Chapter 1

804 11 0
                                    

"Demonstrated to mother on how to cook the baby while on breastfeeding. Really? Nurse, Iya? Lulutuin ng nanay iyong baby niya?" sarkastikong tanong ng Head Nurse sa akin pagkatapos niyang basahin ang isa sa nurses notes na sinulat ko.

Narito kami ngayon sa Nurse Station ng Birthing Floor ng Pangasinan Medical Center. Kasama ko sina KC at Margaux, mga kaibigan ko at kapwa ko intern.

Pare-pareho kaming nakatayo sa harap ng Head Nurse. Iniisa-isa niya ang mga kapalpakan namin sa buong linggong duty namin. Ang dami niyang sinabi. Parang wala siyang pinalampas ni isa. Ako itong huli niyang ini-evaluate at ako rin iyong may pinakamaraming kapalpakan at lutang moments.

"Nasaan ba ang utak mo nang sinusulat mo 'tong notes na 'to, ha nurse Iya? Nasa kusina ka? Nagluluto? E di dapat pala Culinary Arts kinuha mo o di kaya'y HRM tutal ilang ulit ka ng nakabanggit ng tungkol sa pagluluto sa notes mo!" kalmadong aniya pero damang-dama ko ang sipa ng galit at iritasyon niya sa'kin.

Napapikit ako ng mariin at mas lalong yumuko. "S-sorry po," sambit ko. Wala naman na akong ibang pwedeng i-rason kasi wala namang sapat na rason para roon sa mga kapalpakan ko.

Aaminin kong madalas akong lutang simula noong nag-umpisa ang internship namin. Palagi akong kulang sa tulog at ramdam ko talaga palagi ang pagod ko kaya heto ako at palagi ring pumapalpak.

"Walang sorry-sorry sa medical field! Tandaan niyo, buhay ng tao ang hawak natin dito! We should offer the best health care service! Bawal ang tatamad-tamad!" Humarap siya kay KC nang sabihin niya 'yon. "Bawal ang puro pa-cute lang sa doctor!" Humarap naman siya kay Margaux sa linya niyang 'yon. "At bawal ang palpak!" Sa akin naman niya sinabi iyong huling linya.

"I am disappointed of you three! You should learn from your mistakes and never, ever do it again! Understood?" aniya. Sabay-sabay naman kaming samagot ng mga kasama ko ng 'Yes, Chief'. She heaved a violent sigh then she stood up. "Hay naku! Mas lalo akong tumatanda sa inyo!" sabi niya bago nagmartsa paalis.

"T-thank you, Chief," sabay-sabay pa rin naming sambit ng mga kaibigan ko pag-alis niya. Napasalampak kami sa mga upuan nang makita naming pumasok na sa sleeping quarters ang head namin.

Napabuga na lang ako ng buntong-hininga. Nananakit na ang sentido ko. Inaantok na kasi talaga ako. Tatlong oras lang ang tulog ko bago ang duty'ng 'to. At pasado alas-dos pa lang ng madaling araw. Mamayang alas-kwatro pa ang end ng duty naming tatlo. Pagod na pagod at antok na antok na talaga ako.

"Sana all makaka-siesta na," sabi ni KC habang kinakamot ang tenga niya. Si Margaux naman ay abala sa cellphone niya. May ka-text kahit ganitong oras. Tyaka kahit bawal sa amin ang nagce-cellphone during duty, nakakalusot pa rin siya. Kakaiba rin.

"Inaantok na rin ako," sabi ko at sinandal ang likod sa backrest ng upuan. Pwedeng-pwede naman kaming umidlip ngayon e dahil halos wala kaming rounds kapag ganitong oras. Mamayang past 3AM pa iyong next sched na nasa notes ko. Kaso kapag nakita kami ng head namin na natutulog dito, pagagalitan kami. Bibigyan na naman niya kami ng pagkahaba-habang sermon.

Although dedicated RN in the making naman kami, hindi pa rin kami mga superwoman. Tyaka iyong regular nurses naman pinapayagang umidlip dito kapag ganitong oras at walang rounds, pero bakit kaming mga intern ay hindi pwede?

"Palagi kang inaantok, bakla kaya palagi ka ring lutang!" sabi ni KC.

"Totoo 'yan! 'Di ka ba pinapagpahinga ni fafa Kael?" tanong naman ni Margaux. Pinatong niya ang cellphone niya sa may counter. Nasa amin na ang attention niya.

Sinimangutan ko na lang ang dalawa kong kaibigan. Kung alam lang nila. Gayunpaman, tuwing naiisip ko siya, napapangiti ako kahit anong pagod at antok ko!

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon