CHAPTER THIRTY
FIVE YEARS LATER
Simula ng malaman ko ang nangyari, iniwan ko ang buhay ko. Inilayo ako ng magulang ko sa kaibigan ko, sa aking magulang. Malungkot, pero unti-unti na rin akong nasanay sa lahat. Ngayon, kilala ko na kung sino ako, hindi ko alam kung magiging masaya na ako ngayon. Magiging masaya kasi inilayo ako lugar na nasaktan ako, o maiinis dahil na mimiss ko sila.
It's my first college here in this school, marami na ang nakakakilala sa'kin. Hindi ko alam pero nawala na ako ng balita tungkol kay Enzo Gallagher, sa totoo lang na-mimiis ko na noon.
Katulad nga ng sinabi ni Enzo Gallagher, lumayo ako sa kanya. Gagawin ko naman ang gusto ni Enzo Gallagher, kusa na akong lalayo sa kanya. Hindi ko na rin siya tatangkain lapitan muli. Napabuga ako mg malalim sa'ki naisip. Alam ko naman na hindi niya ako gusto, galit pa rin siya sa'kin, kahit na ako si Zianna Augusts ang babaeng minahal niya ng buong buhay. Either he have feelings towards me or not, I just can't accept that he don't care. He even didn't contact me.
So I guess, he doesn't care, e?
Abala ako sa pagayos ng susuotin ko. Mas naging komportable naman ang aking buhay. Nakukuha ko na ang lahat ng gusto ko, saka mas dumami ang kaibigan ko. Miss ko na rin si Kyo, sa totoo lang. Nawalan ako ng contact sa kanya, baka nga 'di ko na makikita na maalala pa ang kanyang mukha. Huminga ako mg malalim.
"Lady Augustus, andito na po ang kotse niyo. Lumabas na raw kayo sabi ni mom mo po."
Ngumiti ako. Maraming nagbago sa'kin sa loob mg limang taon. Maraming pangyayari na naranasan ko ng wala siya.
Natuto akong mag bar kasama ang mga kaibigan ko. Pero hindi ko pa rin naman pinapabayaan ang aking pag-aaral. Naging valedictorian ako ng senior high school ko. At ang course naman na kukuhain ko ay business management.
Sana maging maganda naman ang college life ko.
They're true, after the rain, there's a rainbow.
Agad akong napangiti sa'king naisip. Isang malaking hinga ang aking ginawa at kinuha ang Gucci kong bag. Simula na bumalik ang aking alaala, at bumalik sa totoo kong pamilya. Nagkaroon na'ko ng mga mamahaling mga gamit, tho hindi ako sanay sa pamumuhay ko, five years ago.
Napatingin ako sa orasan, nanlaki ang aking mga mata. Malapit pa naman na'ko ma-late ngayon!
Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko. Bumaba ako sa malaking staircase, busy kasi ngayon sina mommy and daddy ngayon dahil sa kanilang business. I miss both of them right now, I suddenly pouted.
"Manong tara na po." Sabi ko.
Tumango naman si manong driver, napahinga ako.
Habang nakikinig ako ng music sa radyo ng BMW, biglang nagsalita amg DJ at ito naman ay tungkol sa love life, nagkaroon agad ako ng interest sa pakikinig. Tahimik akong tumingin sa bintana ng BMW habang nakinig sa salita ng mga tao sa radyo.
"Bakit niya po kasi tinakasan ang responsibilidad?"
"Natakot 'yung boyfriend ko. Ayaw niya kasi maging ama ng anak namin. Kaya bigla niya tinakasan at nakipag-break bigla sa'kin."
Nakaramdam ako ng lungkot para sa babaeng buntis. Bakit ba kapag ang mga lalaki, ganyan? Umaalis sila dahil sa pagiging ama na responsibilidad nila. Hindi man lang siya maawa sa kanyang kasintahan.
"Ilang araw na po kayong buntis?"
Nagkaroon ng saglit na katahimikan bigla.
"Three weeks..."
I feel bad for the woman.
***
"Ma'am andito na po tayo."
Napalingon-lingon ako sa ilang sulok ng school. Namangha ako sa kagandahan ng private school. Mas maganda 'to kaysa sa school ko noon ng nag ninth grade ako. Syempre kasi mas mahal ang tuition fee dito. Mataas ang building hanggang fourth floor, marami ding pine trees, na parang nasa Baguio ako. At isang malaking gate, mayroon ding parking lot, andami rin naka-park na kotse doon. Napanganga ako sa ganda ng school, hindi ko akalain na dito ako mag-aaral!
Ngumiti ako, this whole year I'm planning to be summa cum-laude again on four years straight.
Napalingon ako sa taong nakita kong naglalakad. A familiar face, suddenly my heart stop for a moment. It's Enzo Gallagher. Huminga ako ng malalim at napangiti ng mapait.
What a small world.
Lumabas na rin ako sa BMW saka kinuha ang Gucci kong bag. Naka-mini skirt lang ako at naka-light make-up ngayon. Hindi ko aakalaing ganito ang naging progress ko. Naaalala ko pa na palagi nila akong tinurukso dahil sa pagiging tsaka ko, pero ngayon. Sino na sila ngayon? Hah.
Halos lahat ng tao ngayon ay masaya, may iba naman na naliligaw pa dahil ang lawak talaga ng school na 'to. Hindi na ako nagtaka pa, isa pa isa sa pinakamagandang school ang papasukan ko. Ang Emerald University. Formerly si Emerald Dela Cruz ang nagpatayo ng school na 'to, at since 1900's pa 'to, marami na ring na-renovate siguro dito.
Agad na pumunta ako sa maraming tao kung saan naroon ang business administration. Nandito na'ko sa papel at nakita ko ang pangalan ko.
Great, pupunta na'ko sa classroom ko. Lahat ng room sa buong building namin ay may malaking aircon. Pumunta na'ko sa room 12.
Agad na napaatras ako ng bigla kong makita si, Enzo Gallagher. Hindi mapailawanag bigla ang aking nararamdaman. Hindi ko akalain na kaming dalawa ay magiging classmates, biglang gusto kong umatras pero biglang may nagsalita sa utak ko.
'Nakamove on ka na hindi ba sa kanya?" Napalunok bigla ako.
Tama. At isa pa sa loob ng limang taon hindi niya na'ko makikilala kaso nga lang... People now are calling me Zianna Augustus.
Kilala niya pa rin kaya ako?
Of course freaking YES! Ako nga ang naging dahilan kung bakit sya naging ganyan noon e. Kilala niya kaya na iisa lang ako na si Klea at Zianna Augustus? Aishhhh.. bahala na!
Umupi ako sa likuran baka sakaling hindi niya ako mapansin pero huli na ang lahat.
Biglang nagtama ang paningin naming dalawa. Nanigas ako sa aking inuupuan. Gusto kong tumakbo ngayon, kaso nga lang huli na... Kasi bigla siyang nagulat.
BINABASA MO ANG
You're The Only Exception
Teen FictionMeet the protagonist, Klea Aquino. A girl who have many dreams in life, a girl that's academically smart. But, one thing is that she's a loser in her school.. The worst that she's not planning to be in love to the school owner's son, Enzo Gallagher...