CHAPTER TWENTY-TWO

59 19 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

"Lahat nang mga itinuro ko sa inyo, tandaan niyo students!" Paalala ni sir Alawi sa'min. Napatango ako.

Ito na kasi ang last day na mag pa-practice kami. It's Sunday right now. Si Enzo na raw ang bahala sa susuotin ko, it's a navy blue dress. Mukhang mamahalin pa 'yon. Medyo nahiya ako at gusto ko tanggihan pero ang sabi niya ay 'yun na raw ang maitutulong niya para sa'kin.

"Tomorrow is a big day. So embrace yourselves and just enjoy." Saka kumindat siya.

Kinakabahan ako para bukas pero at the same time ay nae-excite ako, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Napatingin ako sa paligid ko. Nakatingin sila sa'kin, medyo naiilang na rin ako at nahihiya. Bakit ba sila nakatingin sa'kin? May dumi ba na naman sa mukha ko?

"Ang pretty mo pala talaga, Clea!" Wika ng babae, siya si Jane, e, mas hamak na mas maganda naman siya sa akin.

Medyo naiilang ako sa kanyang sinabi sa harapan ko. Abalang nag-uusap si Enzo at ang isang lalaking contsestant, hindi man lang siya tumitingin sa gawi ko. Sa tingin ko ay parang ayaw niya na'ko makita. Huhuhu! Ano ba ginawa kong masama?

"Uhmm... Hindi kaya, mas maganda ka Jane." Sabi ko.

Naiilang pa rin ako kapag pinupuri nila ang sarili ko. Nagiging anxious ako pagkaharap sila ngayon.

"Hoy, hindi ah. Ang tangos-tangos nga ng ilong mo kaysa sa'kin. Half american ka ba?" Tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nahihiya ako kasi napansin niya ang aking mukha. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin. Para naman walang nagbago sa aking sarili e.

"Hindi.. hahaha... Pure Filipino ang parehas kong magulang."

Napahawak siya sa kanyang baba, parang nag-iisip.

"Ah.. baka sa genes!" Sabi niya pa at taas baba niya akong tinitingnan.

Napaubo ako sa kanyang sinabi.

"Sa totoo lang mukha kang Americana saka ang tangkad mo pa." Sabi pa ni Jane.

Nakatingin lang ang mga babae sa aming dalawa. Sobrang daldal kasi ng babaeng 'to. Saka 'yung escort niya na si Rod parang may gusto sa kanya ewan ko ba parang ako lang nakapansin. Anyway, baka inuuto lang ako netong si Jane.

Ayaw ko maniwala sa kanyang sinasabi. Kasi hindi naman totoo na maganda ako. Si Clea mas maganda sa'kin, si Atasha, si Ghie pati nga mama ni Kyo e, mas maganda pa sa'kin. Hinahawakan ni Jane ang aking mukha, parang amaze na amaze siya sa'kin. Tss.

"Sige mamaya na kita kulitin, tinatawan na'ko ni Rod e." Sabi ni Jane at napakamot ng ulo at dali-daling lumapit kay Rod.

Agad na narinig kong pumalakpak ng malakas si sir hudyat na wala ng break. Sa totoo lang ay kinakabahan ako para sa bukas. Hindi ako sanay na maraming nakatingin sa'kin, lalo na at ilabas ang katawan ko para sa ibang tao.

"Attention students... Go back to your positions again. And let's continue to practice. Now." Seryosong wika ni sir Alawi.

Kung ng mga nakaraang araw ay pajoke-joke pa siya at patawa-tawa ngayon naman ay seryoso si sir Alawi. Ang dami kong natutunan tungkol kay sir Alawi. Magaling siya magturo si sir Alawi and I'm glad that he became my mentor. Siguro ay gusto niya talagang maging maganda ang kinalalabasan ng twenty-fifth anniversary ng school namin. Nagsimula na ako maglakad sa dating pwesto namin. Napahinga ako ng malalim kapag naiisip ko ang mangyayari para bukas. I'm so nervous. Hinawakan ko ang palad ko at pinisil-pisil.

"One, two, three, go!" Sabi ni sir Alawi.

Nagsimula na silang maglakad ng nasa unahan. Kinakabahan ako pero hindi ko alam pero may part sa'kin na ako ay excited. I don't know.

You're The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon