Chapter 51

301 9 0
                                    

"Mommy, what happened to your face?"

Kahit napag-isipan ko na ang isasagot ko sa anak ko ay nataranta pa rin ako nang magtanong siya tungkol sa sugat ko sa mukha.

Nagawan ko ng paraan iyong mga pasa. Naitago ng concealer ang mga iyon. Naitago naman ng long sleeve shirt ko ang mga pasa at kaunting sugat ko sa mga braso.

Pero iyong may kalakihang sugat sa labi ko ay hindi ko nagawang itago.

"I accidentally hit the ground when we were doing our team building activity this morning, anak. Anyway, how's Jockers' birthday party?" tanong ko para malihis na ang pinag-uusapan namin ng anak ko.

He and ate Irma arrived an hour after Bryon left. Hindi pa rin totally nagsi-sink sa'kin iyong nangyari kanina. Hanggang ngayon ay nasa shocked period pa rin ako. Ayoko munang isipin sana iyon dahil pakiramdam ko'y mababaliw ako. Ang natatanging tumatakbo sa isip ko ay kailangan ko munang sarilinin iyon at hindi ipaalam sa kahit kanino. Dahil kahit hindi ako sigurado kung gagawin nga ba ni Bryon iyong banta niya, natatakot pa rin akong baka totohanin niya iyon. Natatakot ako na baka idamay niya ang anak ko.

"It was fun, mom! I joined some games, and I got some prizes, too. Look!"

Nilabas niya mula sa Captain America backpack niya iyong mga napanalunan niyang premyo. Mayroong colorful pens doon at notebooks. May chocolates at candies din. Nakikita ko ang tuwa sa mukha ng anak ko at kahit papaano'y naibsan no'n ang bigat ng nararamdaman ko.

"Wow! Ang dami naman," sabi ko at isa-isang tinignan ang mga nakuha niyang premyo. "How about friends? Did you win more friends?"

"Not really," he shrugged. "I like Jocker more than any kids who attended the party. And my kotatayo was there, too! I like him more than Jocker. He is my best friend!"

I smiled. Mas lalo tuloy ako nacu-curious kung sino ba 'tong tito ni Jocker na tinuturing na ngayong best friend ng anak ko.

"You should invite him here."

"When, mom? Can I invite him over dinner tomorrow?"

Agad akong tumanggi. "Not yet, anak. Maybe after I get back from South Korea?" That's almost two weeks from now. Ayoko namang ibalandra ang may sugat kong mukha sa bisita ng anak ko.

My wounds and bruises will most likely heal and totally fade in two-week time. Mas maaga sana, mas maigi. Lalo na at hindi naman ako komportableng nag-aapply ng concealer sa mukha. Expired na nga itong ginamit ko sa mukha ko. Kay Margaux pa ito. Pero wala naman akong ibang choice. Ayoko ring lumabas ng bahay na ganitong puro pasa at sugat ako. At natatakot ako na baka nariyan lang si Bryon sa labas at baka kung ano na naman ang gawin niya sa'kin.

He brought me trauma. And I didn't expect he'd turn this way.

Grabe ang pag-iingat niya sa'kin magkaibigan pa lang kami noon sa Netherlands. At hindi ko lubos maisip na magbabago siya. Na magagawa niya akong saktan ng pisikal.

"When is that, mom?"

I pushed the complex thoughts to the back of my head. I should focus on having a conversation with my son. I missed him. I need to rest with him.

"That's about two weeks from now."

"That's already next month po?"

"Opo," I answered my son. Binuhat ko siya at pinaupo sa kandungan ko. Mabigat na siya at mabilis na ang paglaki. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong hindi na siya baby o malulungkot dahil a few years from now, may binata na rin ako.

I hugged him, recharging myself. Siya lang ang pahinga ko. He's my only reason why I have been keeping my sanity since then despite what I experienced in life. Matagal na siguro akong nabaliw kung wala ang anak ko.

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon