Chapter 49

301 8 0
                                    

"Saan ang kwarto mo, Kael?"

I am already frustrated. Hindi ko alam kung anong meron doon sa bomb drink na ininom niya at ganito siya kalasing. I am sure the drink wasn't drugged because hello? We're all working in a medical field. Kaya sino ang ulol na gagawa no'n at isasaalang-alang ang lisensyang maraming taong pinaghirapan? But still, I have no idea what kind of poisonous shit they put in the drink.

Kael is wasted. Kahit si KC na medyo may kalakihan na ang katawan ay hirap sa pag-alalay sa kanya. Ilang ulit pa silang natumba kanina dahil hindi na mabalanse ni Kael ang sarili niya.

"Magtanong muna ako sa receptionist," sabi ko kay KC pero agad niya akong pinigil.

"Huwag na, bakz. Alam ko kung saan ang kwarto niya."

Tumulong ako sa pag-alalay kay Kael. Paakyat kami ng hagdan at medyo worried ako na baka mamaya ay sama-sama kaming gumulong pababa.

"You smell so fucking good, wife," sabi ni Kael pagkatapos ay sininghot ang leeg ko. I flinched a little at gusto ko na lang sabihan si KC na pabayaang gumulong pababa sa hagdan si Kael.

"Umayos ka nga, Kael! Tangina!" angil ko na sa kanya dahil ayaw pa rin niyang paawat sa pagsinghot sa akin. Pero imbes na tumigil ay ngumisi pa siya sa'kin.

"You sound really hot when you cuss, wifey."

Bwisit na Kael 'to! Hindi na lang siya manahimik!

"Tinamaan ng malupit 'tong asawa mo sa'yo, Iya," sabi ni KC.

Tsk! Isa pa 'to! Siya ang may kasalanan kung bakit humantong sa ganito e! Kung hindi niya kinain iyong mahaba pang tissue ay hindi babagsak kay Kael iyong bomba. At hindi rin niya ako maha... halikan!

Hindi naman tuluyang naglapat ang mga labi namin pero maikokonsidera ko pa ring halik iyon. At iba ang naging epekto no'n sa'kin. Parang nakuryente ang buong katawan ko. At tinatraydor ako ng puso ko.

"Alam mo, KC... tinamaan talaga ako sa asawa ko noon pa. Gago lang kasi talaga ako," namamaos na sabi ni Kael. Halatang-halata na ang kalasingan sa tinig niya at namumungay na rin ang mga mata.

"Bakit ka kasi nagpakagago?" tanong pa ni KC.

"KC! Huwag ka ng magtatanong!" angil ko sa kaibigan. Ayokong pinag-uusapan pa nila ang nakaraan. Ayoko ng marinig pa iyon.

Nakahinga ako ng maluwag nang marating namin ang second floor.

"I have the most stupid reason. And I am very... very... sorry," si Kael.

"Saan ba ang kwarto nito, KC?" tanong ko sa kaibigan para hindi na niya magatungan pa ang kung anong sasabihin ni Kael.

I don't know what he meant by his stupid reason, but either way, gago pa rin siya. And that wouldn't change the fact that he took me lightly and neglected me those years that I loved him the most.

"Dito, bakz," aniya.

KC led us the way. Patungo rin iyon sa kwartong tutuluyan ko. But my eyes widened a fragment when we stopped in front of room 209—my room!

"Ginagago mo ba ako, KC?" tanong ko sa kaibigan ko pero ngumisi lang siya sa'kin. "Saan ang kwarto niya, KC?" Halos isigaw ko na iyon sa kanya dahil hindi na lang niya ako sagutin ng diretso.

"This is our room, wifey!" Kael butted in.

I squeezed my eyes in frustration. Gusto ko ng matapos 'to. Gusto ko ng madala si Kael sa kwarto niya at makapasok na rin sa kwarto ko parang makapagpahinga. Kaya ano na namang abominasyon itong ginagawa niya?!

"Dito ang kwarto niya, bakz," KC said. He looked apologetic but insincere. Shit! He isn't serious, right? Ginugudtaym lang ata niya ako e!

"Tama na ang kagaguhang 'to, KC. Inaantok na ako. Gusto ko ng magpahinga."

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon