Chapter 21

205 8 2
                                    

My husband has been busy for almost a month already. Nalaman ko lang lately na may kinakaharap na crisis iyong isa sa mga negosyo nila at may malaki silang investor na nagpull out ng investment dahil baka raw malugi lang iyong kompanya sa kamay ng asawa ko.

But I believe in him. Alam kong hindi hahayaan ni Kael na bumagsak lang iyong negosyong pinaghirapan ng lolo at lola niya. Pagsubok lang iyon sa kompanya nila at alam kong kayang-kaya niya iyong lampasan.

Iniisip ko kung paano ako makakatulong sa kanya kahit sa maliit na paraan lang. Kaya naman kahit abala rin ako sa pagre-review, naghahatid ako ng lunch niya sa opisina. Gusto ko sanang sabayan siya sa pagkain kaso sabi ng sekretarya niya na madalas ay ayaw paistorbo ng asawa ko kahit na lunch break na.

Kaya naman iniiwan ko na lang iyon kay Raymond, iyong sekretarya ng asawa ko. And I am making him commit to make sure that my husband is really eating the food I bring.

"Sumabay ka rin sa aming kumain, Iya," sabi ni KC nang matapos ang morning lecture namin.

I gave him an apologetic smile. Nagmamadali akong ilagay iyong mga reviewer at highlighters sa bag ko. Dadaan pa kasi ako sa Fine and Dine para i-pick up iyong order kong lunch para sa asawa ko.

"Sorry na, bakz. Promise, babawi ako sa susunod."

Umikot ang mga mata ng bakla. "Ilang linggo mo ng linya 'yan pero hanggang ngayon hindi ka pa rin bumabawi," nagtatampong aniya.

"Kaya nga, bakz. Ilang linggo ka na kayang hindi sumasabay sa amin," si Marg.

I gave my friends a tight hug. "Sorry na. Hmm? Promise, babawi talaga ako. Kailangan lang kasi talaga ako ng asawa ko ngayon."

Hindi naman ako matitiis ng mga kaibigan ko kaya naman hinahayaan na lang nila ako sa kailangan kong gawin.

"Hatid na kita, Gianna," alok ni Charles pero tumanggi na ako. Madalas akong ma-late sa afternoon lecture dahil nai-stuck ako sa traffic. Nadamay na siya minsan dahil hinatid niya ako. Ayoko ng maulit ulit 'yon.

"Hindi na, Charles," tanggi ko. "At saka mabilis lang din naman ako." I waved my hands to my friends. I ran myself out and I immediately hailed a cab outside the center.

"Pwede namang kami na ang magdeliver nito sa opisina ng asawa mo, Gianna," sabi ni chef Aileen.

"Okay lang po, chef. Gusto ko rin po kasing ako ang maghatid nitong pagkain doon."

Malawak siyang ngumiti. "Ang swerte talaga ng asawa mo sa'yo, Iya. Napakaganda mo na nga tas napakabait mo pa. Wala na siyang ibang hahanapin pa sa'yo."

Ngumiti ako sa kanya. "Lumalaki na ulo ko niyan, chef e."

"Totoo naman kasi. Kakaunti na lang ang tulad mo. Maswerte siyang napunta ka sa kanya."

If only my husband looks at me the same kaso hindi pa rin. At parang nawawalan na nga ako ng pag-asang darating pa ang araw na 'yon.

Ano ka ba, Gianna? Bakit ka pinanghihinaan ng loob? Be positive!

"Kakaunti na lang po tayo?" biro ko kay chef.

Tumawa siya. "Tama ka. Kakaunti na lang tayo."

Nasa daan pa lang ako patungo sa office building ng kompanya nila Kael ay nagtext na sa akin si Raymond na hindi gaanong abala ngayong lunch time ang asawa ko. May tinatapos lang siyang meeting pero hindi naman na raw iyon magtatagal. Kaya naman kinuha ko ang opportunity na iyon para masabayan siya sa pagkain.

"Patapos na po iyong meeting ng asawa niyo, Mrs. Ayson. Wala siyang ibang meeting pagkatapos niyan," bungad sa akin ni Raymond paglapit ko sa table niya. Nasa bandang kaliwa ng palapag ang malaking opisina ni Kael. Nasa parehong palapag ang department ng accounting. Nasa gawing kanan ng palapag iyon. Nase-separate lang ito ng salamin.

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon