Chapter 1

2.7K 107 13
                                    

Nagkakasiyahan sa malaking bahay ng mga Morteza. Paroo't parito ang mga tao na kung hindi man may hawak na platong may lamang pagkain ay may hawak namang baso ng wine o kaya ay softdrinks. Walang tigil ang pagdagsa ng mga tao. Umabot na sa kabilang kanto ang mga nakaparadang sasakyan kaya naman todo sa pag-secure ang mga may-ari ng mga ito bago iwan.

Napakaraming bisita. Mayaman kasi ang pamilya Morteza kaya ang daming mga kaibigan. Lahat ng mga kakilala, kaklase, business friends at mga kamag-anak ng mga ito ay dumalo. Pati na rin ang lahat ng mga kapit-bahay ay nakisaya. Walang nagpaiwan sa kani-kanilang mga bahay. Mayaman man o hindi, basta kilala ng pamilya Morteza ay imbitado.

Busy ang mga kusinera sa pagluluto sa malaking kusina samantalang hindi naman magkamayaw sa pagdagdag ng mga pagkain sa mahabang mesa ang mga katulong para sa hindi pa rin maubos-ubos na mga tao.

Busy rin sa pag-i-entertain ng mga bisita sina Mr. and Mrs. Morteza na hindi na napansin pa ng mga ito kung nasaan na ang kanilang unica ija na siyang birthday celebrant ng gabing iyon.

Sa bungad ng malaking bahay ay sabay na pumasok ang dalawang babae.

Ang isa ay balingkinitan, nakasuot ng blue cocktail dress, blue heels, at may dalang white purse. Maayos na naka-pigtail ang kulot na buhok nito kaya maaliwalas ang mukha dahilan para mas lalong lumabas ang taglay nitong ganda.

Ang isa naman ay matangkad, nakasuot ng black skinny jeans at off shoulder na damit. Bagsak at nakalugay ang buhok nito at mas lalo pa itong tumangkad sa suot na heels. May dala naman itong regalo.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ng dalawa ay nilapitan agad sila ng birthday celebrant. Nakasuot ito ng coral dress na binagayan ng peach-colored heels. Naka-braid ang buhok na pa-headband at ang natitirang buhok ay nakalugay. Mas lumitaw ang ganda nito sa gabi nito.

Agad nagbatian ang mga ito at nagbeso-beso.

"Akala ko talaga hindi na kayo darating. Ba't naman ang tagal ninyo?" bungad na tanong agad ng birthday celebrant na si Thessa Morteza.

Bahagyang natawa ang dalawang bagong dating.

"Well, sorry. Medyo nagkaaberya lang sa pag-park ng car. You know na, I'm still practicing that stuff." sagot ng naka-off shoulder na si CK.

"Yeah. I know na kanina mo pa kami hinihintay." sagot din ng naka-blue cocktail dress na si Meljen na napapabuntong-hininga, "'Eto kasing si CK, pinilit pa akong sa kanya na raw ako sumakay para mas mabilis kaming makarating dito. Pero nung pinapa-start na ang kotse, hindi naman maalala kung alin ang uunahin. Buti nalang talaga at medyo may alam ako. Tapos nung nag-park naman, hindi alam kung saan at paano ipa-park. Basta sa sobrang dami ng nakaparadang sasakyan dito sa inyo, doon na kami nakapag-park sa kabilang kanto kaya naman naglakad pa kami papunta rito."

"Ba't hindi niyo ako tinawagan o kaya t-in-ext? Sinalubong ko na sana kayo." pag-aalala ni Thessa sa mga kaibigan.

"Hindi na kailangan. Okay lang naman na kami. 'Di ba Meljen?" nakangiting saad ni CK.

"Duh! Hindi kaya." pabirong sagot naman ni Meljen kaya natawa nalang si Thessa.

"Anyway Thess, happy birthday! At last, seventeen ka na rin! Magkakaedad na tayong tatlo! At dahil diyan, here's my most beautiful gift for you." bati ni CK rito sabay abot ng dala nitong puting kahon na may mga disenyong balloons and cakes.

"Wow thank you CK! Anong laman nito?" nae-excite na sambit ni Thessa.

"That's a secret, of course." ngiting-ngiting sagot nito.

Napatingin naman si Thessa kay Meljen at pabirong tinaasan ito ng kilay. "Nasaan ang gift ko?"

Pabiro namang humawak si Meljen sa tiyan nito at pilit inilihis ang paksa, "Alam niyo nagugutom na ako talaga. Tara kain na tayo?"

Regalo Para Kay ThessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon