It is cold outside. This is my first time in South Korea, but it isn't my first time to experience cold temperatures. I experienced worst before, most especially in Chicago.
It's already spring season and the ice is already melting pero malamig pa rin. Kaya kahit mukhang weird, naka-winter jacket ako paglabas ng airport. Mabuti na lang at may naka-assign na para sunduin ako at hinatid na ako rito sa hotel. Dito na rin mismo gaganapin iyong convention.
Bukas pa ang umpisa kaya mahaba-haba pa ang oras ko para magpahinga at i-review ang presentation ko. Nakabisado ko na iyong mga sasabihin ko at sagot sa mga posibleng tanong pero kabado pa rin ako. Hindi naman kasi talaga ako iyong tipong genius at maning-mani lang ang ganito.
But I will surely do my best para naman hindi magsisi ang ospital na nagshoulder ng lahat ng expenses ko rito. They even gave me a card that I can use for unlimited access in everything here. Gayunpaman, ayoko namang maging abusado kaya hindi ko gagamitin ito para bilhin ang mga hindi ko naman kailangan. I will use my own money to buy my son some presents before I go home.
Nang makapagpahinga ako'y nagsuot ulit ako ng winter jacket at lumabas ng hotel. May napansin akong restaurants na malapit lang sa hotel at plano kong puntahan ang mga iyon para pumili ng makakain.
Mayroong steakhouse doon, chicken and samgyupsal restaurants, pero pinili ko pa ring pumasok sa restaurant na nagse-serve ng ramen at sushi. Malamig at gusto ko ng mahihigop na mainit.
"Ososaeyo," bati ng isang Korean staff pagpasok ko.
Hindi ko naintindihan iyong sinabi niya pero marahil ay welcome ang ibig sabihin no'n. Nagbasa naman ako at nagkabisado ng ilang common terms bago lumipad parito. Pero hindi kabilang sa nabasa ko iyong sinabi niya.
"Anneonghaseyo," pagbati ko roon sa staff. Ngumiti siya at tumango bago niya ako giniya sa pang-isahang mesa. "Gamsahamnida," sabi ko ulit. Ngiti at tango lang ulit ang tugon niya bago inabot sa akin iyong menu.
May English translation naman ang mga pagkain sa menu book nila kaya hindi ako nahirapang pumili. I ordered their best seller ramen and sushi.
Ginala ko ang paningin sa buong restaurant habang hinihintay ang pagkain ko. I even took my phone out and filmed some videoclips of the place. Sobrang aesthetic lang kasi ng dating ng lugar. At mukhang dinadayo ito dahil marami silang customers.
"I am already here. I just need to buy my wife's cravings."
Nakuha ng isang matangkad at maputing lalaki ang atensyon ko. He looks familiar. He's talking with someone over the phone. Naupo siya sa mesa malapit sa akin.
"South Korea, dude," aniya pagkatapos mapakinggan ang sino mang kausap niya.
"I know. Jane has weird cravings. Ayaw niya ng ramen sa Pinas. Gusto niya yung ramen dito sa South Korea. Isa 'to sa mga kinainan namin when we were here for honeymoon."
Oh! So buntis ang asawa niya at nagki-crave ng ramen ng South Korea? Wow huh? Payaman naman ang mga 'to! Ang bongga maglihi ng asawa niya samantalang noong pinagbubuntis ko si Mikael, mangga at bagoong alamang ang hanap ko.
"Of course, I never complained. You know how much she suffered when she was away from me. I am spoiling her in all possible ways."
Nilapag ng staff ang orders ko sa harap ko. Nagpasalamat lang ulit ako sa kanya bago binalikan ng tingin iyong lalaki. Abala na ito sa pagbibigay ng order sa isa pang staff ng resto.
The guy is obviously smitten of his wife. At nagawa pang lumipad pa-South Korea para lang sa cravings ng asawa. Sana all!
I enjoyed my food. Hindi na ako magtatakang very particular ang cravings ng asawa no'ng lalaki dahil masarap naman talaga iyong ramen. Kaya napa-order pa ako ng take-out. Kakainin ko iyon sa hotel mamaya kapag nagutom ako.

BINABASA MO ANG
Even If It Hurts (Completed)
RomanceGianna Saroza Salazar receives all the love she needs from the people around her, most especially from her mamita. She feels that she already has everything that she needs. That is why she made it her personal vow to love the people around her, espe...