Chapter 41

297 9 0
                                    

Pareho kaming tahimik ni Kael hanggang sa makaalis ng restaurant. Honestly, I don't really know what to respond to what he said pero gusto ko na lang ding matawa. Iniisip niyang si Bryon iyong kausap ko. Hindi niya alam na anak niya iyong kahapon pa niyang pinagseselosan.

Irritation radiates from him pero panay naman ang tingin niya sa gawi ko habang nagmamaneho. Hinayaan ko na nga lang siya at nanatili sa bintana ang tingin.

Nasa Dasol pa lang kami nang maramdaman ko ang pagsakit ng tiyan ko.

Shit! Please, not now!

Pinirmi ko lang ang tingin ko sa bintana and then I was having my breathing exercise. Pinipisil-pisil ko ang mga daliri ko para makalma ang sarili ko, lalo na ang tiyan ko.

But when it hit me like a fucking blazing sun, I started to sweat bullets!

Napahawak ako sa back rest ng upuan ni Kael at suminghap. I bit my bottom lip and squeezed my eyes shut.

Damn it! Huwag naman ngayon, please! Mamaya na lang kapag nakauwi na ako!

"Are you okay?" Kael asked.

"Nasaan na tayo?" I asked instead. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

"Almost Burgos."

Shit! Napakalayo pa! Parang hindi ko na kakayanin 'to. Lalabas na!

"May masakit ba sa'yo, Gianna? You're sweating a lot," aniya at pinunasan ang pawisang noo ko gamit ang kamay niya.

Hindi ako kumibo. Nanatili akong tahimik, nagco-concentrate sa paghinga ko at piping nananalangin na kaya ko pang pigilin ang nararamdaman ko!

"Do you feel hot?" tanong niya ulit. Naramdaman ko ang pagtutok niya sa akin ng aircon at naka-full blast na iyon.

I shivered. Not only because it's cold, but also because of what I am fucking feeling right at this moment!

"Let me check on you." Naramdaman kong bumagal ang patakbo ni Kael. And then when I opened my eyes, he was already parking the car on the shoulder of the way.

"Keep driving!" I almost yelled.

Shit! Lalabas na talaga!

Nagulat siya sa sudden reaction ko. "Ano bang nangyayari sa'yo? Are you dizzy? Is this still an allergy reaction? We should have stayed in the hospital. Pinagpabukas na lang sana natin ang pag-uwi."

"Step on the gas. Please," I begged. Sumunod naman siya agad.

Damn it! This is futile! I might make a mess in his car kapag hindi ko pa ito nailabas!

Ramdam na ramdam ko na rin ang pagtayo ng mga balahibo ko. Tumutulo na rin ang pawis sa mukha at leeg ko. Shit!

Halos dalawang araw ko ng hindi nailalabas ito. Namamahay kasi ang pwet ko kaya kahit anong pilit ko, walang nangyari sa banyo sa may porta-house.

At grabeng kaswerte ko namang ngayon pa talaga mangyayari sa akin ito?! Kung kailan kasama ko ang dati kong asawa?! Gosh! This is indeed an unforgettable memory!

"Gaano pa kalayo ang susunod na gasoline station?" I asked.

"About 40 minutes—"

"Shit! Hindi ko na kaya!" I held his arm and gripped it tightly. Hinawakan ko rin ang tiyan ko. My toes are curling, and I am sweating big time all over my body!

"Naiihi ka? We can stop somewhere here. Wala namang tao."

Umiling ako. No. Hindi. Mas malala pa roon ang pinagdaraanan ko.

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon