CHAPTER TWENTY-EIGHT

59 16 0
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

Isang linggo na simula nang mawala si Clea. Hindi ko pa rin lubos matanggap na wala na siya sa tabi namin. Hindi niya na ako tinext at unattended ang kanyang number, miss na miss ko na ang bestfriend ko sa totoo lang.

Everyday I act like nothing happened, but... The truth is I miss my bestfriend. Napahinto ako sa pagsusulat sa blackboard. Ako kasi ang inutusan na isulat ang notes sa black board e, may pinuntahang meeting si ma'am.

"Hoy nerdy Klea bilisan mo naman!" Reklamo ng isa kong kaklase.

Napairap ako sa kawalan. Nagsimula na akong kopyahin ang mga sinulat ko, hindi ko namamalayan nasa dulo na ako ng black board. Tapos na'ko, sa wakas. Umupo na ako sa tabi ni Kyo, bakante pa rin ang upuan sa pwesto ni Clea. Miss ko na siya, ano kayang ginagawa niya ngayon?

Kahit ngayon medyo nabawasan ang pambubully nila sa'kin. Parang nagkaroon ng kaunting taas ng tingin ang mga students dito sa Gallagher School simula ng nanalo ako, pero grabe pa rin sina Atasha sa'kin. Medyo matagal ko ng pinagisipan din ito na ibabahin ko ang style ko. Gusto ko maging isang normal din ako, ayoko na maging pangit.

"Kyo can you do me a favor?" Medyo nahihiya kong sabi sa kanya.

Gusto kong ibahin ang itsura ko.

"Anything for my BFF." Sabi niya.

Kanina pa siya busy sa pagsusulat, kahit nawala si Clea ngayon, alam ko naman na malungkot pati si Kyo. Parang nabawasan ang kakulitan nitong bakla na 'to. Pero alam naman naming dalawa na we're trying do the best to be okay, to act normal again. Medyo yumuko ako sa kanya, nahihiya kasi ako. Paano kapag pangit pa rin ako? Gusto ko lang naman may mapatunayan sa school na ito e. Gusto ko ipakita sa kanila na kaya ko.

Pilyong ngumiti ako kay Kyo.

"Pwede ba... Samahan mo'ko mamaya sa mall.."

Napahinto siya sa pagsusulat. Parang iniiscan niya ang buo kong pagmumukha, kasi alam niya naman na hindi ko mahilig sa mall. Kasi kapag nasa mall kaming tatlo ay gastusin ang aabutin.

"Sure! Teka BFF ano ba gagawin mo roon?"

"Naisip ko na mag papaganda ako.." Seryoso kong sambit.

Yes I'm serious about this.

"What? For real? IMY! I'm gonna help you BFF." Nagkaroon ng sigla ang kanyang mga mata sa'kin.

Poor Kyo, ngayon ko lang ulit nakita kung gaano siya ka-excited simula ng manalo ako sa contest. Ngumisi ako, pinipigilan na huwag malungkot sa'min dalawa. Miss na miss ko na talaga siya. She's the first one who approach me, in this school.

"Salamat Kyo, pagkatapos siguro nitong klase..."

Huminga ako ng malalim. Talagang nakatingin na sa'kin si Kyo, hindi na siya ngayon sa notebook naka-focus. Kung hindi sa akin ngayon. Siguro interesado din siya. And yes we both hate Atasha.

"Besides, hindi na ako magiging nerd katulad noon. Gusto kong makilala nila ako bilang isang normal na estudyante." Pagsasabi ko ng totoo.

Totoo naman talaga, gusto ko makilala nila akong bilang kaklase. Hindi na ako magiging weirdo, at tahimik sa isang sulok dito. Kailangan kong maging normal.

"Saka hindi naman masyado malabo ang mata ko. I'll get rid of this glasses."

Pumalakpak siya.

Medyo mahina lang ang boses habang nag-uusap kami, baka mamaya ay pagtawanan pa nila ako, kapag naisip nila na tinatry ko magpaganda. Super nakakahiya pa naman 'yon.

"Sounds great, well, as your BFF syempre tutulungan kita. Isasama kita sa salon ng parents ko, for free!" Wika niya pa.

Nanlaki ang mata ko, napakamot ako sa noo ko sa kanya. Ayoko naman itake-advantage ang mayaman kong bestfriend.

"E, nakakahiya naman." Nahihiya kong sabi.

"Nooo. I'll help you. I'll make sure that you will be the most beautiful girl in this classroom, tomorrow. And they'll stop bullying my pretty BFF." Sabi niya.

I'm still thankful pa rin dahil nandito siya sa tabi ko.

"Thank you..." Sambit ko.

The bell starts to ring. Hudyat na eto na ang tamang oras para pumunta kami sa mall. May dala naman akong pera, ito 'yung mga naipon ko sa school. Ngumiti ako ng matamis, nagsimula na akong kuhain ang aking gamit. Napansin kong wala na si Enzo, agad akong nanlumo. Totoo talaga ang sinabi niya, he still hates me. At 'di niya na ako kinakausap. Ouch, I like him pa naman, hays.

"Let's go BFF!" Masiglang wika ni Kyo.

Tumango naman ako saka naglakad. Hila-hila niya pa ako natatawa naman akong magpahila sa kanya. Nagulat ako ng may isang sasakyan ang dumaan. Nagulat ako ng pumasok si Enzo roon. Bigla akong napaatras, kasi roon din papasok si Kyo. Kinakabahan akong pumasok sa loob ng kotse.

Tahimik kaming tatlo, bakit ba nandito kami?! Gusto ko sana batiin o ngitaan lang man si Enzo, pero nakakatakot ang aura niya. Hanggang sa kotse ay wala pa rin siyang paki, tulog na naman.

"Manong sa SM Trinoma Mall." Sabi ni Kyo.

Ngumiti 'yung driver, iba ang driver na 'to. Hindi ko na muli nakita yung driver ni Enzo, sayang gusto ko pa naman makausap pa siya, mukhang alam niya rin kasi kung anong nangyari sa childhood friend ni Enzo, kaso baka isipin pa niya na isa akong chismosa!

Pagbaba namin sa sasakyan hinila agad ako ni Kyo, napailing na lamang ako sa kanya. Halata naman na excited siya sa magiging transformation ko.

"Here buy this perfume!"

"Let's change your black shoes!"

"I'm gonna buy that!"

Hirap na'ko bitbitin ang mga paper bags ngayon. Huhuhu.

Halos paikot-ikot kami sa mall. Halos si Kyo na rin ang bumili, nang una parang ayoko pa sana na siya ang bumili ng mga gamit ko but he keeps insisting me.

Last, nasa tapat kami ng salon nila Kyo.

"I-rerebond 'yung buhok niya ate."

Mukhang kilala naman siya sa salon kaya ngumiti 'yung staff ng salon. Sinumulan niya ayusin ang buhok ko.

"It will take awhile..." Sabi ni Kyo.

Ngumiti ako. Oh, gosh, I'm so lucky that I have Kyo.

Few hours later, inayos nila ang buhok at mukha ko. Nagulat si Kyo pagkatingin sa akin, ngumisi naman ako. Parang nagkaroon ako ng confidence ng makita ko ang aking sarili.

"What do you think, bestie?" Sabi ko sa kanya.

Tumili siya, napatakip naman ako ng tainga sa kanya.

"You look like like a hollywood actress!" Saka tumili-tili, nahiya naman ako kasi may ibang customers na napapatingin sa'min.

"Ma'am ang ganda-ganda niyo po." Dagdag pa ng nag rebond sa buhok ko.

"Thank you po.." Sabi ko

I guess this is it?

The nerd is now gone. I can be a normal student now. Since my glasses are now gone. Bigla akong kinabahan kasi may nakita ako sa labas ng salon.

It's Enzo holding the girl's arm, he's giving a cold stare yet the girl is smiling like she won at the lottery.

Napangiti ako ng mapait.

He's back to the game, hah.

You're The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon