Chapter 4

1.3K 60 2
                                    

Dumating ang araw ng pagdayo ng rival school ng Carmel Academy, ang Conception Academy.

Naghahanda na ang mga faculties sa paparating na mga bisita. May mga estudyanteng tumutulong sa pag-aayos ng net at pagpapahangin ng mga bola samantalang ang iba naman ay pakain-kain lang sa canteen at naghihintay lang sa gaganaping friendly game.

Habang busy ang lahat ay hindi naman magkamayaw sa pagwa-warm up ang mga players ng Carmel Academy. Kasama na roon si Thessa.

Ang dalawa naman nitong mga kaibigan na sina CK at Meljen ay nakapwesto na sa isang tabi kasama ang iba pa nilang mga kaklase para pangunahan ang pag-cheer sa mga players ng school nila.

"Go Carmel Angels! Galingan niyo mamaya!"

"Wag niyong hayaang maka-score yung kabila!"

"Puntiryahin niyo ang bola sa ulo para makatulog na! Hahaha!"

Sigawan ng mga solid Carmel Angels na mga kaklase lang din nila.

Sinita ang mga ito ng isang terror teacher na napadaan dun.

"Hindi pa nga nagsisimula ang game, ang iingay niyo na! Magsitahimik nga kayo!"

Sinundan lang nila ito ng tingin. Ang iba ay nag-make face pa pagtalikod nito.

"Tse! Siya kamo ang manahimik! Kaya tumandang dalaga eh kasi walang kaganda-ganda sa ugali!" mahinang sambit ni CK kay Meljen sabay hagikhik. Natawa nalang din ang kaibigan.

Sunod namang dumaan sa harapan nila si Shein na sobra kung makakapit sa braso ni Aaron.

"Tingnan mo rin 'tong isang 'to, kung hindi ko lang siguro 'to kilala iisipin ko na 'tong tuko na nagkatawang tao. Kita mo oh, mukhang lalamangan pa yata ang mighty bond sa sobrang pagkadikit sa braso ni Aaron." komento ni CK na ikinatawa ng maraming nakarinig. Kasama na si Aaron sa mga ito.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Shein sa pagkairita. Hinarap nito si CK at pinanliitan ng mga mata.

"Hoy! Kung naiinggit ka sa 'kin kasi close kami ni Aaron, sorry ka nalang! Manigas ka diyan sa inggit!" singhal niya rito.

Tinawanan lang siya nito.

"Excuse me lang ha, Shein, unang-una sa lahat, hindi ako naiinggit sa 'yo kasi alam naman naming lahat na ikaw lang ang feeling close kay Aaron. Kung hindi lang siguro kayo magkapit-bahay dalawa, sure naman ako na hindi ka niya papansinin eh. Tsaka isa pa, mas maiinggit pa siguro ako sa aso kasi ang cute-cute nila kesa naman sa 'yo na mukhang impakta!" taas-kilay na sagot sa kanya ni CK.

Hindi na nakapagpigil pa si Shein at agad sinabunutan si CK. Hindi naman nagpatalo si CK at gumanti rin.

Nagkagulo na sa pwesto nila! May ibang pinapatigil sila pero mas nangibabaw pa rin ang malalakas na cheer ng mga estudyante sa magkabilaang panig.

May nagchi-cheer para kay Shein pero mas malakas pa rin ang cheer para kay CK.

Mas dumami ang mga estudyanteng nag-uumpukan at nakiusyoso doon. Natigil naman sa pag-eensayo ang mga players at nakisali na rin sa mga nag-uumpukan.

Pati si Thessa ay napatakbo na rin papunta doon.

"Hoy! Ihiwalay niyo ang dalawang yan!" sigaw ng kanilang Prefect of Discipline.

Agad naalarma ang mga estudyanteng nandun. May ibang nagtakbuhan palayo samantalang ang iba naman ay tumulong na sa pagpapahiwalay ng dalawa.

Nakita ni Thessa kung sinu-sino ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Ang kaibigan niyang si CK na ngayon ay gulung-gulo na ang buhok pati ang suot na uniform at ang karibal niyang si Shein na magulo na rin ang buhok at punit-punit na ang suot na uniform.

Regalo Para Kay ThessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon