Chapter 7

1K 43 6
                                    

Nag-aagahang mag-isa si Thessa sa dining table nang lumapit sa kanya ang kasambahay nilang si Aling Maria dala ang isang baso ng tubig at gamot.

"Inumin mo ang gamot mo pagkatapos mong kumain diyan, ah? Pinapabilin nga pala ng mama mo kanina na uuwi raw siya ng maaga rito mamaya dahil may hahanapin daw siyang mga papeles pero aalis din agad dahil may pupuntahan siyang importante."

"Saan daw po?"

"Walang sinabi eh."

Tumango nalang siya rito at nagpatuloy sa pagkain nang mapansin niya ang nakaumbok na bagay sa malaking bulsa nito.

"Ano po yang nasa bulsa niyo Aling Maria?" tanong niya rito.

"Ah 'eto ba?" dinukot nito ang nasa loob nun at laking gulat niya nang makita kung ano ito.

Ang figurine!

"S-Saan niyo po nakuha yan?" gulat na bulalas niya.

"Andun sa likod-bahay. Punong-puno pa nga 'to ng putik nang makita ko kaya nilinis ko agad. Tinapon mo ba 'to? Sayang naman 'to, mukhang maayos pa naman at maganda pa."

Hindi alam ni Thessa kung paanong napunta doon ang figurine. Naging isang palaisipan iyon sa kanya.

--^^

Sa paaralan, takang-taka ang magkaibigang Thessa at CK nang hindi nila nakitang pumasok si Meljen. Walang kaalam-alam ang dalawa kung bakit hindi pumasok ang kaibigan nila.

Mas lalo pa silang nagtaka nang makita ang mga magulang ni Meljen na lumabas mula sa Principal's Office. Mababakas sa mukha ng mga ito ang matinding pag-aalala.

"Pasensya na talaga sa inyong dalawa, kayo lang kasi ang kilala naming kaibigan ng anak namin. Hindi kasi siya umuwi ng bahay kahapon, baka naman doon natulog sa inyo?" tanong ng ama nito nang lapitan sila.

"Ang totoo po niyan, nagtataka nga rin po kami kung bakit hindi siya pumasok ngayong araw." sagot ni CK dito.

Mas lalong pinanghinaan ng loob ang mag-asawa.

"So, wala siya sa inyo? Hindi siya natulog sa inyo?"

Umiling silang dalawa. Hindi na nga napigilan pa nang ina ni Meljen na mapahagulhol ng iyak.

"Nasaan na ba talaga yung batang 'yon?" nag-aalalang sambit nito. Agad naman itong dinaluhan ng asawa at pinatahan.

"Kung sakali mang makita niyo ang batang 'yon. Sabihin niyo agad sa amin ah? Didiretso na kami ngayon sa pulisya para ipahanap siya."

"Hindi po namin kayo bibiguin Tito, Tita. Tutulong po kami sa paghahanap sa kaibigan namin." desididong sagot ni Thessa sa mga ito.

"Maraming salamat sa inyo." At umalis na nga ang mga ito doon.

Tumunog ang bell ng paaralan. Ibig sabihin ay recess na.

"Tara sa canteen Thess, nagugutom na kasi ako." aya ni CK sa kanya. Agad naman siyang sumang-ayon.

"Hindi ka ba nagtataka kung nasaan si Meljen?" tanong niya sa kaibigan habang naglalakad na sila papunta sa canteen.

"Syempre nagtataka rin. Wala kayang absent 'yon sa klase tapos ngayon bigla nalang aabsent nang walang paalam sa atin, nakakapagtaka tala 'yon."

"Nasaan kaya talaga 'yon?" mahinang sambit niya sa sarili habang napapaisip.

Narinig niyang napasinghap si CK kaya agad napalingon siya rito. Nanlalaki ang mga mata na tumingin ito sa kanya na para bang may napagtanto.

"Hindi kaya naglayas yung babaeng 'yon?"

Nakunot ang noo niya.

"Naglayas? Wala naman akong nakikitang problema ng pamilya nila para maglayas siya. Kita mo naman kanina kung gaano kamahal ng mga magulang niya ang isa't-isa. Tsaka mukhang nananatili pa rin namang maasenso ang negosyo ng pamilya niya."

Regalo Para Kay ThessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon