CHAPTER 2

43.9K 1.4K 160
                                    

Chapter 2

Desmond Pov

Nang makumpirma ko na tama ang hinala ko agad kong pinihit pabukas ang busol ng nakalock pala iyon. Umatras ako at binaril ang busol. Binuksan ko ang pintuan at napatingil ako nang makita ko kung ano ang nasa loob.

Isang batang lalaki ang nandodoon. Hubo't hubad siya, duguan ang paa, may mga pasa at nakabusal ang bibig tapos nakagapos pa ang kamay at paa sa likuran niya.

My eyes bore on his bruised face. Lips wounded, a black eye, and you can see the black and blue spots on his abdomen. It looks like he's been tortured.

"Ahhmp, ahmmp! Ahhhmp!"

Nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin. Para siyang takot na takot na nakatingin sa akin. He wiggled and tried to stray away from me. I was wrong hindi pala siya nakatingin sa akin nakatingin pala siya sa dala kong baril.

I step forward at mas lalo siyang nagpanic. Napabuntonghininga ako at tumigil sa paghakbang. Ano ba itong ginagawa ko? I can leave this kid here. Tutal ay di ko naman siya kilala. But the inner me is telling me to help this kid.

Muli akong humakbang pero umulan ng luha ang mata niya. He is shaking in fear. Dàmmit!

"Hey, kid. I will not harm you... I-I will help you. Okay? So calm down." ani ko sa kalmang boses.

Wala na akong paki kung wala man siyang suot ni isang damit. May sumabog na naman at parang malapit na ang pagsabog na iyon dito! Pumikit ako saka nilapitan siya. Sinubukan niyang lumayo sa akin pero nahawakan ko na siya.

When I touch his arm. Parang mababali ko ang buto niya.

Tinanggal ko ang busal sa bibig niya at bumakat doon ang higpit ng pagkabusal sa pisngi niya. Namumula iyon. Mabilis ang paghinga niya at tumulo pa ang laway niya.

"Hey!" Napasigaw ako ng kagatin niya ang braso ko. "Fuck this!" Ako at nilayo ko ang braso ko sa kanya.

"P-lease... please... no, no..." nauutal niyang sabi. "W-wag niyo po akong sasaktan... wag niyo po akong sasaktan. Promise, di na ako t-tatakas."

"Kid, I will help you. I will not harm you, okay?"

Sunod kong tinanggal ang nakagapos na lubid sa kamay niya. Sinubukan niyang umupo ngunit napahiga lang siya. Para siyang walang lakas. Tinulungan ko siyang paupuin. I supported his back with my one hand and untie his feet.

Malalalim ang hininga niya, malamig ang katawan niya at nanginginig. Tumingin ako sa paligid at humanap ng maaaring maisuot niya pero wala akong makita. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang kurtina. Dahan-dahan ko siyang binitawan at tumungo ako doon sa nakatabing na kurtina at saka iyon hinablot.

Lumapit ako sa kanya at akmang itatapis ko ang kurtina sa kanya nang makita ko ang isang kamay niya na lumalabas ang dugo. Preskong-preskong dugo ang lumalabas doon.

Muli na naman akong naghanap ng maaaring iagap doon pero wala akong makita kaya nilapitan ko na lang siya saka ko kinapa ang towel na nasa bulsa ko. Itinali ko ang towel ko sa palapulasuhan niyang dumudugo. At tinapis ko sa kanga ang kurtina.

"Kid, can you walk? Can you stand?" tanong ko sa kanya.

Ang pagod na niyang mata ay dumapo sa akin. He look so pale, maybe because of too much blood loss. Pumikit siya at umiling sa akin.

Nang bubuhatin ko siya ay bumukas ang mata niya at nataranta na naman siya. "W-what are you doing? Are you going to hurt me? A-are you going to..."

"Hush," napabuntonghininga na naman ako. Hindi ko na alam kung pang ilang buntonghininga ko na ito simula nang pumasok ako dito sa silid na ito. "I'm..." napatigil ako. Why am I doing this? I'm not really a good person. I don't give a fùck to anyone yet why? Pero bakit? Bakit gustong-gusto kong tulungan ang batang ito?

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon