Chapter 19

180 8 0
                                    

To My Hubby: Baby, nasaan ka na?

Mag-iisang oras na ako rito sa bahay ng in-laws ko pero hindi pa rin dumarating si Kael. Ang sabi niya kanina ay susunduin niya ako ng 5PM, tas eventually sabi niya sa text na magpunta na lang ako mag-isa kaya ganoon na nga lang ang ginawa ko.

Ang alam ko ay hanggang 5PM lang din ang duty niya sa kompanya nila pero mag-aalas sais na ay wala pa siya.

I wrinkled my nose as it still feels itchy because of the bouquet of pink roses and star gazers. Wala akong ibang maisip na bilhing regalo sa parents niya kung 'di ang bulaklak. Wine sana kaso wine na rin iyong bitbit ko noong huling beses na nagpunta ako rito. Nakakahiya naman kasi na pupunta ako ritong empty handed kahit pa short notice lamang itong pagbisita namin dito.

Kaya kahit na may pollen allergy ako, bulaklak pa rin ang binili ko. Kanina pa ako bahing ng bahing. Nahiya nga ako roon sa driver ng grab dahil panay ang tingin niya sa akin sa rear view mirror.

As much as I love flowers and anything related to it, hindi ko magawang magtanim ng flowery plants dahil sa allergy ko. Kaya naman more on non-flowery lang ang naitatanim ko sa garden namin ni mamita since plants like that, especially with big leaves and no flowers are less likely to produce pollen in amounts that trigger my allergy.

Gusto ko na ring umpisahang magtanim doon sa garden sa bahay namin ni Kael, but I couldn't still find time. This weekend maghahanap siguro ako ng mga magagandang halamang pwedeng maitanim. Iyong mga palmera siguro dahil known iyon na effective air cleaners.

"Nasaan na raw si Kael?" tanong ni tita Tanya. I am not addressing her as mommy or mama dahil hindi naman siya ang mommy ni Kael. His mom passed away when he was in high school.

"Baka nasa trabaho pa po, tita," sagot ko kahit na hindi ako sigurado roon. I looked at my phone. My messages to my husband remained unseen.

"Ang akala ko sa batang 'yon ay hinding-hindi magugustuhan ang pagpapatakbo ng negosyo. But here he is, mukhang mas workaholic kaysa sa daddy niya," nakangiting sabi ni tita.

Ngumiti rin ako sa kanya. "Kaya nga po, tita," pagsang-ayon ko. Mukha kasing walang pakialam si Kael sa mga negosyo ng lola niya pero ang totoo'y hard and smart working siya. He deserves to run their business.

"And I couldn't see anything against it. Mas mabuti nga na mawili siya sa pagtatrabaho kaysa sa pambababae, right?"

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon though my mind wandered somewhere else.

Si Kael na nambababae. Hindi naman niya siguro magagawa sa akin iyon ngayong kasal na kami... kahit pa hindi niya ako mahal.

Lumabas si daddy Zandro mula sa study room. Tumayo ako at sinalubong siya para magmano.

"How are you, Gianna?" tanong niya. He always looked strict. Ganoon din ang tono ng pananalita niya.

Noon, natatakot akong kausap siya. But eventually, naging komportable na rin akong kaharap siya dahil ganoon lang talaga ang dating at pananalita niya—istrikto. Nakikita ko ang resemblance nila ni Kael sa bagay na iyon. They also looked quite similar pero mas kamukha ni Kael ang mommy niya.

"Okay naman po ako, dad. Kayo po?"

He motioned me to sit again. Naupo naman siya sa tabi ng asawa niya.

"I am good. Where's Kael?"

"Nasa trabaho pa po."

"I told him to pick you up. Why did he let you come here alone?"

"Susunduin po niya dapat talaga ako after ng review kaso parang may urgent meeting po ata siya kaya sinabi niyang magpunta na lang po ako mag-isa," palusot ko. Kailangan kong pagtakpan ang asawa ko dahil ayokong maging dahilan pa ito ng pag-aaway nila ng daddy niya. Madalas kasi silang mag-away noon. Natigil lamang sila no'ng may nangyari kay Ayla, ang natatanging kapatid ng asawa ko.

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon