Chapter 12

969 46 4
                                    

Pagkarating ni Thessa sa likod ng paaralan nila kung nasaan ang kanilang vegetable garden ay bumungad agad sa kanya ang mga nagkukumpulang estudyante at mga teachers. Tinatakpan ng mga ito ng panyo ang ilong nila.

Parang bumaliktad ang sikmura niya sa nakakasulasok na amoy na nalanghap niya. Nakakasakit ng ilong! Hindi niya maintindihan ang amoy!

Agad niyang kinuha ang panyo at tinakpan din ang ilong. Mahigpit ang hawak sa figurine na nakisiksik siya sa mga estudyante. Patiyad siyang naglakad makita lang ang sinasabing bangkay hanggang sa makarating siya sa pinakauna.

At ganun nalang ang panghilakbot niya nang makita ang bangkay. Base sa uniform nito ay babae ito at nag-aaral din sa school nila, sa Carmel Academy. Maraming lupa ang nakadikit dito at hindi nila mamukhaan dahil natatakpan ang mukha nito ng mataas nitong buhok. Mukhang nagsisimula na rin ito sa decomposition stage kaya medyo kadiri na ang itsura nito at sobrang sama na rin ng amoy.

Parang masusuka siya sa nakikita. Hindi niya maintindihan ang sarili. Parang nilalamig siya. Parang namimilipit ang tiyan niya. Naninindig ang mga balahibo niya na personal siyang nakakita ngayon ng bangkay na wala sa kabaong.

"Grabe ang baho ng amoy!"

"Sino daw ba ang nakahukay sa bangkay?"

"Si Manong Janitor. Inutusan kasi ni Maam Terror na pabungkalin ang lupa dahil tataniman na ulit bilang project sa subject niya pero iyan ang bumungad sa kanila."

"Nasaan na sila?"

"Nandun sa clinic. Hinimatay kasi si Maam Terror. Sobrang putla nga rin ni Manong Janitor nung makita ko kanina. Tingin ko nga ilang sandali lang hihimatayin na rin 'yon."

"Kadiri talaga ng itsura!"

"Sino kaya yan?"

Bulungan ng mga estudyanteng nandun.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga pulis. Panay din ang pagtakip ng mga ito ng panyo sa ilong nang lapitan ang bangkay. Pinapalayo sila ng mga ito doon kaya lumipat siya sa ibang pwesto.

Ilang sandali lang ay dumating naman ang mga magulang ni Meljen. At ganun nalang ang hagulhol ng ina nito nang lapitan ang bangkay at hinawi ng mga pulis ang buhok nito.

Pati siya ay gulat na gulat din sa nakita! Hindi niya inakalang makikilala niya ito. Pati ang ibang mga nakakita ay napasinghap.

Si Meljen! Walang dudang si Meljen ang bangkay! Kitang-kita ito ng dalawang mga mata nila. Kahit nagsisimula na itong maagnas ay nakilala pa rin nila ito.

Parang gumuho ang mundo niya sa nakita. Parang nanlambot ang mga tuhod niya. Nag-iinit ang gilid ng mga mata niya.

Hindi niya matanggap na ang isa sa mga bestfriends niya ay nasa harapan niya ngayon at nagsisimula nang maagnas.

Isang pulis ang mas lumapit pa sa bangkay at kinuha ang isang bagay sa dibdib nito at inilagay sa isang plastic cellophane. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita kung ano ang kinuha nito.

Isang kutsilyo!

Isang kutsilyo ang nakasaksak sa dibdib ni Meljen na siyang kinuha ng pulis!

Sinaksak sa dibdib si Meljen! Iyon agad ang naisip ni Thessa. At isa lang ang alam niyang pwedeng gumawa nun!

Puno ng takot, hilakbot at poot na napatingin siya sa hawak na figurine. Kung isang empty plastic bottle lang siguro ito ay matagal na itong nalukot sa sobrang higpit at nanggagalaiting pagkuyom ng kamay niya.

Parang nagdilim ang paningin niya sa napakainosenteng itsura ng figurine. Hindi niya matanggap sa sarili na pati ang kaibigan niya ay papatayin nito.

Regalo Para Kay ThessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon