Chapter 6

174 10 2
                                    

Hindi ako umuwi sa bahay. Nagdrive lang ako palayo sa Prima at pinark ang sasakyan ko sa harap ng isang 24-hour convenience store. Walang ibang tao roon dahil alas-tres y media na ng umaga kaya naman nagpasya akong bumili ng tubig at maupo sa pinakadulong table sa labas ng store.

Malamig ang hangin. I could feel the cold breeze of the wind blowing against my skin since I am just wearing a thin, pink shirt. Pero hindi ko nagagawang indahin iyong lamig dahil walang-wala iyon sa lamig na pinaramdam sa akin ni Kael kanina.

Nakatingin lamang ako sa magkasalikop kong mga kamay na nakapatong sa mesa. I could still picture how hard I cried in front of the elevator a while ago. Ilang minuto rin akong nakatayo roon, habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko iyong itsura ni Kael kasama iyong babae.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Pumikit ako ng mariin at sinandal ang ulo sa magkasalikop kong mga kamay. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit ganito ang nararanasan ko sa lalaking pakakasalan ko.

Pwede niya bang sagutin iyong mga bakit ko? Para naman sana maintindihan ko. Ang sakit-sakit kasi.

Pero kahit anong sakit, mahal na mahal ko pa rin siya.

Tama nga talaga ang mga kaibigan ko. Marupok at tanga ako sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.

Nanatili ako roon ng halos isang oras. Nang dumarami na ang sasakyang dumaraan ay nagpasya akong bumalik ng sasakyan.

I checked my face on the rearview mirror. I looked like a mess. Parang may stye iyong mga mata ko. Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito ang hitsura. Magtatanong si mamita. At hindi na niya kailangang malaman kung anong nangyari noong nagdaang gabi.

I booked a room in a hotel to sleep even just for a few hours. At para na rin mawala o kahit mabawasan man lang iyong pamamaga ng mga mata ko. Wala akong dalang damit dahil inexpect kong sa condo ni Kael ako matutulog.

Pero... ibang babae ang natulog doon kasama siya.

Pinilig ko ng mariin ang ulo ko nang maisip ko ang posibleng ginawa niya roon kasama iyong babae. I patted my heart and sighed a deep breath.

"Okay lang 'yan, Gianna. Okay ka lang," sabi ko, pumiyok pa ang boses ko dahil sa nagbabadya na namang pagbagsak ng mga luha.

Pumasok na lang ako sa loob ng banyo, inalis ko lahat ng saplot ko at tinapat ang katawan sa malamig na tubig na nagmumula sa shower. I am silently praying that this could help to ease the pain I am feeling inside.

But truth be told, to no avail. Nagsuot na lang ako ng bathrobe at nahiga sa kama. Sinubukan kong itawag sa laundry service ng hotel iyong mga damit ko. They already picked it up and they promised to ready it by 10AM.

Humiga ako sa kama, pinipilit ang sariling matulog. Halos tatlong araw na akong walang tulog at pagod na pagod ako kaya kasama ng sakit ng puso ko, nakatulog naman ako ng ilang oras.

Hindi na gaanong namamaga ang mga mata ko nang magising ako. Kung hindi dahil sa pag-ring ng doorbell para sa mga bagong labang damit ko ay hindi ako magigising. Inayos ko na ang sarili para makauwi na muna sa bahay.

May dinner date kami ni Kael mamayang 6:30PM. Iyon 'yong ni-reserve ng lola niya. Sobrang excited ako roon nitong mga nakaraang araw pero pagkatapos ng nangyari kagabi, parang ayoko ng magpunta. Parang hindi pa ako handang harapin siya.

"Tawagan ko kaya si lola Antonia at sabihing may sakit ako kaya huwag na lang ituloy iyong dinner date?" tanong ko sa sarili habang nakaharap ako sa malaking salamin sa banyo.

I am already dressed. May concealer akong dala sa bag kaya naitago noon iyong eye bags ko. Main character kasi itong mga eyebags ko sa araw-araw, lalo na ngayon. Iyon ang dahilan kung bakit ako hindi nawawalan ng concealer sa bag. At gamit na gamit ko siya ngayon.

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon