Chapter 29

298 8 0
                                    

One last week. Is it too much to ask?

Siguro nga napaka-selfish ko na manatili pa sa tabi niya ng isang linggo at hilingin pang maging asawa siya sa'kin sa kabila ng ilang taong pagpapakita niya ng tunay niyang intensyon. Ayoko lang namang hindi maganda ang lahat ng alaalang babaunin ko sa tuluyan naming paghihiwalay. At kahit papaano'y gusto kong makita ni mamita na may isang linggong totoong naging masaya ako sa buhay may-asawa ko.

I am now fully aware that I invested my heart in a losing battle. Sa katunayan, hindi pa nag-uumpisa ang laban ay talong-talo na ako. Pero pinili ko pa ring lumaban—umasang balang araw masusuklian din ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya. I did that for numerous years. Pero bukas na ang isip ko ngayon. The only thing I need to do now is to accept that everything between me and Kael will soon end.

One week. One last week. Then he'll finally have his freedom.

"Where are you going?" tanong ni Kael nang maglakad na ako patungo sa kwarto ko. I look at him over my shoulder. I pointed my room at him like I am telling him the obvious.

"Sa kwarto ko," sagot ko.

"Married couple don't stay in separate rooms," sabi niya at humakbang palapit sa akin. Napigil ko ang paghinga ko nang sobrang lapit na niya sa'kin. "You should sleep in our room." Nakatingin lamang siya sa mga mata ko at para akong nalalasing doon.

Imagine how ironic it is. Hindi ako nalasing sa alak pero nalalasing ako sa titig ng asawa ko.

Asawa ko. I should make the best of my one last week with my husband. Dahil pagkatapos nito, tuluyan na siyang malaya sa'kin.

Tumango ako. "Magpapalit lang ako sa kwarto. Susunod na ako roon mamaya."

"Just get your things transferred in the master's bedroom."

Kapag ginawa kong maglipat pa ng gamit, masasayang lang ang ilang oras sa natitirang isang linggo ko. I have no plans on doing it. Gayunpaman, tumango pa rin ako sa kanya.

"Okay," sabi ko, halos pabulong na iyon.

Kumuha lamang ako ng ilang pares ng damit ko, shampoo, at shower gel sa kwarto ko. Dala-dala ko iyon sa bisig ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto ni Kael. He instantly opens it. Bumaba ang tingin niya sa dala ko. Kinuha niya iyon mula sa akin pagkatapos ay niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

He brought my clothes in the walk-in closet. Nakasunod lang ako sa kanya. May malaking parte roon sa cabinet ng mga damit ang walang laman. Nilagay niya iyong mga damit ko roon.

"Fill this space with your things," aniya at humarap sa'kin. "This is yours."

Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko na napigilan pang iyakap ang mga braso ko sa beywang niya. I inhaled his chest and familiarized my every nerve with his scent.

I should enjoy this while it lasts.

"I love you," bulong ko. His breathing itches a bit but eventually, naramdaman ko ang pagyakap ng mainit niyang mga bisig sa akin. I smiled at myself. Being selfish for the last time isn't bad at my part. Pero sana maintindihan ako ni Kael. Sana hayaan lang niya akong gawin ang lahat sa huling linggo ko bilang asawa niya.

Hinayaan niya akong mauna sa paggamit ng banyo. I stare at his personal things in the hanging cabinet. I open one of his shower gels and smell it. Isa ito sa components ng mabangong amoy niya na gustong-gusto ko.

I will surely miss his smell, too.

Naabutan kong nakaupo si Kael sa kama paglabas ko ng banyo. I am already wearing my Scooby Doo printed pajama.

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon