Chapter 24

116 3 0
                                    

"Handa na kayo?" ang seryosong tanong ni Marco sa mga kasama.

Nagtanguan ang mga ito, "Handa na kami."

Sa senyas ni Marco ay sabay-sabay na naghawak-kamay silang apat at ipinikit ang mga mata. Hawak ng isang kamay ni Marco si June, si June kay Hazel, si Hazel kay Aaron, at si Aaron kay Marco.

"Anuman ang mangyari ay huwag na huwag ninyong bibitawan ang isa't isa," mahigpit na paalala niya sa mga ito. Huminga siya ng malalim at saka sinimulan ang orasyon.

Ito na nga. Wala nang bawian ito. Gagawin na nila ang orasyon at nakasalalay kay Thessa ang kapalaran ng gagawin nilang ito.

Napag-usapan na nila ang kanilang gagawin kanina habang papunta sa kinaroroonan nila ngayon. Alam na nila ang kanilang mga gagawin. Ang ipinagdarasal lang ni Marco ngayon ay sana umayon sa kanila ang tadhana dahil ang totoo niyan, hindi siya kampante sa sarili niya.

Naalala niya noong bata pa siya, hindi niya kasundo ang Tatay Alvin niya. Masyado itong mapilit sa mga gawaing ayaw niya katulad nalang ng pagtuturo nito sa kanya ng pag-oorasyon. Sa totoo lang ay ayaw niya ng mga ganitong gawain. Mataas ang pangarap niya. Gusto niyang magtrabaho bilang piloto. Gusto niyang makapunta sa malalayong lugar. Ngunit wala siyang narating ni isa sa kanyang mga pangarap. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Heto at hanggang ngayon ay nalulugmok pa rin siya sa mga trabahong bukid.

Ang Tatay Alvin niya ang sinisisi niyang dahilan ng patigil niya ng pag-aaral. Dahil hindi siya nito kayang sustentohan, sa murang edad ay tumutulong na siya sa pagtatrabaho sa bukid. Tinuruan siya nitong maglilok kahit hindi naman niya talaga ito gusto. Tinuruan din siya nito ng ilang orasyon. Mga orasyong halos araw-araw pinapabasa sa kanya. Mga orasyong ayon sa kanyang ama ay gagamitin daw niya sa tamang panahon.

At ito na nga yata ang nakatakdang panahon na tinutukoy nito noon.

Dahil sa maagang natuto ay memoryado na ni Marco ang lahat ng orasyong itinuro sa kanya ng kanyang ama.

Noong mga panahong nakaratay nalang ito sa kama, nakiusap itong hanapin ang isang figurine ng anghel na may nakaukit na baliktad na bituin sa leeg. Gamitin daw niya ang lahat ng mga natutunan niyang orasyon dito upang tuluyan na itong matigil. Iyon na ang huling kahilingan nito.

Hindi man sila magkasundo ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito, sa mga huling sandali nito ay napagtanto niyang mahal niya pa rin pala ang kanyang ama.

Nagamit niya bilang pangkabuhayan ang mga itinuro nito sa kanya. Naging daan iyon para mamuhay siya kahit papaano sa bawat araw.

Nirespeto niya ang huling hiling nito at hinanap ang naturang figurine ngunit nahirapan siya sa paghahanap dito. Mas natuon ang kanyang atensyon sa pagsasaka at paglililok. Hanggang sa isang araw nga ay dumating sina Hazel at Aaron sa kubo niya.

Habang binibigkas ang orasyon ay naramdaman ni Marco ang dahan-dahang pagbaba ng temperatura sa kinaroroonan nila. Hindi man siya nakakakita ng mga kaluluwa o lamang-lupa kagaya ni Hazel, nakakaramdam naman siya at kung minsan ay nakakarinig.

May naririnig siyang mahinang hikbi ngunit hindi niya ito pinapansin. Kailangan niyang mag-focus sa ginagawa.

Isang mabigat at malamig na bagay ang naramdaman niyang sumampa sa balikat niya. Nangilabot si Marco ngunit hindi niya hinayaang mawala ang focus niya. Wala man siyang tiwala sa kanyang sarili, malaki naman ang tiwala niyang hindi siya pababayaan ng kanyang Ama.

--^^

Naramdaman ni June ang biglaang paglamig ng paligid. Naalala niya bigla ang napanaginipang si Thessa at ang lugar na kinaroroonan nito. Malamig din doon.

Regalo Para Kay ThessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon