Chapter 44

277 8 1
                                    

After the painting was sold to Kael, Bryon walked out. Hindi ko na siya nagawang sundan dahil sa bilis niyang naglakad paalis ng ballroom.

I looked at Kael. He was still staring at me. Hindi tulad kanina na may makikita kang nakakalokong ngisi sa labi niya, ngayon ay seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Woah, Kael! That was intense! 100 million for a painting?! Ikaw na talaga ang mayaman!" tuwang-tuwang sabi ni Tori.

Bumaling si Kael sa kanya at ngumiti. "Of course, Tori! Everything," aniya at bumaling muli sa akin. "For you."

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko. Isang daang milyon para sa isang painting na ibibigay niya sa ka-date niya?!

Tss! Napakayabang... I mean napakayaman talaga niya.

Nagpatuloy ang party after ng auction. Mabilis lang na nagpasalamat ang main organizer ng event at nagpatuloy na ulit ang pagserve ng mga mamahaling inumin at pagkain sa lahat ng guests.

Mabilis akong umalis sa mesa namin para hanapin si Bryon. Hindi pa rin siya bumabalik mula pa kanina. Imposible namang umuwi na siya. Magti-text 'yon kung sakali. Nagtext na rin ako sa number niya pero wala siyang reply. I tried to call his number, too but it just kept on ringing on the other line.

I kept on looking for him until his mother and titas blocked me.

"Where is Bryon?" tanong ng mama niya.

"Hindi ko rin po alam, tita. Hinahanap ko pa rin po siya."

She rolled her eyes and she stepped towards me. "Pinahiya mo ang anak ko sa maraming tao. Masaya ka na ba sa ginawa mo?"

Kumunot ang noo ko. "I... don't get what you are talking about, madam."

She smirked. "Stop playing innocent, Iya. You forced my son to buy you the painting, isn't it?"

What? Alright, I liked the painting and I told him about that. But forced? Pinilit si Bry makipag-bid sa painting para sa akin? Wrong information ata ang nasagap niya?

"I didn't force Bryon to bid—"

"Oh, come on!" she said, cutting me off. "You are a doctor, but I know how opportunist you are."

What. The. Fuck.

"Mawalang-galang na po madam pero hindi po ako oportunista."

"Really?" Bry's aunt butted in. "Hindi ka oportunista sa lagay na 'yan ha? My nephew bought you the house where you are staying now! You are enjoying his money!"

What the hell?! Naka-drugs ba ang mga 'to? Hindi nila alam ang mga pinagsasabi nila!

"Excuse me, ma'am but I bought my house using my own money."

Umiling siya at humalukipkip. Ganoon din ang mama ni Bry at ang iba pa niyang mga tita. Nagsilapitan na rin ang mga pinsan niya at lahat sila ay mariin ang titig sa akin.

"Stop lying. Sa Netherlands pa lang ay ginagatasan mo na ng pera ang anak ko! Pati ang mama ko! Napakagaling mo naman na pati ang clinic ni mama ay napunta sa'yo!"

I already lost control. These people don't know what they are talking about!

"Wala akong kinukuha o hinihinging kahit na ano sa anak niyo, madam. Lalo na kay lola Viena," I snapped.

"What a lying bitch!" one of Bry's cousins rammed in. "You are a fucking social climber! Nagawa mo pang magpabili ng painting? Nakakahiya ka naman, doktora? Wala kang pera?"

Oh my god! What's wrong with these people?! What kind of abomination are they throwing at me?

"Don't say things you have no idea about—"

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon