Chapter 23

258 8 3
                                    

"Sa makalawa na ang exam mo, hija. Are you ready for it?" tanong ni lola Antonia. We are here in her mansion for a short visit. She kept on telling me through phone calls that Kael and I should visit her. Madalas hindi nagtatagpo ang schedule namin ni Kael kaya hindi namin siya magawang puntahan. I feel sorry about it kaya naman nag-set na kami ng araw ng asawa ko para mabisita siya.

"Ready na po ako," sagot ko. I attended the review sessions and read and studied my materials religiously. Naguilty kasi ako sa isang araw at kalahati na pagpapaliban ko sa review ko noong nakaraang buwan. Binayaran iyon ng daddy ko tas hindi ko man lang inaayos ang performance ko. Feeling ko napaka-ungrateful kong anak.

Lola Antonia beamed. She held my hand and then she gives it a gentle squeeze. "I know you will ace your exam. Ikaw pa ba," sabi niya sa paraang proud na siya sa akin kahit na hindi pa man ako nakakasa. I just gave her a smile before she looked at Kael who is sitting beside me. "Kaya ikaw Kael, 'wag mong hinahayaang mapagod itong asawa mo. Kailangan nasa maayos siyang estado para sa exam niya."

Tinanguan ng asawa ko si lola. "Well noted, lola," he answered dryly.

Lola Antonia sneered. "Ipagmaneho mo siya paakyat ng Baguio." Doon kasi ang venue ng board examination.

"No, lola. Our family driver will drive for her."

"Ipagmamaneho mo siya, Mikael Adam. Hindi kita tinatanong kung ipagmamaneho mo ba siya," seryosong sabi ni lola.

"I have plenty of appointments that day—"

"Take a couple of days off from work."

"I can't do that. You know I have been courting this Korean investor for expansion—"

"Wala akong pakialam kung sinong Koreano man 'yan! Ang sa akin ay ipagmamaneho mo ang asawa mo sa exam venue niya at mananatili ka roon para samahan siya at siguradong nakakakain siya ng maayos!"

Kael gasped. Bumangon siya mula sa pagkakasandal sa backrest ng couch na inuupuan namin, mukhang handang-handa ng kontrahin si lola Antonia. Pero bago pa sila magtalo ay sumingit na ako sa usapan.

"Okay lang po ako, lola. Malapit lang naman po ang Baguio." Makikisabay na lang ako sa mga kaibigan ko.

"Ay naku, Iya! 'Wag kang masyadong mabait dito sa asawa mo. Kaya tumitigas ang ulo nito dahil palagi mong napagbibigyan."

"Lola—"

Agad na pinutol ni lola ang sasabihin ni Kael. "Bakit? Hindi ba, ha Kael? Palagi kang pinagbibigyan nitong asawa mo! Sabihin mong hindi kung 'di makakatikim ka ng tungkod ko!" Inangat ni lola ang tungkod niya na para bang handa siyang ihampas iyon kay Kael kapag tumanggi pa ito.

I give lola's hand a gentle squeeze, too and I smiled at her reassuringly. "Ayos lang po talaga kung ako lang po ang umakyat ng Baguio para sa exam, lola. At saka abalang-abala po si Kael. He's working hard for your company—"

"Our company, hija," pagtatama sa akin ni lola pero hindi ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin because that company is theirs and it is never mine. At wala akong planong maki-parte roon.

"Kaya 'wag na po natin siyang istorbohin sa trabaho niya. At saka napapagod din po kasi siya," patuloy ko. "Please po. Lola?"

Lola Antonia sighed a deep breath before she shook her head. She looks disappointed.

"Tignan mo nga itong asawa mo, Kael? Ikaw pa ang palagi niyang inaalala. Can't you do the same?"

Kael looked away. Halatang napipikon na rin siya sa lola niya.

Alam kong ayaw naman talaga niya akong ipagmaneho patungo roon at alam ko rin kung gaano siya kaabala. Ayokong maistorbo pa siya. Unti-unti pa lang umaayos ang takbo ng kompanya nila. Ayokong maging dahilan ng pagkakaantala no'n.

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon