindi pamilyar na lalaki, napatingin ako sa lalaking nasa labas lang. Binigyan na ko ng daan para makapasok sa kotse. Tahimik sa loob.

"Sa gilid ng Gallagher school po kuya." Sabi ko.

Nagsimulang umandar ang kotse. Tahimik lang ang buong biyahe ko. Nasa gilid na pala kami ng Gallagher School, napangiti ako, kahit na nakakatakot kanina si Enzo. May mga magulang naman na nag-aantay sa akin ngayon. Lumabas na'ko sa kotse at nagpasalamat sa driver, agad kong inayos ang mukha ko. Napabuga ako sa hangin. Naglakad na ako papuntang bahay namin, kumatok ako ng dalawang beses at bumukas ang pintuan, sana hindi mahala ni nanay na umiyak ako kanina.

You're The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon