The entire night was full of stories, hugs, and laughter. I am truly happy to see the people important in my life celebrate another milestone with me. Though hindi pa talaga totally nagsi-sink in sa akin iyong idea na doctor na ako. All hard works have been paid off. At masaya akong masaya ang mga taong nakapaligid sa akin para sa kung ano mang nakamit ko.
Habang abala sa pagco-congratulate ang lahat sa akin, ang staffs ng restaurant ay mabilis na nakapagsetup ng mga mesa at upuan sa VIP hall—dahil masyado itong malawak para maging VIP room lang. At kaya pala sobrang lawak nito para lamang sa inasahan kong dinner date dahil may ganitong sorpresa pala para sa'kin.
"I am always proud of you, Iya. I know your mamita is very proud of you too," sabi ni daddy habang yakap ako. I didn't expect them to be here dahil wala naman silang nabanggit na uuwi sila ng Pilipinas pagkalabas ng resulta. But Kael planned everything. He made everything possible tonight.
Nabanggit ni KC na kagabi pa raw lumabas ang resulta ng PLE. They texted me about me passing it since nakita nilang naroon ang pangalan ko sa list. Kaso wala akong natanggap ni isang mensahe o tawag dahil nang i-check ko kani-kanina lang ang cellphone ko, naka-airplane mode pala iyon. Hindi ko iyon nagawang i-check iyon kagabi dahil sa mga ginawa namin ni Kael sa kwarto niya. Nawala na sa isip kong i-check iyon kaninang umaga since hindi naman iyong tumunog.
And I guess who the culprit of all of these is.
I looked at him. He is talking with my younger brother, Red. My brother looks fond of his brother-in-law. The scene brought a smile to my face.
"Thank you, dad," sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. I missed him so much. Halos hindi ko sila nagawang tawagan nitong mga nagdaang buwan dahil sobrang abala ako sa internship, but it didn't make me miss them less.
"You are always welcome, anak. You know I am always here for you. We are always here to support you." Dad moved back and looked at my face. "Ano ng plano mo? Saan ka na kukuha ng 2nd year residency mo?"
"Hindi ko pa po alam, dad." Iyon ang totoo. After ng internship ko, nagfile na muna ako ng leave. Hindi naman ako nahirapang maipa-approve iyon. Kaya heto ako at nagagawa kong magbakasyon muna kahit na dapat ay tuloy-tuloy na ako sa 2nd year residency ko lalo na at pasado na ako. "Hindi ko po alam kung lilipat pa ako ng hospital o mag-stick na lang po ako roon."
"Sige lang, anak. Don't pressure yourself, alright? Choose what your heart dictates."
I smiled at my father and kissed him on his cheek. "I love you, dad."
"I love you, too Gianna."
Pinakawalan ako ni daddy nang lumapit ulit sa akin sina Marg at KC. I caressed Marg's swollen tummy. Mababa na rin ang tiyan niya. Ready'ng-ready na siyang manganak.
"Kanina ko pa napapansin ang malagkit na titig sa'yo ni Kael, ha?" malisyosong sabi ni Margaux habang nakataas ang kilay sa'kin.
"Gano'n ba? Wala lang 'yon." Uminom ako sa wine glass na pinatong ko sa mesa kanina. I half-downed it before I looked at my friends who are gawking at me with disbelief on their faces.
"Anong meron? May nagbago e. No'ng tumawag siya kagabi gamit iyong numero mo, ang lakas na talaga ng hinala kong may nagbago."
"Tinawagan ka? Bakit?" tanong ko, hindi pinagtuunan ng pansin iyong sinabi niya.
Margaux rolled her eyes. KC scoffed.
"Malamang para sabihing 'wag muna naming ipaalam sa'yong pasado ka kasi may ganito pala siyang pakulo. Tangina ha! Ang sweet lang."
Ngumiti ako dahil totoo iyong sinabi niya. I find this surprise sweet. Kael is sweet. At mas lalo ko lang siyang naappreciate at minamahal sa mga ginagawa niya para sa'kin.

BINABASA MO ANG
Even If It Hurts (Completed)
DragosteGianna Saroza Salazar receives all the love she needs from the people around her, most especially from her mamita. She feels that she already has everything that she needs. That is why she made it her personal vow to love the people around her, espe...