Chapter 6

1K 57 3
                                    

Panay ang daldal at kwento ni Meljen sa kaibigang si Thessa habang naglalakad silang dalawa papunta sa locker room. Uwian na ng mga oras na iyon at nauna na ngang umuwi sa kanilang dalawa si CK. Napagalitan kasi ito ng mga magulang dahil pinatawag ang mga ito kanina patungkol sa nangyaring away nila ni Shein kahapon.

Habang nagkukwento ay napansin ni Meljen ang pananahimik at panlulumbay ng kaibigan.

"Kanina ka pa yata tahimik? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya rito.

Hindi ito sumagot at parang ang lalim ng iniisip. Kanina pa niya ito napapansin kahit nung nagkaklase sila.

Tinapik niya ang balikat nito at nagtaka siya nang bahagya itong mapapitlag. Parang noon lang ito nabalik sa sarili.

"Ayos ka lang ba talaga?"

"Ha?" parang wala sa sariling tanong nito.

"Kanina pa kaya kita kinakausap." sagot niya.

Napahinga ito ng malalim. "Pasensya na Melj, m-medyo masama lang ang pakiramdam ko."

Tiningnan niya ito ng matagal. Pinagtitimbang-timbang niya kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo.

"Magsabi ka nga ng totoo Thess, may problema ka ba? May bumabagabag ba sa 'yo?" tanong niya rito. Bilang kaibigan ay nag-aalala siya para rito.

Umiling-iling ito. "Wala. Masama lang talaga ang pakiramdam ko." sagot pa rin nito.

Sinipat niya ang noo at leeg ng kaibigan.

"Naku! Ang init mo Thess! May sinat ka pala! Ba't 'di mo sinabi agad? Hindi ka na dapat pumasok ngayon." aniya pero umiling lang ito.

"Wala naman ito kanina." turan nito at bahagyang ngumiti. "Wag mo nalang pansinin. Uwian na rin naman."

Nakarating nilang dalawa ang locker room. Agad nilang nilapitan ang kani-kanilang lockers.

Laking pagtataka ni Thessa nang pagbukas niya sa kanyang locker ay tumambad sa kanya ang figurine doon. Nakatayo ito doon na animo'y hinihintay siya at nakalahad pa rin ang mga kamay na animo'y gusto siyang yakapin.

"Wow! Ang ganda naman niyan!" Gulat na napalingon siya kay Meljen nang mula sa locker nito ay lumapit ito sa kanya at kinuha ang figurine. "Sa 'yo ba 'to? Saan mo 'to nabili?"

Hindi niya maintindihan ang sarili pero parang kinabahan siya nang kunin nito iyon at yakap-yakapin.

"Ah Melj, siguro dapat mo na yang ibalik dito."

"Grabe ka naman, patingin lang ako saglit. Ang ganda-ganda kasi ng angel eh! Saan mo ba kasi 'to nabili? Gusto ko ring magkaroon ng ganito!" ngiting-ngiting saad nito habang hindi pa rin magkamayaw sa kakatingin sa figurine.

"R-Regalo yan sa 'kin ni A-Aaron nung birthday ko." kandautal-utal niyang sagot. Hindi niya kasi talaga maintindihan ang sarili niya. Masama ang pakiramdam niya. Nahihilo siya. Kinakabahan siya.

"Well then, I'm gonna ask Aaron kung saan niya 'to binili. Ay! Anyway pala Thess! Muntik ko na namang makalimutan. May ibibigay nga pala ako sa 'yo. Wait here." sabi nito at ibinalik sa kanya ang figurine. Excited na bumalik ito sa locker nito.

Walang ideya si Thessa kung ano ang ibibigay ng kaibigan sa kanya pero talagang ang sama-sama na ng pakiramdam niya. Parang umiikot ang paligid niya. Parang inaantok siya.

Unti-unting dumilim ang pangin niya. Bago pa man ito tuluyang bumalot sa kanya ay nakita pa niya ang nakaputing babae sa tabi ni Meljen. Gusto niyang tawagin ang kaibigan pero hinang-hina na siya. Sa nanlalabong paningin ay nakita pa niya ang malademonyong ngiti ng babaeng nakaputi habang dahan-dahan itong lumalapit sa kanya.

Regalo Para Kay ThessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon