Seryosong-seryoso si Mikael habang pinapanood ang clown sa tricks na ginagawa.
"I know where he hid the flower," dinig kong sabi niya kay Jocker, ang classmate at seatmate niya sa klase, kay Kurtis, ang anak nina KC at Marg, sa mga pinsan niyang nanggaling pa ng Urdaneta para maki-celebrate ng birthday niya.
"Where?" Jocker asked. Ang iba nama'y nakatitig sa kanya at nakikinig.
"In his sleeves. I guess he is hiding all of his magic in his sleeves."
Natawa na lamang ako sa observation ng anak ko. Magaling naman iyong clown sa magic tricks niya pero masyado lang siguro talagang keen observer ang anak ko. Mabuti na lang at hindi siya tulad ng ibang batang lantaran talagang pinapahiya iyong clown na nagpeperform sa harap nila.
Nawala ang ngiti ko nang maalala ko na naman siya. I sighed a hard, deep breath and shook my head. Wala dapat siyang puwang sa isip ko.
"Usong maupo, doktora. Kanina ka pa ikot ng ikot e okay naman lahat ng mga bisita ng anak mo," si Marg habang buhat niya si Merlin, ang pangatlo niyang anak. Si KC naman ay abalang hinihele ang bunso nila.
"Okay lang ako. Bakit hindi mo paupuin si Merlin doon para manood ng magic?"
"Hay naku, bakz. Kanina pa 'to sinasapot. Nagkulang sa aruga kaya ayaw pababa."
I laughed. "Hindi mo kasi inaruga."
"Bakz, hindi ko na alam kung sino ang una kong haharapin. Ayaw niya sa tatay niya kapag gabi. Ako lang ang gusto. Syempre breastfeed ako kay Makisig at napakaiyakin sa gabi. Sumasabay pa sa concert ang isang 'to kay bunso. Paano na lang?" pagrarant ni Marg.
Sobra rin ang struggle ni Marg sa pag-aalaga sa mga anak niya. Kahit na may dalawa siyang kasama sa bahay, hindi niya inaasa sa kanila ang mga bata. She wants to be a hands-on mom. She chose to take off from work para maging full-time housewife and mother. Bilib din ako sa kanya.
"Mag-anak ka pa, bakz," biro ko sa kanya. She grimaced and she shook her head.
"Jusko, bakz! Ayaw ko na. Muna. Mahirap naman kasing magsalita ng tapos. Ayaw-ayaw ako ngayon tapos biglang buntis na naman pala ako."
"Masaya naman kapag maraming, anak." I am not actually closing my door of having another baby. Gusto ko ring sundan si Mikael pero hindi pa sa ngayon. I don't know what lies ahead between me and Bryon pero hindi ako sarado sa posibilidad na magkaroon pa ulit ng anak... ng mga anak.
"Totoo naman 'yan, bakz. Masaya. Mahirap lang ang mag-alaga at magpalaki. Mabuti nga at pang-araw na si KC. Pero kailangan din namang matulog no'n para sa duty kinabukasan. Pero alam mo bakz, naaawa na rin ako sa kanya minsan kasi kahit pagod na pagod, talagang tumutulong siyang umasikaso ng mga bata. Tas gusto niya magpahinga na lang ako dahil pagod daw ako buong araw. E pareho naman kaming pagod. Basta, bakz. Ang swerte-swerte ko sa baklang 'yan, tangina! Kung alam ko lang dapat noon ko pa minahal 'yang baklang 'yan."
I smiled. Hindi mo talaga alam ang mga bagay na pwedeng mangyari sa hinaharap. Tulad na lamang ng dalawang kaibigan ko'ng 'to.
Kung 10 years ago, may magsasabi sa aming silang dalawa ang magkakatuluyan, malamang halos mamatay kami sa kakatawa at titignan lang iyon bilang isang malaking biro. But who would have thought that my best friends are meant for each other? Knowing na pareho sila ng preference 10 years ago?
But all of us have a twist of fate. You just have to believe that a breakthrough in your life will happen soon. Hindi pighati at sakit lang all the time. May happiness din. And that happiness will be shared with the person God has prepared for you.
"E ikaw ba? Wala ka pang planong sundan si Mikael Adams?" makahulugang tanong niya.
"May plano pero hindi pa sa ngayon," pag-amin ko.
BINABASA MO ANG
Even If It Hurts (Completed)
RomanceGianna Saroza Salazar receives all the love she needs from the people around her, most especially from her mamita. She feels that she already has everything that she needs. That is why she made it her personal vow to love the people around her, espe...