Chapter 26

252 9 5
                                    

"I can see that you are still hesitant after what I proposed to you," nakakaintinding sabi ni lola Antonia.

Personal niya akong kinausap tungkol sa nabanggit ni mamita kagabi. Sa totoo lang, kahit na medyo nakampate ako sa sinabi ng mga pinsan, tito at tita ko kagabi na sasamahan nila si lola, hindi pa rin ako open sa fact na iiwan ko si mamita at hindi siya makikita ng ilang buwan o taon dahil sa pag-aaral.

Kaya naman hindi ko magawang sagutin si lola Antonia nang tanungin niya ako tungkol sa kagustuhan ko talaga. Pero kung ako lang, gusto kong dito lang ako sa Pilipinas. Malapit sa mamita ko. But I am also thinking about Kael. I know what he wants.

Kakatapos lamang ng dinner celebration kasama ang family side ni Kael. Lola Antonia wanted it grand, but I pleaded to make it simple. Sobra-sobra na kung gagawin pa nilang magarbo ang lahat at saka nahihiya na rin ako lalo na at ang daming regalong pinadala ni lola kaninang umaga sa bahay.

Huminga ako ng malalim at pinagsalikop ang mga kamay. "Gusto ko po iyong proposal niyo, lola. Hindi naman po lahat nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral sa ibang bansa pero..." I trailed off.

"Pero ano, hija? Go on. Tell me what bothers you."

"Si mamita po. Hindi ko po siya maiwan."

Lola Antonia smiled. "I know that will be your main concern, hija. Nabanggit na rin sa akin ng mamita mo na siya ang pinaka-iniisip mo kung aalis ka kasama ng asawa mo and you make me prouder of you because of that."

"Lola..."

"Hindi lahat ng apo ay katulad mo. Look at Kael. Nag-iisang apo ko na nga lang pero halos hindi pa ako bisitahin. Kung hindi lang dahil sa'yo, hindi ko na mahahagilap ang apo kong 'yon."

"Si Ayla po," wala sa sariling sabi ko. "Hindi po ba niya kayo binibisita?"

Honestly, I was quite surprised when I saw her when she got back from Canada. Ang laki ng pinagbago niya. Halos hindi ko na makita ang trace ng dating Mikayla Alondra sa kanya. At kahit noong nakausap ko siya, hindi na siya iyong dating Ayla na soft spoken at mahiyain. She totally changed.

Lola Antonia looked away and she cleared her throat. "I don't care if she doesn't visit me at all."

"Bakit naman po? Apo niyo rin naman po siya."

Naging seryoso ang maamong mukha ni lola. "Hindi ko siya apo, Gianna. Hindi ko siya kaano-ano. And please, let's not talk about her," she said in a dismissing tone.

Tumango na lamang ako pero ang daming sinasabi ng utak ko. Hindi ganoon ka-close si Kael kay lola Antonia kahit pa sabihing nag-iisang legal na apo lang siya. Pero may nakikita akong rason kung bakit aloof si Kael kay lola. It is because how lola Antonia treats Ayla, the only younger sister of Kael. Parang wala talaga siyang pakialam sa kanya.

"As I was saying, if ayaw mo sa proposition ko, hindi kita pipilitin, hija," patuloy ni lola.

"Sorry po."

"No, hija. Don't be sorry. I am actually happy kasi syempre hindi niyo kailangang malayo ni Kael. At naiinggit ako sa mamita mo na meron siyang apong katulad mo." She is now smiling unlike her serious disposition a while back.

"Thank you po, lola. Pero paano po si Kael?"

"I will explain everything to him, hija. Don't worry. And besides, lugar lang naman ang pinagkaiba kung dito siya mag-aral at hindi sa Chicago. At least, nandito lang siya at magkakasama kayo. And please," she groans. "Bigyan niyo na ako ng apo sa tuhod. It's your almost anniversary!"

I gave her a small smile. I don't know what to say. Inaasahan nilang lahat na magbubuntis na ako pero paano mangyayari iyon e ni hindi pa ako nahahalikan ng asawa ko?

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon