Mag-isa lamang akong nakatayo sa gilid ng isa sa mga canopy na pinatayo sa grounds ng resort kung saan gaganapin ang dalawang araw na team building. I am just being civil to my workmates. Hindi ako nagsasalita kung hindi ako kakausapin. But I am giving my kindest aura to everyone though I kind of felt different.
Nagkaroon talaga ako ng trust issues simula no'ng marinig kong pinag-uusapan ako ng ilang mga katrabaho ko. Ilan sa grupong iyon ay narito ngayon at mayroong ilang pagkakataong nahuhuli ko silang nakatingin sa akin kapagkuwa'y magbubulungan.
So anong iisipin ko? Automatic ng tumatakbo sa isip kong pinag-uusapan nila ako. At malaki ang hinala kong hindi lang sila ang mga taong pinagtsitsismisan ako.
I sighed heavily. Nasaan na ba kasi si KC? Napakatagal naman niyang dumating.
Ginamitan ko ng matinding pagkukumbinse ang kaibigan kong 'yon para lang sumali siya sa batch na 'to. Ayaw sana niya dahil iniisip niya si Marg at ang mga anak nila sa gabing wala siya pero ang asawa niya mismo ang nagtulak sa kanyang sumama. Mabuti na nga lang at sinuportahan ako ni Marg ngayon kaya nagawa niyang pakawalan ang asawa niya ng dalawang araw.
"Alright, doctors and nurses, please settle to your assigned rooms. Mayroon kayong isang oras para gawin ang gusto niyong gawin pagkatapos ay babalik tayo rito para sa unang activity na ating gagawin!" sabi ng sa tingin ko'y assistant ni Dr. Rioflorido, ang may-ari ng The Medical City.
Ito ang unang beses na nakita ko siya ng personal. Buong akala ko ay sobrang intimidating siya dahil hindi lang naman siya businessman kung 'di isa ring scientist at nagmamay-ari pa ng international pharma. Pero sa damit niyang cargo pants at Hawaiian shirt ay mukha siyang very down to earth na tao.
Lahat ay tuwang-tuwang tumango. May may lumapit sa may-ari at nagpasalamat. And iba'y nagpapicture pa sa kanya na para bang isa siyang artista. But of course, that only means that they are just trying to earn some good shots from him.
"Bakla!" pagtawag sa akin ni KC. Kabababa lang niya ng sasakyan niya. Obviously, kararating lang.
Kahit kailan talaga ay perennial late comer ito.
"KC?! You should address her doctor kahit pa friends kayo!" pagtatama ng mama ni KC na hindi ko napansing palapit na sa amin. She's escorting Dr. Rioflorido patungo sa resort villa.
"Sorry, dok. Hello po. Dr. Rioflorido!" bati ni KC. Bumati rin ako sa kanila.
The two dignified doctors greeted us back. Nakangiti lamang kami sa kanila hanggang sa makalayo sila sa amin.
"Ang tagal mo!" angil ko sa kanya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit pagkalapit ko.
"Sorry na. Nasiraan ako ng sasakyan sa Sual pa lang."
"Bakit kasi hindi ka nagpa-check ng makina e aalis ka?"
Sinukbit niya ang backpack sa balikat niya. Naglakad na kami papasok sa main building ng resort.
"Sorry na ha? Hindi ko naman na 'yan naisip dahil anong oras na rin 'yong pangungumbinse mong sumama ako ngayon."
I grinned at him. "Thank you, bakz."
But seriously, I can't thank KC enough for being here. Dahil kung hindi, ewan ko na lang talaga kung paano ko matitiis ang buong dalawang araw na narito ako kasama ang mga hindi ko naman ka-close na mga katrabaho.
"Good morning, sir, ma'am. Welcome to El Pescador!" pagbati sa amin ng mga naroong staffs at receptionist ng resort. I greeted them back with a smile.
"Hello! Dr. Gianna Salazar, please," sabi ko para mahanap na kung saan ang kwarto ko. Bumaling ako kay KC sa bandang likuran ko. "Magkapareho sana tayo ng room, bakz!" sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/279865579-288-k686276.jpg)
BINABASA MO ANG
Even If It Hurts (Completed)
Любовные романыGianna Saroza Salazar receives all the love she needs from the people around her, most especially from her mamita. She feels that she already has everything that she needs. That is why she made it her personal vow to love the people around her, espe...