Naiiritang iwinaksi ni Shein ang kamay ni June nang hawakan ulit siya nito sa braso.
Nagagalit siya. Natatakot siya. Nalilito siya. Hindi niya maintindihan ang sarili!
"Wag mo akong susundan! Uuwi na ako!" sigaw niya sa binata.
"Sorry Shein pero hindi kita hahayaang umuwi mag-isa ngayon. Kailangan nating bumalik kina 'Insan," pagpupumilit naman ni June.
"Ayoko nga! Hindi ako sasapi sa kulto niyo!"
"Makinig ka kasi muna! Hindi kami kasali sa kulto, okay?"
Natigilan ang dalaga pero hindi pa rin ito tumigil sa pagtakbo.
"Well, IDC! Hindi pa rin ako sasama sa inyo! Kinikilabutan ako sa pinagagawa niyo!" mataray niyang sagot na napahagod pa sa kanyang braso, "Huwag mo sabi akong susundan eh!"
"Hindi kita pwedeng iwanan mag-isa lalo na sa sitwasyon ng paaralan ngayon!"
May mga sinabi pa sa kanya si June na hindi na niya gaanong pinakinggan dahil nalihis na ang pokus niya sa nahagip na bulto ng tao sa may parking lot.
Kung tama ang nahagilap ng mata niya ay may taong papasok ngayon sa school. Hindi kaya teacher iyon? O baka guard? Baka makita siya nito at mapagkamalan pang kasali sa mga pinagagawa ng magpinsan. Ayaw niyang madamay no!
Mukhang kailangan muna niyang magtago.
Napahinto siya sa pagtakbo nang mapansing nawala bigla ang ilaw na galing sa cellphone ni June. Nilingon niya ito at nakitang tumatakbo na ito pasalungat sa kanya. Lumiko ito sa isang pasilyo dala ang ilaw at noon siya binalot ng kadiliman.
Halos lukubin siya ng takot. Noon niya naisip na ayaw pala niyang mag-isa. Mas lalo siyang nairita kay June. Nasa binata pa naman ang cellphone niya.
"Saan ba kasi papunta 'yon? Hindi naman doon ang papunta kina Aaron!"
Halos wala siyang makita kung hindi lang nakapag-adjust agad ang paningin niya, salamat sa kaunting liwanag na naibibigay ng mga ilaw na nanggagaling sa gate ng paaralan nila.
Sa isang iglap ay parang may naaaninag siyang tao sa dulo kung saan lumiko si June. Sa sobrang layo nito ay hindi niya makilala kung sino ito.
Sino naman kaya 'yon?
--^^
Takbuhan sina Hazel, Aaron at Marco sa daang tinahak nina June at Shein. Kailangan nilang iligtas si June lalo pa't nasa paaralan ngayon si Thessa. Nanganganib ang buhay nito lalo pa't hindi sila sigurado kung nakabalik na ba si Thessa sa katawan niya.
"June!" tawag ni Hazel dito, "Nasaan ka?"
Nakarating sila sa labas ng gusali ngunit hindi nila ito nakita.
"'Insan! Shein!" tawag na rin ni Aaron.
"Shein?" nagtatakang nilingon ito ni Hazel.
Ipinaliwanag ni Aaron ang mga nangyari habang walang malay ang dalaga kanina.
"Anong pinunta niya rito?" may halong kaba, pag-aalala at pagkairita ang naramdaman ng dalaga sa nalaman, "Ang sama ng timing niya, jusko!"
Isang malakas na tili ang umalingawngaw mula sa second-floor ng paaralan dahlilan para maalarma sila.
"Si Shein 'yon!" kinakabahang bulalas ni Aaron at nanguna sa pagtakbo pabalik sa gusali. Sumunod din agad ang dalawa.
"Anong ginagawa niya sa second floor?" kinakabahan na rin si Hazel, "Wag naman sanang nadamay na ang isang 'yon."
"Kailangang mahanap natin agad si Thessa. Kailangan magawa na natin ang second phase," may pag-aalala na ring wika ni Marco. Ang second phase na tinutukoy niya ay ang pakawalan ang mga kaluluwang nakakulong sa figurine. Ngunit hindi nila ito magagawa hangga't hindi pa nakakabalik si Thessa sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Regalo Para Kay Thessa
HorrorSa ika-labimpitong kaarawan ni Thessa ay nakatanggap siya ng isang napaka-espesyal na regalo mula sa long time crush niya. Ang hindi niya lang alam at hindi inaasahan ay may nakatagong nakagigimbal na sikreto ang regalong iyon. Sa pagdating ng bagay...