"Anong magandang iregalo—"
"Para sa mapapangasawa mo? Na naman?" KC cut my statement off. I rolled my eyes because my friends have been acting ludicrous lately. Hindi naman sila ganito ka-nega kay Kael noon pero napapansin ko ngayon na kulang na lang ay sabihan nilang akong umatras na sa kasal namin ng fiancé ko.
"Ano pa nga ba? Hay naku, Iya. Give yourself a break din. Hindi iyong ikaw ang effort ng effort," segunda naman ni Margaux.
Katatapos lang ng duty namin, but we decided to grab a cup of ice cream in SM. But I guess it was such a wrong idea because these two have been acting so villain in my love story.
"Birthday kasi niya," I reasoned out. I took a spoonful of my mango cheesecake blizzard and filled it in my mouth.
"Hoy bakla! Kahit hindi niya birthday nireregaluhan mo siya kaya huwag kami!" asik ni KC.
"Bakit napaka-kontrabida niyo ha? Inggit lang kayo sa'kin e!" hindi ko na napigilan pang sabihin.
Nagkatinginan sina KC at Margaux bago napailing.
"Ayoko na lang mag-talk," sarkastikong sabi ni KC bago ipinagpatuloy ang pagkain ng blizzard niya. Ganoon din si Marg.
I am a bit pissed because of the way they act, but it's alright. Choice nilang maging kontrabida ngayon sa buhay pag-ibig ko though I know naman deep inside them that they're both happy for me.
Alam nila kung gaano ko kamahal iyong mapapangasawa ko. Alam nila kung gaano ko na katagal na pinapangarap ang lalaking 'yon para mapasa'kin. Kaya alam ko ring suportado pa rin nila ako kahit na nagpapaka-bitch sila ngayon.
I was searching some gift ideas for my fiancé in the Google. Nasa bahay na ako, nakasalampak sa couch sa sala sa bahay namin. Lola slept early. May final exam daw sila sa mahjong ni lola Antonia bukas sa kung saan at maaga raw iyon.
Tss. Nakakatuwa talaga silang dalawa. Basta kapag nabanggit nilang may midterms at finals sila, ibig sabihin no'n ay may mahjong session silang sasalihan.
It was still early. I wanted to visit Kael in his condo, but he said he was busy. Tyaka hindi raw niya ako kailangan dahil may tagalinis at taga-prepare na raw siya ng pagkain.
Tss! Akala lang niya na hindi niya ako kailangan sa buhay niya ngayon, but once we get married, hahanap-hanapin na niya ako. I promise I will be his personal brand of heroine he will not want to let go off.
I was in the middle of checking some online stores that sell some products for men when my cousin, Liam, barged inside the house. He was smiling widely at me. Hindi ko pa napansin noong una pero kasama pala niya iyong girlfriend niyang si Liana Jayne.
"Hi, ate Iya!" bati ni Liam sa'kin bago kinuha ang kamay ko at nagmano. Hinampas ko naman siya sa braso dahil sa biro niya.
"Anong akala mo sa'kin, ha Liam? Lola?" sabi ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako. Lumapit naman si Jayne sa'kin at nakipag-beso. Napangiti ako dahil ang bango ng batang 'to. She smells sweet. Parang iyong mapapangasawa ko lang. Sobrang bango rin.
Sobrang sweet nitong si Jayne kaya nga whipped masyado itong pinsan ko sa kanya.
"Good evening po, ate," bati niya. I smiled widely at her.
"Good evening, Jayne. Ang pretty-pretty mo talaga. Manang-mana ka sa'kin," sabi ko. Nahihiya naman siyang ngumiti.
I am used to calling her Jayne though everyone calls her Lia. Magkakatunog kasi ang mga pangalan namin. Liam, Lia, Iya... Medyo weird lang.
Pero sinadya naman kasi iyong kina Liam Jasher at Liana Jayne. Both of them were named by tita Lorelei, Liam's mother. Pumayag naman si tita Donita, ang mama ni Jayne, na pangalanan ang mga anak niya ng kaparehong initials ng nag-iisa niyang anak. Best friends kasi. Tas nakakatuwa pa na magjowa ang mga anak nila. Dating best friends ang dalawang 'to e hanggang sa nahulog sa isa't-isa.

BINABASA MO ANG
Even If It Hurts (Completed)
RomanceGianna Saroza Salazar receives all the love she needs from the people around her, most especially from her mamita. She feels that she already has everything that she needs. That is why she made it her personal vow to love the people around her, espe...