Chapter 43

265 10 1
                                    

"Masyado naman atang revealing ang gown na 'to, Marg! Halos labas na ang kaluluwa ko!"

Pilit kong tinataas ang tube line ng suot ko. It is in deep red—iyong requested color ni Bry. Hanggang kalahati ng mga hita ko ang haba ng main dress pero nagmumukha itong gown dahil sa sweep niya na abot na sa sahig ang haba.

Ayos lang naman iyong lower part ng gown, masyado lang talagang mababa iyong tube line niya. Halos lumuwa na ang dibdib ko.

"Ano ka ba, doktora?! Trend 'yan! Harap ka sa'kin para sa finishing touch ko sa makeup mo."

Hinawakan ni Marg ang chin ko at pilit na hinarap sa kanya. Pinaraanan niya ng powder brush ang magkabilang pisngi ko pagkatapos ay nilagyan ang mukha ko ng setting spray.

"Hindi ba 'to nakakahiya, Marg? Baka mamaya agaw eksena ako roon sa suot ko." I am worried. First time kong dumalo sa ganoong klase ng party. Hindi naman kasi active talaga sa mga ganoong pagtitipon sina Kael at lola Antonia noon kahit pa kasama sila sa circle ng mga alta. They prefer attending intimate parties.

It has been five days since my encounter with Kael. Hindi ko napigilang ipamukha sa kanya ang nararamdaman ko no'n. Nadala ako ng emosyon ko. Pero hindi ko pinagsisisihang nasabi ko ang mga bagay na iyon sa kanya. Ilang taong kong kinimkim 'yon. Wala siyang ideya sa pinagdaanan at naramdaman ko ng maraming taon nang dahil sa kanya.

Pero hindi rin mawala sa isipan ko iyong sinabi niyang no'ng araw na iyon.

"Hindi ko na maibabalik ang mga maling desisyon ko noon pero please, give me another chance to make it up to you."

I shook my head. No, Gianna! Don't let those words get into your head!

"Ano ka ba, Iya! Huwag ka ngang malikot!" pagalit na sabi ni Marg nang umiling ako.

Hindi ko nabanggit sa kanya o kay KC ang patungkol doon sa nangyari. I am just keeping everything to myself.

"At saka huwag kang mag-alala, doktora. Hindi lang ikaw ang maganda roon. Huwag kang assuming masyado." Inaayos ni Marg ang big loose curls ng buhok ko pagkatapos ay ngumisi sa akin. "Pero sigurado akong dalawang lalaki ang maglalaway sa'yo ngayong gabi."

Ugh! Letcheng Marg 'to!

"Kami lang ni Bryon ang dadalo, Marg. Wala siya roon. Wala siyang interest sa ganoong klase ng parties."

Wala pa siyang binabanggit na pangalan ay alam ko na kung sinong tinutukoy niya. She and her husband have been teasing me about my ex-husband. Parang wala silang alam sa mga pinagdaanan ko noon sa kanya kung makatukso sila.

"'Di mo sure! Baka mamaya e magulat ka na lang na naroon din pala siya. And worst, may date palang iba." Marg clenched her chest like she's hurt or what. "Ouch! Pain! Sakit! Pait! Pighati! Dalamhati!"

I rolled my eyes and tried to up my dress pero pinalo ni Marg ang kamay ko.

"Nalalaglag na, Margaux!"

"Hindi 'yan malalaglag! Baka boxers at panga pa ni fafa Kael ang malaglag kapag nasilayan 'yan!" aniya sabay turo sa dibdib ko. Pinalo ko rin ang daliri niya.

"Baliw ka!"

Mas lumawak ang ngisi niya. "Hindi ako ang baliw dito, bakla. Iyong makakakita sa'yo mamaya ang tiyak na mababaliw."

Inirapan ko na lang ulit siya. I took my clutch bag on the bed. I shook my head in disbelief as I headed out of my room. Diretso lang ako sa sala. Naroon sina Bryon at Mikael, naglalaro ng X-box—regalo ni Bry sa anak ko no'ng kaarawan niya.

"Let's go?" pagtawag pansin ko kay Bryon. "Mikael, behave ka rito okay?"

Tumakbo palapit sa akin ang anak ko at niyakap ako sa beywang. He was smiling brightly and widely at me as he was staring up at me.

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon