Chapter 13

838 35 0
                                    

"Magandang umaga po! Ito po ba ang bahay ni Thessa Moteza? Kaklase niya po ako." magalang na bati ni Hazel sa babaeng nagbukas sa kanya ng gate. Mukhang nasa mid-40s na ito at nakasuot ng magandang duster.

Matagal bago ito sumagot. Tinitigan muna siya nito ng mabuti.

"Ito nga. Ako ang ina niya." sagot nito.

Napahigpit ang hawak niya sa dalang basket ng mga prutas na binili para sa kaibigan at sa kanyang shoulder bag na nakasabit sa balikat.

Si Mrs. Morteza pala ang nagbukas sa kanya ng gate.

Nginitian niya ito.

"Nandito po ako para bisitahin si Thessa. Nag-aalala na po kasi ako sa kanya. Kumusta na po ba siya?"

Bumakas ang lungkot sa mukha ng ginang at napabuntong-hininga. Nilakihan nito ang pagbukas ng gate.

"Halika, pasok ka." tanging sinabi nito.

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad nang pumasok. Inayos niya ang pagkakasabit ng kanyang shoulder bag at sumunod dito papasok sa loob ng bahay. Umakyat sila sa malaking hagdanan na unang bumungad sa kanila pagkapasok.

"Andun siya sa loob ng kwarto niya. Hindi pa rin lumalabas hanggang ngayon. Nag-aalala na nga kami para sa kanya." sabi ng ginang sa kanya pagkarating nila sa taas.

Tumigil sila sa tapat ng isang pulang pintuan. Dahan-dahan itong binuksan ni Mrs. Morteza. Tumambad sa kanila ang isang magulo at medyo madilim na kwarto. Para bang hindi na ito pinapakialaman pa ng may-ari. Nakasarado ang lahat ng bintana at nakababa ang lahat ng kurtina maliban sa isa kung saan tahimik na nakaupo ang isang babae.

Nakatanaw ito sa malayo at hindi niya alam kung ano ang iniisip nito ngayon.

Si Thessa.

Naawa siya sa itsura ng kaibigan. Mukhang hindi pa ito natutulog at panay lang ang iyak dahil namamaga ang mga mata.

"Sobrang nasaktan talaga siya sa pagkamatay ng kaibigan niyang si Meljen." malungkot na sambit ni Mrs. Morteza habang tinatanaw ang anak.

Muli itong napabuntong-hininga at tiningnan siya. "Sana mapakiusapan mo siya ng maayos na kumain na. Hindi pa kasi siya kumakain."

Tumango siya. "Susubukan ko po."

Bahagya itong ngumiti. "Osiya, maiwan na kita." sabi nito at umalis na doon.

Tahimik na pumasok siya sa kwarto at inilagay ang dalang mga prutas sa nakitang study table. Bago niya nilapitan si Thessa ay kumuha muna siya ng isang mansanas doon. Dinala niya rin ang isang stool na nakita sa isang tabi at tumabi sa kaibigan. Malayo pa rin ang tingin nito at parang hindi siya napapansin.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsimulang magsalita.

"Thess, ako 'to si Hazel." simula niya.

Hindi ito umimik.

"Nakausap ko ang mama mo kanina. Hindi ka pa raw kumakain. Gusto mo ba ng prutas? Ito mansanas oh." inabot niya ang mansanas dito pero hindi man lang ito gumalaw.

Kinuha nalang niya ang kamay nito at inilagay ang mansanas doon.

Malungkot na nginitian niya ito. "Kung gusto mo pa ng prutas, may binili ako para sa 'yo. Nandun lang sa study table mo. Kumuha ka lang doon ah?" sabi niya pero tulad kanina ay wala pa rin itong imik.

"Uhm... galing nga pala ako sa hospital kanina. Binisita ko si CK doon. Wag ka nang mag-alala sa kanya, maayos na ang kalagayan niya. Binabantayan siya ng mga magulang niya doon."

Regalo Para Kay ThessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon