Chapter 16

1.1K 50 6
                                    

Takbuhan ang magkakaibigan pagkarating na pagkarating pa lang sa hospital kung saan naka-confine si CK. Pareho silang kinakabahan maliban kay Aaron na nalilito na sa kinikilos ng dalawang kasama.

"Saang room ba naka-confine si CK?" tanong ni Thessa kay Hazel.

"Dito dali!" nanguna ito sa kanila sa pagtakbo. Dumiretso sila at lumiko pagkarating sa dulo.

Tumigil sila sa tapat ng isang pintuan. Room 24 ang nakalagay sa pinto. Nagkatinginan sina Hazel at Thessa. Parang iisa lang ang nasa isipan nila.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Thessa. Kahit kinakabahan ay dali-daling binuksan niya ang pinto.

At ganun nalang ang pagkaalarma nila nang makitang nakaratay sa hospital bed si CK at nahihirapang huminga. Sa isang sulok ay tulog na tulog ang ina nito. Halatang ilang araw at gabi rin itong hindi natulog. Hindi man lang ito naalimpungatan sa ingay nila.

"CK!" agad nilapitan ni Thessa ang kaibigan. "Aaron tumawag ka ng doctor! Bilis!"

Agad napatakbo ang binata para tumawag ng doctor. Kung hindi lang sumigaw si Thessa ay hindi nito alam ang gagawin. Dahil sa pagkabigla at awa sa itsura ni CK ay parang nag-panic ito.

"CK! Anong nangyayari sa 'yo?" panay ang yugyog ni Thessa sa kaibigan. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin.

Bigla ay may nahagip ang kamay niya sa may braso ng kaibigan. Kinuha niya ito at kunot-noong napatingin kay Hazel na noon ay nananatiling nakatayo sa may pintuan. Namumutla ito at parang napako na doon. Hindi ito nakatingin sa kanya at mas lalong hindi rin nakatingin kay CK. Parang may tinitingnan ito sa likuran niya na hindi niya nakikita.

"Hazel, bakit nandito 'to?" kunot-noong tanong niya rito sabay pakita ng figurine na siyang nahagip ng kamay niya sa may braso ng kaibigan.

Parang noon lang nabalik sa sarili si Hazel. Hindi siya makagalaw dahil kitang-kita niya ang babaeng nakaputi na sinasakal si CK. Hindi niya alam ang gagawin! Kataka-taka rin na parang hindi ito nakikita ni Thessa.

Muli siyang napatingin sa kaibigan at nakita ang hawak nito.

Paano napunta doon ang figurine?

Saka niya naalala ang pagkalaglag ng bag niya sa mall. Nagkalat ang mga gamit niya noon at hindi man lang niya napansin ang figurine. Napasampal siya sa sarili. Ang tanga niya!

Nilapitan ni Thessa ang ina ni CK sa sulok at ginising ito.

"Anong nangyayari?" naalimpungatang tanong ng ina nito.

"Tita, nahihirapan pong huminga si CK."

"Ano?" mabilis itong lumapit sa anak. "Anak, anong nangyayari sa 'yo? Gumising ka!"

Siya namang dating ni Aaron kasama ang doctor at iilang mga nurse. Agad silang pinalabas ng mga ito at sinarado ang pinto.

Panay ang hagulhol ng iyak ng ina ni CK pagkalabas nila. Hindi ito mapirmi. Nakasalikop ang dalawang kamay nito at panay ang pagdarasal.

Awang-awa si Thessa sa ginang. Gusto niyang yakapin ito pero nauunahan siya ng hiya at guilt dahil alam niyang siya ang may kagagawan kung bakit nagkaganun ang anak nito.

Bakit ba kasi nangyayari ito sa kanila? Ano bang nagawa niya at kailangan pang madamay ang mga kaibigan niya?

Naramdaman niya ang pagyakap ni Aaron sa kanya. Dama niya ang pag-aalala nito para sa kanya.

"Tahan na Thess. Magiging okay rin ang lahat." mahinang sambit nito. Doon na bumigay ang lahat ng emosyon niya. Ang awa, ang guilt, ang takot, ang galit sa sarili. Halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon.

Regalo Para Kay ThessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon