Chapter 13

176 8 0
                                    

"Don't think of anything aside each other when you're on your honeymoon," istriktong bilin ni lola Antonia. "This should be the most memorable week of your lives as husband and wife. At syempre, dapat pag-uwi niyo may laman na 'yan." Sabay turo niya sa tiyan ko.

I unconsciously held my tummy. I know what they are already expecting from us—they want us pregnant. Pareho sila ni mamita na inaasahang masisilayan na agad ang apo nila sa tuhod.

Tipid akong ngumiti kay lola. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Syempre iyon na rin ang gusto ko, ang mabuntis ako. Pero iyon din ba ang gusto ni Kael? Lalo na ngayong sobrang lamig ng pakikitungo niya sa'kin simula nang ikasal kami?

Noong engaged pa lang kami, malamig na siya sa'kin. Pero kahit papaano ay nadadala lang iyon ng kasungitan niya sa'kin at saka kahit paano'y nararamdaman ko rin ang concern niya sa'kin kahit katiting lang.

Kaso sa tatlong araw namin bilang mag-asawa, he never treated nor talked to me as his wife. Para nga lang akong hangin na dinaraan lang niya.

Tulad na lang kahapon. Natapos ko lahat ng mga dapat kong gawin sa araw na iyon pero mas nauna pa rin akong umuwi kaysa sa kanya. Dumiretso lang siya sa kwarto niya para magpalit at kapagkuwa'y lumabas na naman at hindi ko na namalayan kung anong oras na umuwi. Nakatulog ulit ako sa paghihintay.

He was acting like I don't exist in the big house lola Antonia gifted us. Ngayon ko nga naiisip na sana maliit na lang iyong bahay na binigay sa amin para at least may chance pa na magka-bungguan kami because of the lack of space. Kaso halos hindi na nga siya namamalagi roon, sobrang laki pa ng bahay kaya ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko. Mabuti nga at wala akong nararamdamang multo o kahit ano.

I looked at Kael. He was silently eating his food. Kasama namin ang family ko including dad, tita Tess, Red, and mamita sa bahay. Lola Antonia asked us to accommodate them for a dinner dahil aalis na rin sina dad sa susunod na linggo and apparently, hindi na kami magkikita-kita ulit before they'd leave dahil nasa Mauritius na kami no'n para sa aming honeymoon.

Regalo ng daddy ni Kael ang all expense paid trip na iyon. Isang lingo kaming mananatili roon para... gumawa ng baby.

"Iyon nga rin sana ang gusto ko, Antonia. Iyong mabuntis na itong si Iya. Alam mo na, matanda na tayo. Gusto ko munang makita ang apo natin sa tuhod bago ako mamatay," sabi ni mamita. Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. I don't really like hearing her say things like this. Mabubuhay pa siya ng matagal! I will make sure of that!

"Mama!" sita ni dad sa kanya.

"Mamita naman," sambit ko rin.

Pero si mamita ay napailing lang. "Kayo talagang mag-ama! Matanda na ako. At hindi natin alam ang buhay. At least, ngayon pa lang, alam na talaga ni Iya kung ano na ang natatanging hiling ko," depensa ni mamita. Tumango-tango si lola Antonia na para bang sang-ayon siya sa lahat ng sinasabi ni mamita.

"Matagal ka pang mabubuhay, mama. At saka huwag din nating i-pressure ang dalawa na magkaanak agad. Besides, bata pa sila pareho. Pareho silang 21 pa lang. Mas maigi na maenjoy muna nila ang isa't-isa ng sila lang muna," payo naman ni dad. He smiled at me. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

I also see his point at ang relevance no'n. Pero bahala na talaga kung ano ang ibigay sa amin ng Diyos. Ang hiling ko na muna sa ngayon ay ang ma-build ang relasyon naming mag-asawa. Iyong tignan ako ni Kael bilang asawa niya.

"Hay naku!" Umirap si lola Antonia. "Hindi sa pinipressure namin kayong dalawa pero gusto talaga namin ng mamita mo Iya na makita na ang apo namin sa tuhod! Kaya Kael, apo, galingan mo sa honeymoon niyo!"

Nagtawanan ang lahat ng kapamilya namin. Kahit ang kapatid kong si Red ay natatawa sa usapan ng mga matatanda. Sinabayan ko ang pagtawa nila. Bumaling ako kay Kael pero nanatili siyang seryoso.

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon