Chapter 28

131 5 1
                                    

Makalipas ang pitong taon...

Napapitlag si Hazel mula sa pagkakaidlip nang maramdamang huminto na ang sinasakyang bus. Naulinigan niya ang sariling nakasandal sa balikat ng katabing estranghero kaya agad siyang nag-sorry dito. Hiyang-hiya siya sa sarili. Bumaba siya ng bus kasabay ng ibang pasahero.

Ang daming taong naglalakad sa terminal. May mga nakatambay din sa mga upuan, naghihintay ng kanilang masasakyan. Mainit at maalimuot. Nahirapan siyang maglakad dahil masikip ang daan. Nag-aala siyang baka aksidente siyang makaapak ng paa o makabangga ng mga gamit na nakahilera sa daanan. Mahigpit din ang yakap niya sa kanyang backpack dahil baka bigla itong mawala o dagitin.

Parang kailan lang nang umalis si Hazel sa bayan upang magpatuloy ng pag-aaral sa ibang lungsod. Sa awa ng Diyos ay nakatapagtapos siya ng pag-aaral at ngayon nga'y isa na siyang ganap na social worker.

Maingay ang paligid ngunit isang boses ang nangibabaw at pumukaw ng kanyang atensyon.

"Hazel! Dito, dali!"

Nakita niya ang kaibigang kumakaway sa may bandang itaas kung saan nakahilera ang mga tindahan ng kakanin at kung anu-anong mga pang-meryenda. Agad nagliwanag ang mukha niya at tinungo ang hagdan. Mahigpit na niyakap nila ang isa't isa. Ilang taon din silang hindi nagkita.

"Welcome back!" ang nagagalak na turan ni Thessa sa kanya. Sa pitong taon niyang pagkawala sa bayang ito ay napansin niya agad ang pag-mature ng mukha nito. Maliwanag man ang mukha nito sa galak na makita siya ulit ay nahahalata pa rin ang stress sa itsura nito. Naiintindihan naman iyon ni Hazel dahil ilang negosyo din ang pinapatakbo ng kaibigan, mga negosyong namana pa nito mula sa mga magulang.

Ganun pa man, natutuwa pa rin siya ngayong makita muli ang kaibigan ng harapan at nayayakap ng mahigpit.

Simula nang mangyari ang mga kababalaghan sa buhay ni Thessa at tulungan ito ni Hazel ay naging malapit na magkakaibigan na ang dalawa. Halos hindi maihiwalay ang dalawa hanggang natapos nila ang highschool. Nang magkolehiyo naman ay magkaiba ang kanilang pinursigeng kurso at napakalayo ng kanilang mga paaralan sa isa't isa kaya ang tanging naging komunikasyon nila ay sa tulong ng social media.

At sa pitong taon na iyon nga ay hindi na nila napag-usapan pang muli ang mga nangyari ng gabing iyon—ang natatanging gabi noong highschool pa sila kung saan pinapauwi niya ang kaluluwa ng kaibigan sa tunay na katawan nito sa tulong na rin ng ilang mga kaibigan.

Naisipan nilang tumambay muna doon ng ilang oras at magkwentuhan. Habang pumipili sila ng mga kakanin sa mga nakahilerang food stall ay natahimik si Hazel. Umupo sila sa may bakanteng upuan at inilatag ang mga pinamiling pagkain sa mesa.

Naisip ni Hazel na panahon na siguro upang ungkatin muli ang mga kaganapan ng gabing iyon sa kanilang paaralan. Panahon na siguro upang komprontahin ang kaibigan nang masagot ang ilang mga tanong na ilang taon nang bumabagabag sa kanya. Naiintindihan niyang gusto nang makalimot ng kaibigan.

Ang totoo niyan, lahat sila ay gusto nang ibaon ang lahat sa limot. Nang maidala nila si June sa hospital at nalaman ng mga magulang nito ang nangyari sa binata ay hindi na nila ito nakita pang muli. Dinala ito ng mga magulang sa ibang bansa at ang huli nilang balita dito ay maayos na ang kalagayan nito at doon na sa ibang bansa nagpatuloy ng pag-aaral.

Si Aaron naman ay nanatiling tahimik at ni-minsan ay hindi binanggit ang mga nangyari ng mahiwagang gabing iyon. Sa ilang buwan nilang magkasama sa classroom ay hindi na niya ito nakausap pang muli. Ang huli nilang balita dito ay nakapagtapos din ito ng pag-aaral sa ibang bansa.

Si Marco naman, ang huling pag-uusap nila ay sa hospital kung saan nila dinala ang sugatang si June na sinaksak ni Thessa. Hawak nito ang figurine at tiniyak siya nito na ito na ang bahala sa delikadong bagay na iyon. Iyon na rin ang huli nilang pagkikita.

Regalo Para Kay ThessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon